AmereAnd it felt just like the first time.
Just like the first time that they met. Like the first that they had sex. The first time that they both lost their virginities to each other.
Hindi niya iniintindi ang pagtunog ng telepono niya. Pinabayaan lang niya iyong tumunog nang tumunog sa bag niya. Ganoon din si Dorian. Hindi rin nito pinapansin ang kanina pa na nagba-vibrate na telepono. Basta kapwa lang sila tahimik na nakasakay sa sasakyan. Dapat ay inihatid na siya nito sa bahay dahil may lakad nga siya ngayong gabi kasama ang mga kaibigan pero hindi niya sinasaway ang lalaki kahit na paikot-ikot lang naman sila mga kalsadang dinadaanan nila.
"Where are we going exactly?" Siya na ang hindi nakatiis na magtanong.
"The truth?" Tinapunan siya nito ng tingin. "I don't know." Umiling pa ito. "Basta ayaw ko pang ihatid ka pauwi. Gusto kong makasama pa kita. Kahit dito lang sa loob ng sasakyan." Nanatiling nakatutok ang tingin nito sa kalsada.
Natawa siya. "For real? Wala ka man lang gagawin to surprise me?"
Kumunot ang ang noo nito. "I-I don't know what to do, Amere. I mean, this is new for me. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako."
"For starters, you could ask me out. I-date mo ako." Natatawang sabi niya dito.
Kita niyang parang kumislap ang mata Dorian sa narinig na sinabi niya at napangiti ito.
"I am fucking dumb. Actually, kanina ko pa naiisip iyon kaya lang baka hindi mo naman trip." Nahihiyang sabi nito.
Hindi rin niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya. Kahit naman kasi ilang beses na silang nag-date ng lalaki, lagi na lang iyon nauuwi sa isang disaster date.
"Okay. Tonight, we are going to have a date. A real one. A normal one. Hindi iyong lasingan na date. Hindi iyong date na pagkatapos dederetso lang tayo sa kama. I mean, tonight we will be like a normal people that are beginning to know each other." Seryosong sabi nito.
Pakiramdam ni Amere ay lunod na lunod ang puso niya. Ito ang gusto niya. Ang tratuhin siyang isang espesyal na babae. Idi-date. Dahil gusto siyang i-date hindi dahil sa sinabihan lang para i-blind date siya. At least ngayon, ang idi-date niya ay talagang lalaking gusto niya.
Nakita niyang huminto sa isang restaurant si Dorian. Napangiti siya lalo nang makita ang pangalan noon. Iyon ang restaurant na una silang nag-date. Iyong nag-sub siya kay Reeva six years ago.
"Remember this place?" Tumingin din si Dorian sa restaurant.
"Yeah. I had a great time that night. With you."
"Come on." Pinatay nito ang makina ng sasakyan at bumaba na. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto at hinawakan ang kamay niya habang sabay silang pumasok sa restaurant. Agad silang binati ng mga staff doon at itinuro kung saan sila puwedeng pumuwesto. Hindi maintindihan ni Amere kung bakit pakiramdam niya ay talagang first date nila ito ng lalaki. Ang seryoso kasi nito at talagang inaalala siya kung ano ang gusto niya, kung kumportable ba siya dito. Pakiramdam niya ay nalulunod siya dahil hindi siya sanay sa ganito. She was tough. She was old but she was still a woman after all. A woman in need of love and affection.
Wala silang imikan na dalawa habang magkaharap sila. Hindi nga niya magawang tumingin sa mga mata ng lalaki kaya iginagala niya ang tingin sa paligid. Kita niyang iilan lang din naman ang mga taong naroon. Karamihan ay mga couple din na tahimik na kumakain. May lumapit na attendant sa kanila at pinabayaan niyang umorder ang lalaki. Hindi rin naman siya gutom. Para ngang nagrarambol ang tiyan niya sa excitement. Naramdaman niyang hinawakan ni Dorian ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
BAD DATE | Bad Series 4 (complete)
RomanceTo save face from a total embarrassment after she made a scene in their university, Amere Tamayo decided to date the guy that her friends kept on telling her to see. Dorian Ambrocio. A bad date that ended up in a one-night stand. After six years o...