Chapter 2

34 1 1
                                    


"Just me." I said soon as I got up.

"Kailan ka pa nandyan?" Nagtatakang tanong nya.

"Simula ng dumating ka." Bagot na sagot ko.

"So, narinig mo?" Yung tungkol kaya sa article nya oh yung tinugtog nya?

"Kinda." Matipid na sagot ko.

"Ano ba naman yan. Lahat ba ng estudyante interesado dun sa pakulo nila?" Bulongbulong nya sa sarili nya. Saka ako bumalik sa pagkakahiga ko. "Mas tinuturuan nilang maging tamad ang mga estudyante nyan eh!" Dagdag pa nya. Aba anong akala netong damuhong na to interesado ako sa kalokohang yun?!

"Hoy pwede ba manahimik ka ha? Ang gusto ko lang ay matulog. Hindi ako interesado sa drama ng buhay mo at lalong hindi ako magsasayang ng panahon ko na makilala kita. Anong feeling mo? Na lahat ng tao dito fan ni Charo Santos? Saka pwede ba tigil tigilan mo pagkakausap sa sarili mo? Mukha kang tanga eh." I said not looking at him. Pero hindi na sya sumagot saka ko nalang narinig ang pinto na sumara. Kaloka. Binagsakan ako.

Pagkauwi ko halos magsisi ako bat pako umuwi. Bakit? Wala si papa. Si mama hindi napansin na gabi na ako nauwi dahil kausap na naman nya yung laptop nya. Ganoon ba talaga kapag mayaman? Kina-career ang pag-aalaga sa mga ginto nila? So ako, ano? Tanso? I don't really talk to them, kaya minsan lang din ang mga eksenang nagdadrama ako dahil kulang ako sa pansin. Sanay na kasi ako. Pero minsan kapag naririnig ko mga kaibigan mo na nag-uusap tungkol sa mga kapatid nilang makukulit. Ate nilang utosera. Nanay nilang matalak at tatay nilang di ka lang mauwi ng maaga pagkakamalan ka na nagjojowa at jumijirit na kung saan.. naiinggit ako. Minsan nga naisip ko. Di kaya ampon lang ako? Daig ko pa kasi orphan eh. Buti sila may mga kumukupkop at nag-aalaga. Eh ako? May kumupkop nga wala namang nag-aalaga.

"Naku bata ka. Saan ka nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo. Kumain kana ba?" Sabi ni manang rosi pagsalubong sakin.

"Aba himala? Bakit daw? Ayoko kumain manang. Busog pako." Sagot ko sa matanda at tinignan lang nya ako ng wirdong tingin. Ano ginawa ko?

"Seredeth. Where have you been?" Biglang sabi ni mama na nasa hagdan pala.

"Wala naman akong natatandaang ginawa ko. Bakit?" Tanong ko.

"Why do you always have to be like that? Its like you are just talking to a stranger." Reklamo nya at natawa ako sa utak ko. Stranger? Hah! Hindi ba?

"You know why. Just tell me what you need." I said.

"We are moving to canada." I know what she meant pero hindi ko nalang pinansin.

"Sige ingat." Sagot ko saka nagsimulang umakyat ng hagdanan papuntang kwarto.

"WE are moving to canada." She repeated and I stopped.

"Ok ako dito. Ayoko pumunta kahit saan."

"Pero mag iisa ka lang dito. Aalis tayo pagkatapos ng sem na to. Malinaw?" Mariing sabi nya.

"Kailan ba ako hindi nag isa? You already stopped being parents to me. So please do not act like you care If Im alone or not. Aalis kayo. Maiiwan ako. TULAD NG NAKASANAYAN. Tapos ang usapan."

Rude ba? Oo. Rude. Wala akong modo. Walang utang na loob. Pero hindi ko na kayang paasahin ang sarili ko ulit sa isang bagay na alam kong kahit kailan hindi na mangyayare. Its my fault. Pwede naman sila magalit sa akin habambubay. Sanay na naman ako don.

Itong mga araw na ganito ako napapaisip na sana ako nalang. Hindi sana ako nakakaramdam ng ganito. Mas ok na mawala ka nalang kesa maramdaman mo araw araw na para kang tinataga sa dibdib kasi ikaw ang sinisisi ng lahat sa pagkawala ng kapatid mo. Kahit ng mga magulang mo na dapat nagtatanggol sayo. Sila pa yung pinaka nagpaparamdam sayo na dapat nawala ka nalang din.

Traveled for Love: ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon