Chapter Three

26 9 0
                                    

MINULAT ko ang aking mga mata nang makarinig ako ng tili mula sa 'di ko kilalang boses. Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga.

"Oh! Gising ka na agad?" sabi ng magandang babae na may magagandang pilikmata.

"Pa'no hindi magigising 'yan. Kung makatili ka wagas." singhal ng kasama niyang bakla na in fairness naman sa kanya, may itsura.

"Eto talagang baklang 'to, o. Ikaw ba ang kinakausap ko?" sabi ng magandang babae sabay irap do'n sa gwapong bakla.

"Ummm... Excuse me? Ano ba 'ng nangyari? Ba't nandito ako sa clinic? May mass formation kami." naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Okay lang. 'Wag kang mag-alala. Si Corp. mismo ang nagsabi na huwag ka munang um-attend sa mass formation dahil baka kailangan mo daw ng pahinga." paliwanang nang babae sa 'kin.

"Ikaw girl ha. Ang wais mo! Nagpanggap ka pa talagang nawalan ka ng malay para ma-excuse ka sa mass formation at hindi lang 'yon. Para na rin buhatin ka ni Josh. Wais mo talaga Day!" sabi ng bakla.

Naguluhan ako sa sinabi nang bakla. Buhat? Wais? Ano daw?

"A-ano? Can you please explain further? I'm seriously lost." naguguluhang sabi ko.

"Ako na bakla. D'yan ka lang at 'wag na 'wag kang magsasalita." sabi nang bakla habang ang pansin niya ay nasa babaeng kasama niys. Huminga muna ng malalim ang bakla bago ulit magsalita at nilipat ang kanyang pansin sa 'kin. "Ganito kasi 'yan girl. Na-sleeping beauty ka kanina at sa kauna-unahang pagkakataon ay sight namin si Josh na nataranta. As in yung hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin niya. Kahit nga ang pag-calling sa 'ming mga medics kanina ay na-forgetsung na niya, e. Sa sobrang taranta niya ay binuhat ka niya papuntang clinic na ilang kilometers ang layo mula sa field at kami nama'y gorabels lang sa pagsunod sa kanya. Hindi na kami nag-commentus pa kasi parang beastmode na parang nag-aalala siya, e. Alam namin na natural na talaga sa fes niya ang pagiging seryoso na minsa'y akala natin, beastmode siya. Pero kanina, different 'yon. Parang different talaga, e. Lucky mo talaga! Halatang-halata talaga sa kanyang fes at actions ang sobrang pag-aalala niya sa 'yo. No'ng una nga hindi niya gustong umalis sa tabi mo, e, pero kailangan. Kasi may mass formation pang nagaganap sa field kaya ayon! Waley na siyang nagawa pa at gora na nga. Pero ang sabi niya babalik daw siya at siya na raw ang maghahatid sa 'yo pauwi. O, 'di ba?! Ang haba ng hairlalu mo girl!" mahabang paliwanag ng bakla.

"Kaya kanina hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig at napatili na talaga ako. Sorry ha. Super kilig kasi, e. As in first time in the history 'to, e. Kasi kahit na kay Joyce noon ay hindi niya nagawang kumilos na katulad no'ng kanina. He was always calm and he had his piece of mind. Kaya sobrang gulat talaga ng lahat kanina sa pagkakataranta niya." sabat naman no'ng babae.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang bulalas ko.

Tumango lang sila ng sabay para sabihin sa 'kin na hindi talaga sila nagbibiro.

Tsk! Nakaramdam agad ako ng abnormal na pintig sa puso ko. Heto na naman ako! Umaasa na naman sa wala. Hay, nako!

"Ummm... Tama ba ang pagkakarinig ko kanina? Ihahatid ako ni Josh pauwi?" namamag-asang tanong ko.

"'Yon ang sinabi niya. Para daw masigurado niya na safe kang makauwi." sagot nang babae.

Nag-usap lang kami do'n sa mga nangyari kanina at kinuwento nila sa 'kin ang mga naganap pagkatapos kong mahimatay kasi hindi talaga ako makapaniwala sa mga naririnig at nalalaman ko mula sa kanila.

"Anong oras na ba mare?" biglang tanong nang bakla sa 'kin.

Tiningnan ko ang Baby-G kong orasan na nakakabit sa 'king pulsohan.

"Six o'clock na." sabi ko.

"Ay! Gano'n ba? Dapat na pala nating isara 'tong clinic. Sa labas na lang tayo maghintay kay Josh."

Pagkasabi niya no'n ay agad kaming nagligpit ng aming mga gamit at lumabas na kami do'n sa clinic. Umupo ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko. Yung dalawa naman ay medyo abala sa pagsara nang clinic.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang iPhone 6s kong cellphone. Kinuha ko 'yon mula sa 'king jansport na backpack at nakitang nakarehistro ang pangalan ng aking tatay. Akin namang sinagot agad ang tawag niya.

"Yes, 'Tay?" panimulang bati ko sa kanya.

"JENCENILLA! NASA'N KA?!" sigaw ni tatay mula sa kabilang linya.

"Ito talagang si Tatay, o. Kung makasigaw parang nasa trabaho pa rin siya. Tsk!" reklamo ko sa 'king isip.

"'Tay! Huwag kang sumigaw!" sabi ko sa kanya.

"SINISIGAWAN MO NA 'KO NGAYON JENCENILLA?! NAGREREBELDE KA NA?! GANO'N?!" aniya.

"'Tay! Jencen lang po ang pangalan ko. Hindi Jencenilla! Gumagawa na naman kayo ng panget na pangalan ko, e." reklamo ko sa kanya.

"UMUWI KA NA! NGAYON DIN!" nakasigaw pa ring sabi ni tatay. "Akin na nga 'yang phone. Tsk! Just calm down, okay? Masyado kang nagsisisigaw, e." narinig kong may babaeng nagsabi sa kabilang linya. Sigurado ako na si nanay 'yon.

Napangiti ako nang marinig kong huminga ng malalim si tatay mula sa kabilang linya at sumagot ng isang okay.

Kahit na maton 'yang si tatay ay tiklop pa rin iyan kay nanay. Iba talaga ang nagagawa ang pag-ibig 'no? Ang taong mabagsik sa harap ng lahat ng tao ay parang maamong aso harap ng kanyang asawa.

"Good. Hello? Anak?" narinig kong panimula ni nanay.

"'Nay."

"Nasaan ka na? Maggagabi na pero hindi ka pa rin umuuwi."

"Nasa school pa 'Nay. Medyo ginabi kami sa mass formation namin, e."

"Papupuntahin ko d'yan ang driver mo para sunduin ka. Alam mo namang delikado na kapag umuwi kang mag-isa na magdidilim na 'di ba?"

"But---"

"No buts, young lady. It's either your driver will fetch you or your tatay. Choose."

Marahas akong napabuga ng hangin.

Alam na alam kasi ni nanay na ayaw kong si tatay ang sumusundo sa 'kin at ayoko ding sinusundo ako ng kotse. Mas gusto ko kasing mag-commute. Tutal hindi naman ako kilala ng mga tao bilang anak ng isang sikat na Celine Jimenez-Barcelona.

"Okay. Wala naman akong magagawa pa, e. Ayoko namang si tatay ang susundo sa 'kin. OA 'yan, e."

"Good. See you later. Mag-iingat ka anak. Bye!"

Pagkarinig ko ng mga beeps-tanda na natapos na ang tawag.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench at nagpaalam na sa dalawa kong kasama na pupunta ako sa main gate ng school dahil may susundo sa 'kin. Pero bago ako umalis ay nagpakilala muna sila. Lawrence at Shiela pala ang pangalan nila. Nagbigayan na lamang kami ng aming mga cellphone numbers. Sinabihan ko na din silang i-text na lang nila ako kapag makasalubong nila si Josh at ipag-paalam na lamang dito na may susundo sa 'kin.

Pagkalipas ng labinlimang minuto ay namataan ko na din sa wakas ang sundo ko at kasabay no'n ay mayro'n akong nakuhang mensahe sa aking cellphone. Pagkasakay ko sa kotse ay binuksan ko ang mensahe na nanggaling mula kay Shiela.

"Hi, Jen! Pumunta kami ni Lawrence sa field para sana sabihan si Josh na sinundo ka na ng parents mo pero pagkarating namin do'n ay wala na palang tao. Siguro, umuwi na siya. Nakalimutan niya yata ang sinabi niya kaninang ihahatid ka niya pauwi." basa ko do'n sa mensahe ni Shiela.

Huminga ako ng malalim at tinago na ang aking cellphone sa 'king bag.

"Bakit ba 'ko nasasaktan? Crush ko lang naman siya, a. Siguro na-disappoint lang ako kasi umasa akong ihahatid niya nga ako pauwi." nasabi ko sa 'king isip.

Iniwaksi ko na lamang sa aking isipan na nasasaktan ako sa pamamagitan ng pagkibit ng aking balikat at paghinga ng malalim.

I've Fallin' For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon