NALUKOT ang mukha ko nang makita ko na wala pang ni isang tao sa loob ng magiging bagong classroom ko. Napasuklay ako ng aking buhok gamit ang aking kanang kamay dahil sa matinding inis at umupo ako sa pinakamalapit na upuan mula sa 'king kinatatayuan.
Tiningnan ko ang Baby-G na orasan na nakakabit sa aking pulsohan. At mas lalo akong nainis nang makita ko na alas sais singkwenta pa lamang ng umaga.
"Masyado ka yatang na-excite sa unang araw ng pasukan mo kaya ka napa-aga. Akalain mo 'yon Jencen. Mamayang alas siete trenta pa naman ang unang klase mo. Hay, nako! Problema ng mga transferee." parang baliw na kausap ko sa 'king sarili.
Dahil wala akong magawa ay nagkabit na lang ako ng earphones sa 'king magkabilang tainga at nagpatugtog ng kanta.
NANGUNOT ang noo ko at napamulat ako ng mga mata nang makarinig ako ng bulungan na parang hindi bulong dahil sa lakas ng boses ng mga nag-uusap.
"Gosh! Talaga bang nasa section na natin siya? Hindi na talaga ako mag-a-absent kapag totoo ang tsismis na 'yon." hindi ko nakikita ang nagsalita pero medyo maarte ang boses niya sa pagsasalita.
"Oo, friend. Talagang totoo ang tsismis. Hintayin na lang natin s'yang makapasok diyan sa pintong 'yan." isang boses naman na hindi ko alam kung boses ba ng lalaki o babae.
"Oh, gosh! Friend! Nandiyan na siya!" tili naman ng isang babae na batid kong kasama din nila.
Nakangiwi ako habang inaangat ko ang aking ulo mula sa pagkakayuko.
"Tsk! Kailangan ba talagang tumili? Nakita naman siguro nila na may natutulog dito 'di ba? Tsk! Mga walang respeto." reklamo ko sa aking isip.
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng classroom. Ang kaninang walang katao-tao at walang kabuhay-buhay na classroom, ngayon ay nagkaroon na ng nakabibinging ingay dahil sa kanya-kanyang bulungan at usapan ng hindi masyadong karamihang mga tao na narito ngayon.
Halos lahat ng mga taong narito ay bago sa aking paningin. Mayro'n naman akong nakitang mga pamilyar ang mga hitsura dahil nakasama ko na din siguro ang iba sa kanila sa mga dinaluhan kong mga pagtitipon noon.
Biglang tumili ang mga babae na malapit sa 'kin kung kaya't ako'y napatingin sa kanila. Nang makita kong may tinatanaw sila sa may bandang pintuan ng classroom ay napatingin rin ako do'n dulot ng matinding kuryusidad.
Hindi man kapani-paniwala pero napatulala ako no'ng parang nag-slow motion ang lahat nang dumako ang tingin ko sa lalaking nasa may pintuan. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at parang may mga paru-parong nasa tiyan ko na gustong kumawala sa 'kin anumang oras.
"It's good to be here! Hi, classmates!" nakangiting bati ng gwapong estranghero sa 'min na nagpatahimik sa buong classroom at umagaw sa atensiyon ng lahat.
Napabalik ako sa aking diwa no'ng marinig ko ang pinipigilang tili ng mga babaeng tili nang tili kanina. Ngiwi na lamang ang nagawa ko para pigilan ang inis ko sa mga babaeng 'yon.
Hindi nagtagal ay may naramdaman akong kumukulbit sa aking balikat. Nilingon ko kung sino man 'yon at may nakita akong dalawang babae na may mga ngiti sa kanilang mga labi.
"Hi!" puno ng enerhiyang sabi ng isang babae na may maikling buhok.
"Hi." ganting bati ko.
"Napansin lang namin na parang hindi ka pa namin nakikita ever. Are you from other section?" tanong nang isang babae.
"I'm from another school. I'm a transferee." nakangiting saad ko.
"Aaah~ kaya pala parang hindi ka masyadong pamilyar sa 'min. Ako nga pala si Rhea. Siya naman si Rhea Mae. Ikaw? Ano'ng pangalan mo?" pakilala ng babaeng maikli ang buhok.
BINABASA MO ANG
I've Fallin' For You
Short StoryJencen came from the lower section of LustReid Academy and when she entered the Special A section, dito niya nakilala si Joshua- ang taong hindi niya inakalang mamahalin pala niya.