CHAPTER 8

33 9 5
                                    

[Aestherielle's POV]

"Goodluck sa first day niyo my babies. Si Daddy niyo ang susundo mamaya. Bumaba na kayo para 'di kayo ma-late. "

Sabay na kiniss namin si mommy sa cheeks.

"See you later, mom. Ingat po sa biyahe. " Ace.

Pagbaba namin sobrang dami nang estudyante. Mga excited pumasok kasi first day pero pagkaraan ng isang linggo uuso na naman ang over the bakod.

Napatili ako nang biglang sumubsob sa tanim ng santan si Ace at may nakadagan sa kaniya.

"Na-miss kita tol! Kamusta naman bakasyon mo sa Bacolod? Sana naging masaya ka kahit hindi ka nag-aya. "

Nakangiwing bumangon si Ace at sinapak ang kaibigan niya.

"Grabeng miss 'yan, Devon! Sagad hanggang buto. 'Pag nagkasugat 'tong mukha ko lintik lang ang walang ganti! "

"Huwag kang mag-alala tol."

Hayss nagkita na naman ang dalawang mahangin.

"Nasaan si Alyxir? "

Sabay na tumingin sila sa'kin.

"Nandiyan ka pala ate Aesthe? Nandito naman ako pero bakit si Alyxir na wala ang hinahanap mo? Kaya nasasaktan ang mga tao eh kasi panay hanap sa wala. "

Nagtampu-tampuhan pa siya.

"Nandito ka nga diba? Bakit pa kita hahanapin? "

Napahawak naman ito sa dibdib at nagkunyaring nasasaktan at ito namang kapatid ko inaalo si Devon tapos pinupunasan niya pa ang luha 'kuno' nito.

"Nakakasakit ka na ng gwapong damdamin ate. Bulag ka ba? Bakit pangit na ngayon hinahanap mo? "

Nilingon ko ang taong biglang umakbay sa'kin.

"Kasinungalingan mo talaga, Devon." Alyxir.

Magkaibigan talaga ang tatlong 'yan since grade 7. Feel ko namumuti na buhok ni Alyxir sa kakulitan ng dalawa. Siya kasi ang medyo seryoso.

"Tol? Nandiyan ka na pala? Naku! Nililinlang ka lang ng pandinig mo. Ilang buwan ka na bang 'di nakapag-ear cleaning? Dibale alam mo namang walang pangit sa grupo diba?"

Mga palusot talaga ni Devon.

"Alisin mo nga 'yang madumi mong braso kay Aesthe! "

Sumulpot na lang bigla sa tabi ko si Waffle at tinulak ang braso ni Alyxir na nasa balikat ko. Away aso't-pusa na naman po.

"Selos ka naman, Wapol! Relax, sayo lang ako mafa-fall. "

Nakaramdam na sana ako ng kilig pero natunaw lang dahil sa maitim na aura na nakapaligid kay Waffle. Kapag ganiyan siya dapat ng magpakalayo-layo ni Alyx na siyang ginawa nga ng huli.

"I missed you, Aesthe! See yah later. May hahabulin pa 'ko. Ciao! "

Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago hinabol si Alyx. Ngayon ko lang napansin na iniwan na pala nila ako.

Umaattend muna ako ng flag ceremony at medyo natagalan pa dahil may welcoming speech pa ang president ng school namin na si Ms. Isolde Cordova. Nakakainspire siya actually kasi siya ang pinakabatang naging President ng school namin at despite of the doubts that she heard pertaining to her capabilities naipakita niya naman sa lahat na kaya niya. Age doesn't matter kumbaga but the experience and dedication. So far, kilala lagi school namin sa mga contest at good records.

After ng flag ceremony pumasok na ako sa room. Same section at same classmates lang naman ngayon Grade 12.

Pagpasok ko ng room nakita ko agad ang mga kaibigan kong hindi na naman umattend ng flag.

"Aestherielle!"

Muntik pa akong matumba. Nasa pinto pa lang kasi ako ng dinamba na nila ako ng yakap.

"Nakaka-touch naman. Ako ba ang na-miss niyo o ang dalang pasalubong ko?"

Nagsiiwasan naman sila ng tingin.

"Siyempre ikaw! " Ava.

"Mas importante ka kaysa sa souvenir. " Neptune.

"Yes naman. Na-miss ka talaga namin. Kami ba 'di mo na-miss? Anyways, may dala ka ba riyan?" Anne.

Sabay na tumawa kami sa sinabi niya. Hayss! I'm with my safest haven.

*ehem!*

Sabay ba lumingon kami sa tumikhim. Fudge!!! Anong ginagawa niya dito?

No way!!!

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon