DorianWalang tigil ang pagtunog ng telepono niya habang nagmamaneho. Si Amere ang tumatawag sa pero hindi niya magawang sagutin ang tawag ng babae. Masama ang loob niya. Ngayon alam na niya ang naramdaman nito nang makita siya nitong hinalikan ni Berett six years ago.
But he didn't like Berett in a romantic way. Ang nakita niya kanina ay iba. He knew there was something between Cami and Amere. And it was painful for him. Kaya niyang makipagpaligsahan sa kapwa niya lalaki. But with a woman? Paano siya lalaban doon sa atensyon ni Amere?
But she said she likes me. And I felt there was something between us. Something deeper. Nararamdaman ko mahal ako ni Amere at mahal ko din siya.
Napahinga siya ng malalim sa naisip. Yes. He loved her that was why it hurt him so much seeing her kissing another person. Worse, a woman. Talagang umaalsa ang galit niya kanina nang makita niya ang pangyayari at gusto na niyang sugurin ang mga iyon. Pero anong gagawin niya? Puwede ba niyang suntukin si Cami? Even if she was a lesbian, she was still a woman. And she was acting and dressing up like a woman. Kahit sino ang makakita sa babaeng iyon, walang mag-iisip na babae rin ang gusto nito. Kaya kung kumprontahin man niya si Cami siguradong walang maniniwala sa kanya at siya ang agrabyado.
Napapailing siya. Saan naman siya pupunta ngayon? Ayaw naman niyang umuwi dahil siguradong siya na naman ang tutustahin ng mga kapatid niya sa pangungulit kung sino ang girlfriend niya. Sa sobrang daldal ni Berett, nabanggit nito sa mga kapatid niya na may idini-date siyang babae.
Muli ay napatingin siya sa telepono at wala pa ring tigil ang pag-tunog noon. Inilagay na niya sa silent mode dahil si Amere pa rin ang tumawag. Pero hindi din naman niya matitiis si Amere. Siguradong bibigay pa rin siya dito maya-maya. Kaya ang ginawa niya ay dumeretso siya sa Dangwa. Kahit gabi na ay bukas naman ang tindahan ng mga bulaklak dito. Sige siya naglalakad at hindi iniintindi ang pagtawag ng mga tindera sa kanya. Tinitingnan lang niya ang mga bulaklak. Ano ba ang gustong bulaklak ni Amere? Napakamot siya ng ulo at napatingin sa Ecuadorian roses na nakahilera sa tapat niya. Roses never gets old. Classic flower for every woman. For every occasion. Nilapitan niya ang bulaklak at hinawakan ang mga iyon tapos ay napangiti.
Hindi siya sanay magbigay ng bulaklak sa babae. Sa katunayan, nanay lang niya at si Amere ang nabigyan niya ng bulaklak sa buong buhay niya. Pero ngayon, patutunayan niya kay Amere na kahit napakaraming nangyari sa kanila, marunong din siyang manligaw. Marunong siyang manuyo tulad ng isang tunay na lalaki na kayang magpakilig ng kahit na sinong babae.
Inorder niya ang lahat ng klase ng Ecuadorian roses na naroon. May life sized stuff toy pa nga. Pero nagdalawang-isip siya sa doon. Mahilig kaya si Amere sa stuff toy? Pero bahala na. Even if she won't like it, alam niyang kasama ang stuff toy sa package ng panliligaw. Halos mapuno nga ang kotse niya sa dami ng bulaklak. Sa passenger seat naka-upo ang life sized stuff toy. Ang compartment niya ay puno ng mga lobo. Dumaan din siya sa isang pizza parlor at bumili ng pizza and wine. Ganito ang mga starter pack ng mga surprise na nakikita niya sa social media.
Dumeretso siya sa bahay nila Amere. Hindi na agad muna siya bumaba at ilang beses na huminga ng malalim. Alam niyang magagalit ang babae sa gagawin niya at handa siyang harapin ang galit nito. Pero hindi nito mapipigil ang gagawin niya ngayong gabi.
Bumaba siya sa sasakyan at nag-doorbell. Matagal na siyang nakatayo doon pero walang nagbubukas sa kanya hanggang sa mapatingin siya sa isang paparating na kotse at pumarada sa tapat ng bahay nila Amere. Nakilala niyang kotse ni Nik iyon. Bumaba ang lalaki at nagulat nang makita siya.
BINABASA MO ANG
BAD DATE | Bad Series 4 (complete)
Lãng mạnTo save face from a total embarrassment after she made a scene in their university, Amere Tamayo decided to date the guy that her friends kept on telling her to see. Dorian Ambrocio. A bad date that ended up in a one-night stand. After six years o...