PAGKAPASOK ko sa hall na siyang pagdadausan ng JS Prom namin ay bumungad sa 'kin ang iba't-ibang kulay ng ilaw at maingay na tugtog.
Nakasimangot ako habang naglalakad papunta sa 'king uupuan. Pa'no ba naman ako ngingiti kung hindi ako komportable sa gown na suot ko at sa make-up ko na hindi ko alam kung mabubura pa ba sa sobrang kapal. Mas nakadagdag sa 'king simangot ang mga matang nakatingin sa 'kin na parang ngayon lang sila nakakita ng babaeng naka-gown. Tsk! Si nanay kasi, e! Pinilit akong magsuot ng ganito.
Ayoko sanang pumunta dito, e. Kasi ramdam kong may mangyayari ngayon na sigurado akong 'di ko magugustuhan. Pero no'ng pinilit ako ni nanay na pumunta ay hindi na 'ko nakapagrason pa. At saka may aabangan pala akong confession mamaya. May kaklase kasi akong nagpatulong sa 'kin sa kanyang gagawing confession mamaya.
Napabuntong-hinga ako at umupo na 'ko sa upuang nasa tabi ni Rhea at Rhea Mae. Kasalukuyan akong nakatingin sa pinakagwapong lalaki na nakita ko ngayong gabi. Sa lalaking nagmamay-ari ng aking puso. Sa lalaking mahal ko. Oo. Mahal ko si Joshua.
Nitong mga nakaraang araw ko lang nalaman. O mas tamang sabihin na kamakailan ko lang inamin sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung kailan ko 'to naramdaman at kung kailan ito nagsimula. Nagising na lang kasi ako isang araw na inamin ko na talaga sa sarili kong mahal ko siya. Isang buong linggo rin akong hindi nakatulog ng tama dahil sa kanya. Tsk! Kainis nga, e.
Pagkatapos ng araw na hindi natuloy ang paghatid ni Joshua sa 'kin ay iniwasan ko na siya kahit pa mahirap. Sa tuwing iniiwasan ko siya ay nasasaktan ako at parang may mabigat na bato sa loob ng dibdib ko. Nagtataka na nga ang mga kamag-aral ko kung bakit parang iba yung kinikilos ko nitong mga nakaraang araw. Nginingitian ko na lamang sila at sinasabing pagod lang ako kasi hindi ako masyadong makatulog kapag gabi.
Pero kailangan ko nang alisin ang pagmamahal ko kay Joshua sa isip at puso ko dahil ako lang sa huli ang masasaktan. Hindi niya 'ko kayang mahalin dahil may mahal na siyang iba. Dahil mayro'n nang nagmamay-ari ng buong pagkatao niya. Halata naman na mahal niya pa rin si Joyce, e. Pero kahit na gano'n ay hindi ko pa din maipagkakaila sa sarili ko na...
I'VE FALLIN' FOR HIM.
HINDI ko na namalayan ang oras dahil wala na 'kong ginawa do'n kundi ang titigan si Joshua. Namilog ang mata ko nang tumingin siya sa 'kin at binigyan niya 'ko ng isang matamis na ngiti. Tumingin na lamang ako sa ibang direksyon at kahit na isang simpleng ngiti ay hindi ko siya binigyan.
Nakakabagot ang prom pero okay na sana, e. Ang kaso lang ay na-late pa kasi ng dating si Joyce at lahat ng atensiyon namin ay napunta sa kanya. Lahat ng bulungan ay tungkol sa kung ga'no siya kaganda sa kanyang suot na gown. Tsk! E 'di nasa kanya na ang spotlight.
Insecurities hit me when I laid my eyes on her. Pagdating talaga kay Joyce walang-wala ako kumpara sa kanya. Kahit man lang dito sa prom ay hindi ko siya matalbugan. Bakit ba kasi hindi ako katulad niya kung kumilos at hindi ako kasing-ganda niya? Psh!
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang sayawan kaya kanya-kanyang lapit na ang mga kalalakihan sa mga dalagang gusto nilang isayaw. Malungkot mang isipin pero walang ni isa na nagtangkang sayawin ako. Umupo na lang ako sa pinakadulo ng hall at nagmukmok na lamang do'n.
Kinakalikot ko ang aking cellphone no'ng narinig kong naging sweet na ang melody no'ng music. Halos lahat ng mga nakikita ko sa dancefloor ay puro magkasintahan. Pero may dalawang taong nagsasayaw sa dancefloor ang talagang nakakuha ng atensiyon ko.
Si Joyce at si Joshua. Masayang sumasayaw kasabay ng musika. Halata naman sa mga mukha nila na masaya sila kasi halos mapunit na ang pisngi ni Joyce sa sobrang lapad ng kanyang ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/28218512-288-k892483.jpg)
BINABASA MO ANG
I've Fallin' For You
Short StoryJencen came from the lower section of LustReid Academy and when she entered the Special A section, dito niya nakilala si Joshua- ang taong hindi niya inakalang mamahalin pala niya.