"Good morning, maam Ara." Bati sa akin ng guard pagbungad ko palang sa harap ng kompanya.
"Good morning din, Mang Gardo." Bati ko pabalik sa kaniya. Nagmamadali akong pumasok pero napatigil din at napabalik nang tawagin ako ni Mang Gardo.
"Ma'am sandali lang po!" Tawag niya sa akin. "Bakit po manong? May problema po ba?" Takang tanong ko.
"Ah Ma'am wala naman pong problema. May nagpapabigay na naman po kasi ng bulaklak at chokolate po para sa inyo eh." Kamot batok niyang paliwanag. Isang taon at limang buwan palang ako dito sa kompanya pero madami ng mga gustong manligaw sa akin o mga nanliligaw sa akin. Palagi silang nag-iiwan ng mga kung ano-ano, hindi lang kay manong nila iniiwan kundi pati na rin minsan sa mga ka-trabaho ko o di kaya'y sa harap mismo ng bahay, mabuti nalang at maagang umaalis sila kuya sa bahay kung hindi baka mauwi lahat sa basurahan ang mga iniiwan nila sa harap ng bahay. Minsan nga nagtataka ako kung bakit pati sa bahay may mga nakakarating na mga ganon eh hindi ko naman ibinibigay ang address ko sa iba, tapos malalaman ko nalang na binigay na pala ng bruhang si Chelle. Kung maaari nga lang ay ayaw kong tumanggap kaya ang ginagawa ko nalang minsan ay pinamimigay kaysa naman 'yong itapon ko di ba? Kaysa naman masayang.
"Salamat po. Sino daw po? Ano pong pangalan?" Tanong ko pa kay Manong Gardo at saka iyon tinanggap.
"Ma'am hindi po sinabi eh. Ang sabi lang po ay ibigay ko sa inyo." Wika niya. Tumango nalang ako at nagpasalamat uli bago dali-daling pumasok sa loob, binabati ako ng mga nakakasalubong ko ngunit tango nalang ang naisusukli ko dahil sa pagmamadali at tinungo ang elevator. Binati ako ng mga nakasabay ko at ganon rin ako sa kanila. Nang tumunog ang elevator ay dalian akong lumabas.
Pagpasok ko sa marketing department dito sa second floor ay agad akong sinalubong ni Chelle at ni Ma'am Lopez, Ang manager namin dito, boss namin.
"Ay wow, panibagong flowers and chocolates na naman?! Kanino daw galing?" Tukoy ni Chelle sa chokolate at bulaklak na dala ko, it was a box of Ferrero rocher at pinaghalong black and red bouquet of roses.
"Hindi ko din alam eh. Sabi ni Guard hindi daw sinabi kung anong pangalan" Pagsasabi ko ng totoo sa kaniya.
"Huwag mong sabihin na ibibigay mo na naman iyan kay Chelle o sa mga ka-trabaho mo?" Pagsingit naman ni Ma'am Lopez. Napakamot naman ako sa batok at napangiwi.
Halos lahat kasi ng ibinibigay sa aking bulaklak ay ibinibigay ko sa iba at ang mga chokolate naman ay ipinamimigay ko sa mga bata na nakikita ko sa kalye. Bukod kasi sa hindi ako tumatanggap ng manliligaw ay mas lalo namang hindi tumatanggap ng mga manliligaw ko ang mga kuya ko, kaya kapag nakikita nilang may mga nagbibigay sa akin ng mga kung ano-ano ay sila na mismo ang nagtatapon at nagpapamigay sa iba. Kaya ako na mismo ang namimigay ng libre sa iba kaysa naman matapon nila kuya sayang din.
"Hay. Iuwi mo nalang iyan Ara. Sasamahan kita mamaya pag-uwi mo at ako na ang bahalang magpalusot sa mga kuya mo." Natatawang sabi ni Ma'am Lopez.
"Ay Ma'am huwag na po. Nakakahiya naman ho sa inyo." Nahihiyang sagot ko kay Ma'am.
"No. I insist. Tsaka kailangan mo rin namang tanggapin kahit isang beses lang iyang mga ibinibigay sa iyo, hindi iyong ipamimigay mo rin sa iba."
Sabagay minsan lang naman ako tumanggap ng mga inbinibigay sa akin at madalas palihim pa kila kuya.
"Ah Ma'am, maiba po ako. Bakit niyo po ako hinahanap? Hindi po ba sa susunod na araw pa po kailangan ang report na ipinagawa ninyo sa akin?" Takang tanong ko.
"Ah iyon ba? May ipapagawa sa iyo si Sir Calix, panibagong report yata eh." Nag-aalalang sabi ni Ma'am sa akin. Siguro dahil alam Ma'am na madami din akong tina-trabaho kaya ganon. Pero ayos lang natapos ko naman na lahat ng reports na kailangan sa susunod na araw kaya unti nalang ang gagawin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/265289783-288-k497356.jpg)
YOU ARE READING
Mafia Boss' Secrets (Profession Series #1) On Going
RomanceArabella Rose Rosales was the ordinary employer of Cayden Felix Frerez, a graduate with a bachelor's degree in nutrition, the princess of the Rosales family, and the most precious gem of her brothers. An employee of Frerez Unendlich Wines. She didn'...