~Chapter 2~

33 2 0
                                    

The Meet Up

Nag start ang sekretong ito nong nakilala ko si Keneth. Araw yon nong hinabol ako nong gang na na sampak ko nong isang araw at first day of school ko rin yon sa Santo Tomas. Dahil dapat pumasok ako sa eskwelahan namin, doon nalang ako nagpahabol. Napagod ako sa pagtakbo kaya't napatago ako sa likod ng tatlong lalaki. Hawak-hawak ko pa yung uniporme ng isang lalaki.

"Wala na ba sila?" Tanong ko sa tatlong lalaki. Sagot ng lalaking nahawakan ko ng uniporme, "Sino?" Sagot niya. Sabi ko "yung mga lalaking tumatakbo." Sabi niya, "Oo wala na sila." Napalabas ako at tiningnan ko kung wala na sila. Nagpasalamat ako sa tatlong lalaki sa pagpatago sakin sa likod nila.

Sinabihan ko din sila na elilibre ko sila ng pagkain sa canteen. Sagot ng isang lalaki "sige." Pumunta kami sa canteen at binilhan ko sila ng pagkain. Nagpakilala ako " Hello, ako pala si Alayah Salvante Trinidad, first day ko ngayon."

Sabi nong isang lalaki, "Hello Alayah, ako si Marco Diaz Quenca." Sabi din nong isang lalaki, "Hello, ako naman si Lucas Salvador Alcantara." Nag-hello ako sa kanila. Nagpakilala din yung lalaking katabi ko, "Ako si Keneth Alcantara, pinsan ni Lucas."

Nong narinig ko yung boses niya, parang may naramdaman ako, hindi ko mapaliwanag kung ano ang naramdaman ko, pero parang tumibok yung puso ko.

Binilhan ko sila ng siomai at habang kumakain kami, may babaeng dumating sabay sabing "Hi," nagulat ako at napatingin. Nakita ko ang isang babaeng maganda na ngumingiti. Sabi ng tatlong lalaki "Hi Belle," nagulat ako, "BELLE?! Belle padilla?!"

Siya si Belle Padilla, isa sa mga sikat na estudyante sa Santo Tomas. Sabi niya "Oo, hahaha hi, ikaw si?" Ang ganda niya, sobrang lambot din magsalita. Sagot ko "Hi ako Alayah Salvante Trinidad," . Sabi ni Belle "Parang bago lang kita nakita, wala ka ba dito last school year?" Sagot ko"wala first day ko ngayon."

Nagkatinginan nalang kaming lima. Sabi ni Keneth, "tara eh pasyal kita sa school." Hindi sumang-ayon si Belle at sinabing "Wag! Ako nalang para maging close din tayo." Sumagot naman ako ng Oo at umalis nakami.

~TO BE CONTINUED~

My little secret (S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon