"Uy, Red." Dinig ko sa kanya pagtapos ko matulala ng ilang segundo. Muntanga ako. Hindi naman halatang first time ko no?"Teka. Hindi mo naman first kiss yun no?" Tanong niya pa at napangiti sya nung tignan ko sya ng masama.
"Wag ka mag alala, ako na din naman ang last." Ngiting ngiting sabi nya sakin.
"Walangyaka, so may balak ka pa ulitin?!" Sigaw ko sabay tulak sa kanya.
"Bawal ko na ba ulitin? Hindi ba masarap?" Tanong nya saka inilebel ang mukha nya sa akin. Grabe ang taas naman netong damuhong na'to.
"Nako Tep, tigilan mo nga ako!" Sabi mo saka umiwas sa tingin nya. "Tara na. Akala ko ba may ride kang gusto sakyan?"
We spent the whole night talking. Sumakay kami ng ilang rides at natawa ko nung halos magmakaawa sya na wag sumakay doon sa octupus kasi pakiramdam daw nya nakakalas mga buto nya don. Sumakay ako at hinayaan ko syang maghintay lang don sa baba. Bahala nga sya. Ang laking tao eh, duwag. Pagkatapos nung ride nakita ko siyang may kausap na babae at bumigat kagad ang pakiramdam ko. Para bang nalalagutan ako ng hininga at naiinis ako Sa pakiramdam na ganito. Nagpapaalam na yung babae ng makita ko sila kaya nung makalapit ako wala na yung babae. Dapat lang naku kung hindi!! Kainis, ano ba tong nararamdaman ko? Ang tanga lang. Bakit parang nagseselos ako!?
"Tara na." Aya ko kagad sa kanya nung makalapit ako saka sya mukhang nabigla.
"Tara na? Kailangan mo na umuwi?" Nagtatakang tanong nya saka nalang ako tumango.
"Ok ka lang?" Tanong pa nya at tumango lang uli ako. "Sigurado ka ha?"
"Oo nga. Ang kulit naman." Iritang sagot ko saka sumakay ng bisikleta ko.
"Hindi ka naman mukhang okay eh." Mahinang sabi nya saka ako napatingin sa kanya. Yung mukha nya mukhang nalugi tapos dapat maguilty ako na bigla nalang ako nagsusungit. Sino ba kasi babaeng yun? May pahalik halik pa sa pisngi na nalalaman eh.
"Maglakad nalang tayo pauwe." Sabi ko sabay baba sa bisikleta at mukhang medyo gumaan ang loob nya.
"Ano nga palang problema bakit mukhang hindi ka ok bago tayo magkita?" Seryosong tanong nya habang inilalakad namin pauwi ang mga bike namin.
"We're migrating." Matipid na sabi ko, at mukhang wala lang sa kanya yung sinabi ko. Grabe nan to! Hindi man lang magpakita ng lungkot kahit kaplastikan man lang!
"Bat ka namomroblema?" Tanong pa nya. Aba namn, gago to ah.
"Gusto mo?" Tanong ko nalang at baka ano pang masabi ko pagtawanan lang nya ako.
"Pinagtatakahan ko lang ay bakit ka namomroblema? Hindi ba dapat matuwa ka na this time gusto nila kasama ka?" Seryosong paliwanag nya.
"Robot ka ba?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Hindi ka naman pumayag." Sagot nya kagad.
"Ano?"
"Alam kong hindi ka pumayag kaya hindi ako nag-aalala." Nakangiti ngunit seryoso nyang sabi. Hindi ko alam kung kikiligin ako o mapapahiya sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako.
Ilang minuto din kaming naglalakad at parehong tahimik. Kahit wala naman kaming pinag-uusapan, ang bigat sa pakiramdam dahil alam kong may mali. Alangan namang ako magsorry, hindi naman ako ang may ginawa. Pero wala din naman syang ginagawa eh. Kaya.. hay ewan!
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko dahil di nako nakatiis. Sira ulo ka Red, mag iinarte ka tapos ikaw din pala itong bibigay sa drama mo.
"Tahimik ka din naman eh." Ika nya. Anong klaseng sagot yun? So pag hindi ako nagsasalita hindi din sya magsasalita? Kapag nainis ako dito, siaipain ko talaga siya!
BINABASA MO ANG
Traveled for Love: ON HOLD
Novela JuvenilAUTHORS NOTE: Bakit on hold? Wala po akong inspirasyon.. Pasensya na.. :( walang nagaganap na kai-inspirado sa buhay ko ngayon. Tapos na ang semester, and I have all the time in the world now pero wala talaga e. Focus muna po ako isang story kasi it...