Chapter One

1.4K 31 2
                                    

Kabadong-kabado ako habang nasa elevator ngayon, papunta akong 16th floor ng condominium na building na ito. Makikitira lang naman ako sa pinsan ng matalik kong kaibigan. Yup, makikitira ako sa PINSAN ng matalik kong kaibigan.

Well, kabado ako kasi hindi ko pa naman nakikilala ang pinsan na yun noh, sabi ng kaibigan ko na lalaki yun, nung una hindi ako pumayag kasi naman lalaki yun, pero nung sinabi nya naman na nagladlad na daw ito sa kanyang tunay na kasarian, pumayag na ako. Syempre kailangan ko ng matitirahan dito sa Manila pansamantala habang naghahanap pa ako ng trabaho. Kaya kinapalan ko na ang aking mukha. Na-ikwento rin ng kaibigan ko na ang kanyang pinsan ay isang bading na hindi nagbibihis bading, gets nyo? Yung mga tipong bading na bihis lalaki parin. Ganun ang kanyang pinsan.

After a couple of minutes, I'm in front of my best friend's cousin's condo unit. Geez, this really gives a nerve breaking feels right now.

Kahit nagdadalawang-isip pa ako, pinindot ko na ang buzzer ng condo niya. Pinindot ko ulit ang buzzer baka kasi hindi narinig dahil wala namang lumabas.

"Shocks. Baka walang tao, pano na 'to?" I took a deep sigh and wait for a couple of seconds, then I decided to buzz again, maybe yung pinsan ni Yuki ay tulog lang. Siguro? I just want to try it once more before deciding what to do if wala ngang tao. And, there's no wrong in trying. Charoterang froglet lang.

Sa pagkakataong ito, tatlong magkakasunod na buzz ang ginawa ko. Hihihi. Pilya lang eh noh?

At dahil walang lumabas, nainis na ako at pipindutin na sana uli ang buzzer kaso, biglang bumukas ang pinto ng condo at iniluwa ang isang mala-Greek God na lalaki.

Tiningnan ko ang lalaki mula ulo hanggang paa at paa uli hanggang ulo, sheeeeeet mameeeen! Ang yummy! At nasabi ko na ba sa inyong naka-tapis lang sya? Oo. NAKATAPIS siya! At yung feeling na wet-look? Yung may mga tumutulo pa na tubig sa buhok niya parang nag-momodel sya. Ang gwapo SHET.

"Yes, miss? What can I do for you?" Natauhan ako nang nagsalita siya. Napatanong ako sa sarili ko kung bading ba talaga to? Ba't pati boses lalaking lalaki? Sabagay, lalaki naman talaga siyang pinanganak dito sa mundo.

"Miss?" Tanong uli nito.

"Uhm. A-ano, a-a-ako kas-s-si yung kaibigan n-ni Yuk-Yuk-Yuk-ki" Hindi ko alam ba't ako nauutal. Nauutal ba ako dahil nahihiya akong makitira, o nauutal ako kasi ang gwapo niya at pamatay yung tingin niya sa akin? O nauutal ako kasi naka-tapis lang sya ngayon at uulitin ko ang GWAPO po niya SHET MAMEN!

"Ah. Ikaw! Ikaw yung magiging katulong ko pansamantala diba? Ikaw si George? Am I right?"

"Katulong? Ako? Po? Paki-ulit?"

"Oo, sabi kasi sa akin ni Yuki, may kaibigan daw siyang naghahanap ng matitirahan pansamantala. In return, siya daw muna ang magiging katulong dito, kaya nga pumayag na ako kasi mapilit si Yuki. At sabi pa niya na nagtitipid ka raw kaya naghahanap ka ng libreng matutuluyan habang naghahanap ng trabaho" Tuloy tuloy nitong salaysay. Tang*nang Yuki yun! Ginawa akong katulong?! Kaya pala todo ang pagkumbinsi sa akin na kesyo wala na akong poproblemahin? Kaya pala sobrang good luck niya sa akin kanina? Kasi ginawa niya pala akong katulong dito sa pamamahay ng pinsan niya? Lagot talaga sa akin ang bading na yun! Hindi naman bading ang bestfriend ko. Tinatawag ko lang syang ganon dahil sa di mapreno nyang bibig na parang bading.

"Halika, pasok ka na" Anyaya sa akin ng pinsan ni Yuki.

Gosh, naman ano ba tong pinasok ko? Ba't ba ako pumayag na makitira sa gwapong bading na pinsan ng kaibigan ko? At hindi manlang ako na-orient na gagawin pala akong katulong pansamantala?! Ang beauty kong ito?! Pangkatulong?! Juice ko lang. Pinipilahan ito! Shocks. Good luck sa akin!


= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Ajsarmiento 💘

This story is on process of editting.

Lovelots! וו

I Kissed A Gay (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon