Chapter 3

3 0 0
                                    

Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang binitawan ni Calix kanina nang lumabas ako ng office niya. Umiling iling ako at pinagsawalang bahala na lamang iyon saka ako tumuloy sa paglalakad.

Patungo ako ngayon sa finance department para dalhin ang mga papeles na ipinapahatid ni Sir Calix.

"Sir Zaice pinapabigay po ni Sir Calix." Sabi ko kay Sir Zaice nang makarating ako ng finance dep, ang head sa finance department at saka iniabot ang mga papeles.

"Thank you, Ara. Ahmm by the way I... I--I just wanna ask you... Kung may kasama ka bang kumain mamayang lunch?" Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto sa akin si Zaice, magkasing edad lang kami at isa siya sa mga kaibigan ko dito sa trabaho ko, but I don't feel anything mutual for him. Alam naman din niya na wala akong gusto sa kaniya at wala din akong balak magkaboyfriend ngayon dahil na din kila kuya at siyempre dahil ayoko. I am now 24 and turning 25 this year yet my brothers were always treating me like I'm just a baby, well they always say that I am their baby.

"Ahm. Wala naman. Why?" Kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin ay gusto ko iyong marinig mismo sa kaniya, dahil wala naman talaga akong kasamang kakain mamayang lunch. Si Chelle kasama iyong jowa niya sa labas inaya pa nila ako but I refuse, magmumukha pa akong third wheel nuh! At ang ibang mga kaibigan ko naman dito ay may mga kasama ng iba, well sanay naman na ako. Lima ang kaibigan ko dito. Si Chelle iyong jowa niyang si Gelo, si Zaice, si Tasha at si Achi. Matagal na kaming magkakaibigan nina Chelle at Tasha. Nakilala naman namin dito si Gelo at Achi, si Zaice ako lang talaga iyong close niya sa aming lima. Alam rin naman nila na close kami ni Calix.

"Ahm... Can I join you later?" Ayon oh! Well he is still my friend, magconfess man siya o hindi wala namang magbabago sa pagtingin ko sa kaniya bilang kaibigan kahit alam niyang hindi ko masusuklian iyong pagmamahal niya para sa akin.

"Sure!" Masiglang sagot ko sa kaniya.

"So... pa'no? kita nalang tau mamaya?" Ngumiti naman ito sa akin bago sumenyas na magtra-trabaho na. We bid our goodbyes at saka narin ako nagtungo sa dep. namin.

°°°

Matapos ang ilang oras ay maglulunch break na. Naalala ko si Calix. Lagot ako nga pala ang laging kasama nun maglunch! Bakit ba hindi ko iyon naalala?! Ah alam kona! Paano kung ayain ko nalang siyang sumabay sa amin ni Zaice? Pero maiilang naman si Zaice kung gano'n. Aisshh. Sabihin ko nalang kaya na hindi ako makakasabay sa kaniya? Aishh bahala na.

"Oh my! Ara!" Napatingin ako kay Tasha nang tawagin niya ako. Hinihingal pa ito at pinagpapawisan.
Sakto ring pagtunog ng bell, hudyat na para maglunch.

"Oh bakit parang hinabol ka ng aso sa itsura mo?" Pagbibiro ko sa kaniya pero hindi man lang natinag niyon ang ngiti sa mga labi niya na parang kinikilig pa. Nagsitayuan na ang iba naming mga ka-trabaho upang kumain, sila Chelle naman ay nauna na.

"Bakit ganiyan ngiti mo? Psh. Lalaki na naman iyan nuh?" Hindi ko na namalayan na nakatayo na pala si Achi sa gilid ko. Magkakatabi lang kasi ang cubicle namin.

"Hay naku hindi lang basta lalaki nuh! MGA LALAKI! At saka ang popogi!" Mahinang tili ni Tasha dahil may mga nagtra-trabaho pa pero lunch naman na kaya okay lang magchikahan kami.

"Lima sila! At pinsan yata ni Sir Calix iyong isa!" Dagdag pa niya.

"Ara sa tingin ko bagay kayo nung parang pinsan ni Sir Calix, iyong parang Boss nila!" Komento pa niya. Pekeng umubo naman si Achi dahil doon. Isa pa tong si Achi eh, napapansin ko rin kasi na parang may gusto siya sa akin but it's okay he's just a friend for me at alam niya naman iyon.

Mafia Boss' Secrets (Profession Series #1) On Going Where stories live. Discover now