Tatak ng Iyong Ala-Ala Oh, Aking Sinta

7 0 0
                                    

Nung una kitang nakilala

Labis-labis aking saya

Sa ngiti mong abot langit,

Mata moy sumisingkit na wari’y umaawit.

Ika’y aking nilapitan

Kamay ko’y  aking nilaan

Pero ako’y iyong inirapan

Lumayo ka sa aking pinaruruonan.

Hinabol kita

Gusto ko lang sayo’y magpakilala

Ako’y iyong maiging tinitigan

Bigla lang kitang nginitian.

Tayo’y naging malapit na kaibigan

Naging magaan sayo aking kaluoban

Puro tayo mga biruan,

Sayo’y marami akong nalaman.

Pagdating sa kainan,

Ika’y  mahilig sa sisig

Yan ang iyong paborito

Akin naman ay abodo.

Ngunit mga araw ay nag-iba

Napansin kung ikaw ay di na tumatawa

Ako’y biglang nag-alala

Napano ka kaya oh, aking sinta?

Bigla kang di na nagpakita

Namiss kita ng sobra

Ako’y nalungkot

Puso ko’y nababagot.

Di ko akalain

Ganito ang mangyayari sa akin,

Buhat ng iyong biglang pagkawala

Ako’y tuluyang nangungulila.

Di ako makakain

Ika’y iniisip at palaging mithiin

Paano ang pusong nanlalamig?

Ganito pala kung ang tao ay umiibig?

Hindi kayang maisambit ng bibig

Ang iyong pangalan, oh aking iniibig.

Napakasakit ng iyong ginawa

Nang ako’y iniwan at ika’y biglang nawala.

Ikaw ay naging malaki kung problema

Ako parin kasi ay uma-asa

Mukhang pasan ko ang daigdig

Dahil di ko kapiling ang aking iniibig.

Pinilit kong maging masigla

Ako’y nagpakasaya

Kasama ng aking mga barkada

Kami ay pumunta sa Luneta.

Meron sana akong bagong pag-asa

Kasi meron akong bagong nakilala

Ngunit kaya ko pa bang umibig

Kung siya rin ay mahilig sa sisig?

Siya lamang ay nagpapaalala sa akin

Nang  mga ginawa mo sa akin

Oh, kailan kita malilimutan?

Sana’y hindi umabot sa aking kamatayan.

Tatak ng Iyong Ala-Ala Oh, Aking SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon