~Chapter 3~

17 2 0
                                    

My Embarassing moments

Natapos na ni Belle ang pag-tour sakin sa school kaya't napagisipan ko na pumunta na din sa classroom ko. Pag pasok ko nakatingin silang lahat sakin, "Ako lang ba ang bagong estudyante ngayong school year?" Binulong ko. Umupo nalang ako sa tapat nang pisara.

Pagkatapos ng ilang minuto nag-bell na at pumasok na din yung guro. "Good morning class, Welcome to school year 2019-2020." Sabi ng guro. "Ngayong school year meron tayong bagong estudyante." Tumingin siya sakin sabay sabing, "Miss please introduce your self." Tumayo ako at nag pakilala, "Hi ako si Alayah Salvante Trinidad, Lay nalang tawag sakin. Sana maging magkaibigan tayong lahat."

Umupo na ako at nagulat ako na pumasok sila ni Keneth at ang mga kaibigan niya. "Maam sorry po maling classroom napuntahan namin kanina, sorry po na late kami." sabi niya.

"Kaklase ko pala siya?" binulong ko. Pinapasok sila ng guro at umupo na sila. Natapos na ang klase kaya't lumabas na kaming lahat. Nakita ko sila Keneth pero dahil na hiya ako hindi ko sila pinuntahan.

Nakita ako ni Belle, "Alayah!" sabi ni Belle. "Oh Belle, ang haba ng Alayah, Lay nalang for short." Nag-usap kami ni Belle at sinabihan niya ako na sumama sa kanya pauwi. Nahiya ako pero hindi ko din gustong tanggihan. Pinilit niya ako kaya't sumabay nalang ako sa kanila pauwi.

Nakita ni mama at papa na nakasasakyan ako pauwi kaya't sinabihan nila ako," Aba! pagpasok mo sa school nakalakad kalang pag-uwi mo naka sasakyan kana hah." Sabi ko, "Ma, friend ko yon noh." Pagkatapos namin mag-usap nila mama at papa, umakyat naako sa kwarto ko.

Kaumagahan na gising ako sa sigaw ni mama, "LAYYY!! gising na malalate kana. Bakit mo ba linalock yung pinto mo hah? Bangon na!!!"

Gumising ako at sinuri ko yung oras, "7:00 na?! 7:30 yung pasok ko. Ano ba Lay second day mo tapos late ka?" sabi ko sa sarili ko. Naligo naako at nagbihis, hindi na ako nag-almusal dahil late na ako.

Pagdating ko sa school nakasira na yung gate, wala naring mga estudyanteng namamasyal kaya't natakot ako baka pagalitan ako dahil late ako. Pumunta ako sa guard house at nagtanong ako, "Hello po good morning... Uhm pwede pa bang pumasok?" sabi nung isang guard, "Magandang umaga iha, oo pwede kang pumasok pero dapat pumunta ka sa disciplinary office." Dahil wala akong magagawa dahil late na din ako, pumayag nalang ako na pumasok at pumunta sa disciplinary office.

Pag dating ko sa disciplinary office, tinanong ako bakit ako late. Hindi ko naman gustong mag-sinungaling kaya sinabi ko na hindi ako nakagising ng maaga. Nagsorry ako sa dean, bilang parusa hindi daw ako papasok sa first period ko.

Habang palabas na ako nakita ako ni Keneth at tinawag niya ako, "Alayah!" sinagot ko naman, "Oh Keneth bakit ka nandito?"

"Hinahanap kita, may assignment daw tayo, ikaw yung leader. Kami ni Marco at Lucas ang members. Nakita ng guro ang high grades mo kaya't naisipan niya na gawin kang leader sa isang group."

"Ano yung assignment?" tanong ko. "Dahil daw na second day palang ng school, hindi ganon ka hirap ang assignment. Ang gagawin lang ay mag gather ng mga information sa ibang grade student kung mahirap ba ang mga aralin sa grade 9."

Habang nagsasalita si Keneth tumunog yung tiyan ko. Nagulat kami ni Keneth. "Hala sorry nagutom na ako siguro." Tumawa ako habang nahihiya. Nagpaalam ako at umalis nalang dahil sa kahihiyan.

~TO BE CONTINUED~

My little secret (S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon