Chapter Five

643 30 9
                                    

hiiiiii ^.^ nakapag-update din sa wakas :D sana po magustuhan niyo...

________________________________________________________________________

Three hours, tatlong oras na ang nakaraan simula ng pinatibok ng bading na halimaw na yun ang puso ko. Bale, tatlong oras na rin akong tumitipa sa computer dahil nga gumagawa ako ng powerpoint base sa ibinigay niyang papeles. It's an annual report of sales and etc. of the company.

Seryoso ako sa pagta-type ng biglang may tumatawag mula sa teleponong nasa desk ko. I assumed na si Sir Ian ang tumatawag sakin, may iuutos ata ito.

"Hello Sir?" sagot ko sa telepono.

"Can you come here inside, I need something to discuss with you for a sec" matapos niya itong sabihin ay ibinaba na agad nito ang telepono.

"Ay, bastos na bading yun hindi pa ako sumagot binaba agad" bulong ko sa aking sarili na hawak hawak pa rin ang telepono. Binagsak kong ibinaba ang telepono at nagmartsa papunta sa opisina ng mahal na reyna —- I mean hari.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pintuan, syempre naman hindi naman ako katulad ni Ian na walang modo. Kahit papano naman may respeto ako sa kanya dahil boss ko pa rin siya kahit wala siyang manners.

"Sir, what can I do for you?" wika ko ng makapasok ako sa kanyang opisina. Take note nakangiti ako ha! Mabait tayo eh. Kahit ubod ng suplado at hindi pala ngiti yung nasa aking harapan.

"I need to know my schedule tomorrow. Do I have any meetings, have you checked it?" poker face niyang sambit sakin.

"Opo sir. Na-checked ko na ang schedules niyo for this week. Wala naman po kayong meeting ngayong linggong ito maliban lamang sa Kashima Corporation na ipina-move niyo na sa akin next week wednesday at ang board meeting niyo this coming friday." tuloy tuloy kong lintaya dito.

"Good then, I need you to —-" natupol ang pagsasalita ni Sir Ian ng may biglang pumasok sa opisina. Napatingin kami ni Ian sa may pintuan.

"Hi there couz! Sorry I didn't knock, I just need to talk you something important" sambit nitong nakatingin kay Sir Ian. Hindi ata nito namalayang may iba pang tao sa loob ng opisina ni Ian at yun ay ako.

Magsasalita pa sana ang lalaking kapapasok lamang ng nagsalita si Ian. "George, you can go back to your desk now, I will just talk to you later after lunch."

"Wait, you are George? I though your new secretary is boy? Why didn't you tell me you accept girls now as your secretary?" maraming tanong ng lalaking hindi ko kilala.

Kiming tumango ako kay Ian at umikot para makaalis na sana ng nagsalita nanaman ang lalaking hindi ko pa kilala. Maliban sa alam kong pinsan sila dahil couz and kanyang itinawag kay Ian, medyo nalito ako sa sinabi niyang "Why didn't you tell me you accept girls now as your secretary?" sa pagkakaalam ko kasi babae ang pinalitan ko Mae nga ang pangalan ayon kay Ian.

Palakad na sana ako papunta sa pintuan ng makalabas na ngunit, lumapit sa akin ang lalaking pinsan ni Ian.

"Hi miss?" wika sabay lahad ng kanang kamay nito.

"George" kiming sagot ko at inilahad din ang kamay ko. Nagulat ako sa ginawa nito, akala ko ay kakamayan niya ako ngunit hinalikan niya ang kamay ko habang nakatingin sa akin. Hindi mo maipagkakailang gwapo itong humahalik sa kamay ko at hindi rin maikapagkakailang playboy ito sa aura pa lang.

Nang matapos itong halikan ang kamay ko ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis na para bang ang bait bait nito. "Im Terrence, Rence for short"

"Ikaw pala ang pumalit kay Meynard"

"Meynard? I thought it's Mae" hindi ko mapigilang itanong.

"Yeah its Mey, short for Meynard" sagot nitong parang hindi big deal. "Wait a minute, kala mo babae si Mey?" tanong nito sa akin.

"I kinda did?" sagot ko naman.

"Haha, no its Mey as in M-E-Y" ikling eksplenasyon nitong nakapagbigay ng linaw sa akin. All this time akala ko talaga its spell as M-A-E or M-A-Y at hindi ko talaga inakalang lalaki si Mey. Eto namang kasi si Ian, hindi rin klinaro na sa akin kaya pala ayaw pakawalan ang sekretaya nito dahil lalaki ito at malamang trip nito.

"Eherm" malakas na sambit ni Ian.

"George I will say this again, you can go back to your desk now and we will just gonna talk later after lunch" iritang wika nito habang nakatingin na sa akin na nakakunot ang noo. Sus, wala namang nagbago dun, laging nakakunot talaga ang noo nito eh.

"And to you Rence, please let go of George's hand and stop flirting with her" hindi ko alam kung ako lang pero nakadiin ang pagsambit nito ng "let go" at "stop flirting" na parang inis na may halong galit ang pagkasambit dito. Hindi ko rin namalayan na nakahawak pa pala sa kamay ko si Rence.

Binawi ko kaagad ang aking kamay dahil nahiya ako kay Sir Ian. At nagpaalam agad ako sa kanila.

Nang papalabas ako ay narinig ko pa ang sagot ni Rence kay Ian.

"I was not flirting Ian, I was admiring her" walang kaabog na sagot nito. Namula ako sa sinabi ni Rence, alam kong makapal ang mukha ko ngunit pag ang sarili ko lamang ang aking kausap. At ang makarinig ng compliment galing sa ibang tao ay madalang lamang.

Nang isasarado ko na ang pinto ng opisina ni Ian ay narinig ko pa ang sinabi niya. "Back off Rence, she's mine."

________________________________________________________________________

So thats it guys :') thank you for reading :D til next update :)))

if still have extra time, check my other stories and give it some love hihi

and if you love this chapter dont forget to vote and comment your thoughts below!!! :D

P.S. - kung nagtataka po kayo bakit naguupdate yung story ko kaso wala naman'g bagong part, dahil po nagpresenta ang aking magandang kaibigan na si Monica na iedit ang mga chapter :D kasi ng tamad ako eh XD hihi thank you Monmon panda :') labyuuuu :*

Aj_ladyingreen #lovelots

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Kissed A Gay (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon