"Sino sinisilip nyo dyan?" Tanong ko kay Gelly at China na nakadungaw sa bintana kasama ibang mga kaklase naming babae, bakla at iilang lalake. Lalake to malamang."OMG, beybe! Nakita mo na ba tong napakagandang nilalang na to? Halika dito!" Kinikilig na sabi ni China saka ako hinila at pinadungaw din sa bintana. Anakng Fernandez. Gandang lalake mo, akalain mo ang dami mo ng fans. Dapat ba akong mabahala?
"Lagi namang nakatambay dyan yan, ngayon nyo lang nakita?" sabi ko saka napatingin ang dalawa sakin.
"Totoo?! Kailan pa? Sa gwapo nyan bakit hindi ko napansin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gelly.
"Oh, akala ko ba walang forever?" Yamot na tanong ko at nagsitilian sila noong tumingin sa direksyon namin si Tep. Opo, si Teptep po yung tinitilian nila. Ganun sya kagwapo. Kaya nga ang lakas ng loob magyabang ng kagandahang lalake e. Nasanay na lang siguro ako sa pagmumukha nya kaya hindi ako tulad ng mga to makareact. O talagang hindi lang ako tulad nilang mapaglaway sa mga gwapo.
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!" Halos mapatid ang mga litid nila kakasigaw nung kumaway si Tep sakin. Tapos kung makayugyog pa sila wagas.
"OMG! Kinawayan nya ako! Ang ganda ganda ko!!" Kilig na kilig na sigaw ni China tapos hinampas sya ni Gelly.
"AMBISYOSA! Ako kaya kinawayan nya!" kontra naman ni Gel. Mga ilusyonada talaga mga kaibigan ko.
Umupo na ako at mas lalo namang lumakas ang mga sigaw ng mga kaklase ko nung nakita nilang papasok sa room namin si Tep.
"Hi, miss." Bati nya nung nasa harap ko na sya. "Kanina pa kita hinihintay." Dagdag pa nya saka na natodo lalo ang tilian sa loob ng room. "Ang ingay nila." Pacute at nakangiting sabi niya at halos mahimatay ang mga kaklase kong babae at bakla.
"Dami mong fans ah. Kailangan ko na bang hilingin na ibalik mo yung hitsura mo dito?" Sabi ko at mas nangiti sya.
"Nagseselos ka?" Ngiting ngiting tanong nya.
"Hindi. Naiingayan ako." Walang emosyon na sabi ko saka sya mas lumapit sakin at hinalikan ako sa noo saka ko naramdaman ang init ng matatalim na tingin sa akin ng mamatay-matay sa inggit kong mga kaklase. Ano ba naman yan. Ayoko makuyog dito. Pero letse lang naman, bakit ako namumula.
"Wag kang PDA, Tep." Bulong ko sa kanya bago nya tuluyang mailayo ang mukha nya.
"Anong PDA?" painosenteng sagot nya. Anakna. Ang lakas magpacute.
"PDA yang kalandiang ginagawa mo sa harap ng maraming tao." sagot ko at parang batang kumunot ang noo nya.
"Grabe ka naman. Hindi naman landi itong tawag dito e." sabi nya saka nag umpisa ng maglakad papalabas ng room namin. "Paalam na magandang binibini! Akin ka lang ha!" pasigaw na sabi nya bago pa sya mawala sa paningin namin at muntik na akong magkapira-piraso dahil sa kakayugyog sa akin ng dalawa kong ambisyosang kaibigan.
"Huy ikaw Red, ha! Kailan pa naging kayo nung si Bae ng Taon?" pambungan na tanong ni Jec sa akin noong makaupo na kami sa pwesto namin sa canteen. Simula kaninang umaga ay si Tep nalang ang pinag-uusapan ng mga nakakakitang PINI-PDA nya ako. Parang ang sagwa naman nung pini-PDA nya ako. Pero teka anong BAE NG TAON??
Part 1 lang to.
Sorry may nag publish nito ng hindi natatapos kaya sobrang bitin. Excited daw lumitaw sa notif nya e 😤
BINABASA MO ANG
Traveled for Love: ON HOLD
TeenfikceAUTHORS NOTE: Bakit on hold? Wala po akong inspirasyon.. Pasensya na.. :( walang nagaganap na kai-inspirado sa buhay ko ngayon. Tapos na ang semester, and I have all the time in the world now pero wala talaga e. Focus muna po ako isang story kasi it...