Chapter 4: Part 2

8 0 0
                                    


"Miss!" sigaw nya papalapit sa table naming magkakasama at kaagad ko ding naramdaman ang masasamang tingin ng mga tao sa akin. Pati nga sina Gel at China mukhang gusto na ako kuyugin e.

"Hi. Wala ka bang ibang gagawin ngayong araw na ito kundi ipain ako sa mga halimaw na to?" medyo naiinis na sabi ko na.

"Ipain? Grabe ka naman. Ang tagal kitang hintay tapos pagtatarayan mo lang ako?" pakunwareng nalulungkot na sabi nya.

"Ehem!" Gelly suddenly clears her throat.

"Ay! Sorry.. Hi Gelly! Hi China! Hi bro!" bati nya doon sa tatlo at mukhang kinilig yung dalawa at nagtaka naman si Jec.

"Kilala nya tayo beh!" halos paghahampasin na ng bag ni China si Gelly

"Oo. Nakekwento kasi kayo lagi ni Red ko e." sabi pa nyang pacute saka umupo sa tabi ko.

Red ko? Korni neto! Pero bakit namumula ako? 😳

"Omg. May angkinan ng nagaganap! Broken na naman ako!" pabirong sabi ni Gel.

"Ano naman ang kinekwento ni baby Red, papa Tep?" pacute at maharot na tanong naman ni China at napa face palm nalang kami sa hiya ni Jec

"Baby? Bakit baby?" pagtatanong ni Tep na para bang hindi narinig yung tanong ni China.

"Ah.. Yun talaga yung tawag namin sa kanya e. Bakit? May problema ba?" pagtataka ni China na mukhang kinikilig padin.

"Ah hindi naman. Basta hindi lang si Jec." ngiting plastik ni Tep. Landi nito. Baka magmukha na akong kamatis nito e! "Kapag may tumawag na ganon na ibang lalake dito kay Red ko baka maghalo ang balat sa tinalupan." ngiting ngiti ni Teptep. Gago to. Pinagsasabi sa mga kaibigan ko.

"Tep. Wala ka bang pasok?" tanong ko at parang nalungkot sya.

"Vacant namin e. Ayaw mo ba ako makita? Sige doon nalang ako sa room namin maglalunch." pangongonsensya nyang medyo nakakainis na. Hindi naman sa hindi ako natutuwa sa ginagawa nya pero ako kasi nagmumukhang masama sa mga kaibigan ko e.

"Tumigil ka nga tep. Sisipain na talaga kita." naiinis na banta ko at tumayo sya saka ako hinila.

"Guys. Ayoko syang hiramin dahil walang gamit ang kasing halaga nya pero pwede ko muna sya isama sandali? Bibili lang kami." paalam nya sa mga kaibigan ko pero hindi man lang ako magawang tanungin kung gusto ko.

"Grabe. Makahanap ako ng ganyan magpopropose ako agad!" dinig ko kilig na kilig na sabi ni Gelly.

"Sus. Sa una lang yan. Pagtagal ordinary couple nalang sila tulad ng iba. Ni hindi pa nga sila e." ika ni Jec na alam kong narinig din ni Tep pero hindi ko nalang pinansin hanggang sa makadating na kami ng canteen.

Lumapit sya sa unang stall at nabigla ako sa ginawa nya.

May isinaksak syang microphone at pinagitnaan sya ng mga estudyanteng nandoon.

Saka sya nagsimulang kumanta.

Im only one call away
Ill be there to save the day
Superman got nothin' on me
Im only one call away

Paninimula nya ng kanta saka biglang tumugtog ang remix ng kantang yun at may mga estudyanteng bigla nalang nagsayawan don sa harap ko. Nakisabay sya sa mga sumasayaw habang kumakanta parin sya.

Todo hiyawan na ang mga estudyanteng nandoon at panay kantyaw na inaabot ko a mga kakilala ko. Nandoon din pala sa crowd sina Gelly at China na mukhang kakuntyaba din ng baliw na lalaking yun.

Sobrang galak ng puso ko parang gusto ko sumabog sa tuwa. Grabe.. Isa na to sa pinakamasayang ala ala ng buhay ko. Akala ko noon ilusyon lang yung ganito kasi lahat ng kakilala kong umeffort ng bongga sa relationship nila at napapa-T@α¥£%€& din kapag naghihiwalay na sila. Pero ayokong isipin na mangyayare yun sa amin. Hindi ko talaga ineexpect na may gagawin syang ganito pero mas hindi ko ineexpect yung tanong nya pagkatapos nung kanta..

"Hindi ko masisiguro sayo na magtatagal yung ganito tayo. Pero ang alam ko lang. Ikaw lang ang gusto ko ngayon at gugustuhin ko kahit lagi mo akong sinusungitan at laging inaaway. Kahit mabago ka, o ako. Ikaw lang ang gugustuhin ko. I want to make it formal. So please.. Ms Seredeth Iggins. Can I be one of your suitors?" tanong nya na medyo ikinadisappoint ko at the same time ay sobrang natuwa ako. Kasi alam kong may respeto sya sa akin at gusto nyang maranasan ko muna ang ligawan nya ako at pahirapan ko sya. Hahahaha

"Please say yes." pigil ang hininga ng lahat hanggang sa magsalita ako. Feeling ko tuloy ako yung mag aannounce kung sino ang miss universe kasi sa akin lahat sila nakatutok.

"Nakahanda na sana yung sagot ko e. Pero hindi ko akalain na iba yung tanong." nakangiting sabi ko at natawa sya ng bahagya. "Well. Of course. Manliligaw palang naman diba? Pwede pa ireject." natawa ang mga tao sa biro ko pero si Tep parang si Teptep nainis.

"Pasalamat ka maraming tao kundi nag walk out nako." sabi nya't saka ako niyakap sabay hiyawan ng mga taong nandoon. "Wag mo akong pahirapan please." sabi pa nyang pabulong.

Wag? Hm! Kung tinanong mo nalang sana yung "will you be my girlfriend?" tutal tinatawag mo narin lang akong future wife hindi ko na sana maiisipang magmaldita sayo ngayon.. Bwahahahaha!


End of Chapter 4

Short update. Sorry. Please hit that star button. Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Traveled for Love: ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon