CHAPTER 40

31 4 3
                                    

[Aestherielle's POV]

"Aray, ate! Ikaw na nga 'tong tinulungan nananakit ka pa. Cute abuse 'tong ginagawa mo. Gusto mo sigurong dalhin ko pa 'to sa Tulfo in Action? "

This time si mommy naman ang pumingot sa tainga niya. Nasa rooftop kami ng bahay at nag-order sila ng mga pagkain para raw i-celebrate ang comeback namin ni Khirro.

"Pakiramdam ko Kin, nananaginip ako ngayon. Akala ko talaga wala na akong babalikan. Alam mo bang nagdadalawang-isip pa akong umuwi ng Pilipinas dahil sa takot kong may mahal ka ng iba. "

Hinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat ko at hinapit ako sa bewang.

"Aside from mom, you're the only girl I want to be with for the rest of my life. Hindi ko nakikita ang sarili ko na may ibang babaeng kasama sa future. Tanging ikaw lang,  Kin. "

Napapitlag kaming dalawa nang masilaw sa flash ng camera. Si mommy at mommy Avii lang pala. Mag best friend nga talaga sila.

"Isang picture pa, babies. "

Pinagbigyan na lang sila namin. Ang isang picture naging sampu.








Mabilis na lumipas ang buwan hanggang sa natapos ang construction ng boutique at bookshop ko na umabot ng 8 months. After a month of preparation sa lahat-lahat binuksan na namin ang shop.

So far, maganda naman ang bentahan lalo na nong nag-opening ng class. Maraming estudyanteng bumibisita sa shop kaya napag-usapan namin ni ate Ash na patayuan ng isang branch ng Hoshino's Cafe' para all in one na.

"May idea ka na ba Kin kung anong ireregalo natin sa kasal nina Athaliah at Harry? "

"Nagpabili na ako kay mommy sa Italy. "

"Kailan sila uuwi? "

Nandito pala kami ngayon sa shop at isang himala kasi noong nakaraang araw pa siyang sobrang busy.

"Next week. You know sinusulit pa nila ang gift ni Aiden for their wedding anniversary. "

"Bakit hindi ka sumama? "

"Wala kang kasama rito. "

Nakurot ko nga sa pisngi na agad niyang ikinadaing.

"Eh anong tawag mo sa mga kasama ko rito sa shop? Mannequin? "

Ako naman ngayon ang hinila niya at pinaupo sa kandungan niya. Patagilid akong umupo para 'di makitaan. Namula ako ng mapagtanto ang pwesto namin kaya tatayo na sana ako pero niyakap niya ako sa bewang at isinuot niya ang ulo niya sa kili-kili ko. Pasalamat talaga nasa loob kami ng office. Kung sakaling hindi napaka-PDA namin.

"Ang landi mo, Kin. "

"Malandi agad? Gusto ko lang namang maglambing. I just missed you. "

Masuyong hinaplos ko ang malambot niyang buhok.

"Sino ba naman kasi ang pinapatay ang sarili sa trabaho? Nagpapahinga o kumakain ka ba naman sa tamang oras doon sa cite niyo? 'Pag ikaw nagkasakit masasapok kita. "

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon