EPILOGUE

34 4 2
                                    

[Khirro's POV]

"Wala na bang may ibibilis 'yan, Kin? "

Salubong ang kilay at kanda-haba na naman ang nguso niya. Halatang nauubusan na naman ng pasensiya.

"You know we need to be careful, Kin. Delikado sa kalagayan mo if bibilisan ko ang pagmamaneho ko. "

Nanlaki ang mata ko at napasinghap nang kinurot niya ako sa braso. Papawala pa nga lang 'yong pasa nang kinurot niya rati sa tiyan ko eh.

"Paano 'pag hindi siya natin naabutan, KHIRRO? "

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga to control myself.

"Trust me, AESTHERIELLE. Maaabutan natin si Ace. "

Fudge!!! Wrong move, Khirro! Bakit kasi tinawag ko siya sa pangalan niya? Umiiyak na naman tuloy. Ang tanga mo lang, Khirro.

"I'm sorry, Kin "

I forced myself not to look at her crying face. As what I've said, kahinaan ko ang mga luha niya.

"You don't want to own me anymore? You don't love me? Kasi ano? Malapit na akong magmukhang balyena? "

Here we go again. Kaya talaga ingat na ingat ako sa mga sinasabi ko. She's 4 months pregnant, that's why.

"You know how much I love you, Kin. "

Tumahimik na siya ngayon. Effective talaga everytime na sasabihin kong mahal ko siya kapag tinotopak na naman. Tinitiis ko lang talaga ang mga pangangagat at pangungurot niya sa'kin kasi naglilihi pa siya. Partly may kasalanan ako pero alam kong pinapahirapan siya ng anak namin lalo na sa mga morning sickness at mood swings niya.

I can still remember the day when she gave me the pregnancy test. The moment I saw the two red lines, I found myself screaming and jumping until I saw myself climbing our terrace and from there I dived down to our pool. Hindi ko na ramdam ang sugat ko sa noo na nabagok sa sahig ng pool. I was just so very happy knowing that I'm going to be a dad.

"I love you too, Kin. "

I smiled at her when she gave me a peck on my right cheek.

Nandito na kami ngayon sa garahe ng bahay nila at inalalayan ko siyang bumaba. Papasok pa lang kami sa bahay nila nang bumukas ang Pinto at lumabas ang bihis na bihis na si Ace. Napatigil ito nang makita kami at nanlaki pa ang mga mata.

"ABORT MISSION! ENEMY'S APPROACHING!!! "

Kung hindi lang sana magagalit 'tong katabi ko, baka kanina pa ako bumunghalit nang tawa kay Ace.

"Kin! Ayaw na rin sa'kin ni Ace! "

Napakamot na lang ako sa batok at hinila na siya papasok.

"Good morning, mom. "

We both kissed her cheek and hugged mommy Wafer.

"Good morning. Ang aga niyong dalawa ah? Don't tell me lalamugin mo na naman ang kapatid mo? "

Pigil ang ngiti na tinanguan ko siya. Isa rin kasi sa pinaglilihian niya si Ace. Kaya siguro may trauma na si Ace sa kaniya dahil kinukurot at pinipisil niya ito sa pisngi.

"Mom? Ayaw na po ni Ace sa'kin. Hindi niya na ako gustong makita. "

Hinaplos naman ni mommy ang pisngi niyang may luha na naman. Tumalim ang tingin ni mommy sa taong nakatago sa likod ng sofa.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon