6 years old. Nakita mong gumawa ng eksena ang mga magulang mo sa harap ng maraming tao. Nag-aaway sila. Nag-aagawan sayo. Hindi mo alam kung bakit pero alam mong malaki ang galit ng dad mo sa mom mo.
9 years old. Nagising ka in the middle of the night, may naririnig kang ingay na nanggagaling pala mismo sa kama'ng hinihigaan mo. Ng mama mo.
10 years old. Nagawa mong magkibit balikat sa bawat maling nakikita mo at pagtakpan ang mga ito mula sa dad mo dahil alam mong kapag nalaman niya, ay pwedeng bukas makalawa ay mawala ang pamilyang iningatan mong hindi masira buong buhay mo.
15 years old. 3 weeks kang nakatanga lang sa ceiling at walang ibang makausap o matanong kung bakit iyon nangyare.
Dec. 24, 2011. Itinakwil ka ng sarili mong ama sa isang dahilan na hindi mo naman ginawa.
Oct. 23, 2012. Namatay ang kaisa isang taong nakakaintindi sayo dahil sayo.
17 years old. You've been hospitalized for a week because of ulcer and liver failure pero walang nakakaalam kasi alam mong wala naman silang pakeelam.
18 years old. Iniwan ka ng nag iisang taong minahal mo sa panahong mas kailangan mo siya.
19 years old..
Ano naman kaya pwedeng mangyare? It's funny because I am actually excited to the fact na pwedeng may magyare na namang susubok sa kung gaano ka katiisin at katatag sa lahat ng pagsubok ng buhay.
I am just glad na kahit hindi naman ako ganoon kalapit sa Kanya ay hindi parin niya ako pinabayaan. Hanggang ngayon nakakalaban ako.
Maraming magsasabi na napakaselfish ko kasi puro mga masasamang bagay nalang ang nailagay ko. I know I am. Oo nakakangiti ako, pero hindi ko matandaan kung kailan at saan ako huling ngumiti at tumawa ng totoo. Well atleast Im alive..
-Anonymous
"Grabe naman! Ang bigat sa dibdib! Di ko alam kung malulungkot ako o maiinis sa sumulat nito." Yamot na reaksyon ni Gelly pagkatapos niyang basahin ng malakas ang trending featured article ng shool news paper.
"Kaloka naman yan! Ipasa kaya natin to sa MMK?" Sabi naman ni China na parang apektadong apektado siya sa nakasulat doon.
"Pero teka nga, hindi ba kayo interesado na malaman kung sino nagsulat don?" tanong bigla ni Jericho.
"Rik, ano ka ba ang obvious ng sagot diyan no. Malamang lahat naman ng nakabasa don interesadong makilala kung sino yun. Lalo na hindi natin alam kung babae o lalake siya." sagot ni China na parang nabubwisit sa tanong ni Jericho.
"Babae lang naman pwedeng magsulat magsulat ng ganun no. Hindi magdadrama ng ganun ang lalake. Mapride kaya sila. Gusto nila laging manly ang impression ng mga tao sa kanila." paliwanag naman ni Gelly.
"Hoy, Gel hindi naman lahat no. May mga lalake naman na open din naman sa nararamdaman nila." depensa ni Jericho.
"Hindi din! Kayo gusto niyo palaging macho ang dating! Tapos magpapakarame pa ng chix masabihan lang na gwapo. Pwe!" protesta pa ni Gelly.
"Ay ang bitter! Wag mo nga idamay ang mundo sa galit mo sa ex mo! Tanga ka lang kasi pumili. Sinabi ko naman kasi sayo si Albert nalang sagutin mo. Eh, mas gusto mo yung tinitilian eh. Yan, itili mo inis mo sa pangloloko niya sayo." pang aasar naman ni Jericho.
"Kadiri naman no! Nakita mo ba kung gaano ka geek yon?" reklamo ni Gelly.
"May problema ka ba sa mga geek, Gel?" tanong ko naman.
"Eh hindi, baby. Kasi naman yung hitsura niya parang anytime mabubuhol buhok ko sa malalaking braces niya. Tapos parang naglalakad siya na may hunger sa balikat. Kakaloka." paliwanang niya.
"Mas ok na ganon. Kesa naman tulad ng ex mong manloloko. Langya, hindi ka lang tinwo time. Na-five time ka day!" gatong ni China. "Pero ikaw beh, ano tingin mo dun sa nagsulat non? Babae kaya o lalake?" tanong bigla sa akin ni China.
"Oo nga, malakas kutob mo sa ganyan eh." dagdag naman ni Jec.
"Ano tingin niyo sakin? Kamag anak ni Madam Auring? Anong malay ko dun? Wala akong pake. Mas inaalala ko yung inc na subject ko. Letse kasing matandang to, favoritism talaga. Ang labo naman na hindi niya nakita yung sinubmit kong paper work no!" Naiinis na kwento ko at mukhang nayamot sila.
"Geek attack." Sabi ni Jec.
"Nagugutom ako, kain tayo." sabay sabi ni Gelly.
"Alam niyo ang babait niyong mga kaibigan. Kita niyo ngang inc ako eh!" reklamo ko.
"Ang hirap sayo beh, minsan kana nga lang magsalita sa mga kwentuhan natin sinisingit mo parin yung grade issues mo. Saka hello? Hindi ka inc ano, sa taas ng grade mo dun kahit hindi ka mag midterms mahihila pa grades mo ranking kapa. Kaloka ka." Paliwanag ni China sabay baba sa mesa'ng inuupuan niya at sumunod naman yung dalawa.
Eh sa naiinis talaga ako eh! Saka ang OA ha. Kahit di mag midterms? Teka, ano nga ba grade ko dun kay tanda? Ah basta! Magrarally talaga ako kapag hindi niya ako binigyan ng grade dun!
Kumakain na kami ng biglang may inannounce ang editor in chief ng shool news paper, si Catherine. Ate ni Jec.
"Hello St. Luis South Eastern University Students! Hope you are having a good lunch. I just want to announce something about our up coming news paper festival!.."
News paper festival? Meron bang ganon? Kung ano ano nalang pakulo naiisip netong ate ni Jec eh.
"Malamang karamihan sa atin ay nabasa na ang aming featured article, at ang balita ko nga ay trending na ito sa buong campus. Malamang din na lahat tayo ay nagtataka at nagtatanong kung sino ba ang mysterious writer ng article na yon, hindi ba? So! As our first activity for the upcoming news paper festival, I want you guys to find out who that mysterious writer is. Mahirap? NO. Because every end of the week nagbibigay ng clue ang inyong handong tungkol sa ating mysterious writer. Kailangan niyo lang po kaming abangan every 12 noon at iaannounce namin ang mga clues. Kahit sino ay pwedeng sumali. Bilang premyo ay magiging excempted sa midterms exam ang kung sino man ang unang makapag sabi sa amin kung sino ang ating mysterious writer. So thank you, have a great lunch and we are expecting everyone to participate! Good day!"
Ano ba yan. Sasayangin mo oras mo para lang maging excempted sa midterms? Ano yun? Nag aral ka pa kung hindi mo din malalaman ang resulta kung natuto ka nga talaga. Magtetake nalang ako ng exam. Wala akong panahon na panghimasukan ang drama ng ibang tao. Eh kung gusto lang noon magpakilala edi sana naglagay na ng signature dun sa sinulat nya?
Nagtambay muna akong music room bago umuwi. Narerelax kasi ako kapag nakakatugtog ako. Pagdating ko dun biglang sumakit ang pakiramdam ko kaya pagkatapos ng ilang kanta ay pumwesto muna ako sa may mga benches sa likod saka nahiga. Ramdam ko ng bumibigat ang talukap ng mata ko nung bigla kong marinig ang pintuan na bumukas. Hindi ko na tinignan kung sino yun dahil gusto ko talaga matulog. Hindi naman siguro nya ako makikita dahil natatakpan ako ng mga upuan. Tapos narinig ko siya bigla tumugtog. Hindi familiar ang kanta sakin pero maganda yun. Sobrang nakakasenti ang tono.
Patapos na sana ang kanta ng biglang mag announce na naman si Ate Cath. Nagpapaalala tungkol sa News Paper Festival.
"Nakakainis! Bakit ko ba kasi naisipang ipasa yun kay chief?! Okaya dapat hindi na handwritten pinasa ko sa kanya eh. Dapat soft copy nalang!" Naiinis na sabi nung boses sa loob ng room.
Kausap nya sarili nya? Isip isip ko. So lalake pala nagsulat non? Ang drama nya ha. Totoo naman kaya lahat ng yun?
Naihulog ko ang bag ko nung mag aayos na ako ng higa at gumawa yun ng ingay na pumukaw ng atensyon don sa lalake.
"Sino yan? Sinong nandyan?" Mukhang kinakabahan na tanong nya saka na ako dahan dahang tumayo.
Psychh
BINABASA MO ANG
Traveled for Love: ON HOLD
Teen FictionAUTHORS NOTE: Bakit on hold? Wala po akong inspirasyon.. Pasensya na.. :( walang nagaganap na kai-inspirado sa buhay ko ngayon. Tapos na ang semester, and I have all the time in the world now pero wala talaga e. Focus muna po ako isang story kasi it...