4

154 10 0
                                    

Ezekiel

Lunch break na namin, pero 'yung nakita ko kanina hindi ko pa rin maalis sa isip ko. Lumabas na lang ako ng opisina para kumain na lang.

Makarating ako sa 1st floor kung saan banda ang cafeteria. Agad akong pumila para makabili ng pagkain. Habang napila ako maraming taong natingin sa'kin kaya mejo naiilang ako.

Nang makabili ako nang makakain ko wala naman akong makitang table, punuan kase kaya ang hirap makahanap. Napalingon ako ng may tumawag sa'kin.

"Ezekiel!" Tawag nito sa'kin, kumakaway pa 'to sa'kin. 'Di ko alam kung bakit kilala n'ya agad ako e, wala pa naman akong nakakausap dito maliban kay Sir Malibog. Kaya sobrang nagtataka ako.

"Ezekiel, dito ka na sa table ko tabi tayo!" Tawag uli nito. May iilang tao na napapatingin sa pwesto n'ya kaya nahihiya ako.

Pumunta na lang ako sa pwesto n'ya para hindi na s'ya sumigaw ulit, nakakahiya kase at tsaka baka sabihin n'ya ang rude ko.

Nang makarating ako sa table ngumiti naman 'yung guy at sinabing upo na kami at nginitian ko ito bilang sagot.

"Wait, pa'no mo pala nalaman pangalan ko?" Curious talaga akong malaman kung bakit.

"Sabi na nga na nakalimutan mo na ako e" Mejong lungkot na sabi nito. Napakunot naman ako mg noo ko. Sino ba s'ya? Hindi ko talaga matandaan na kilala ko 'to.

"Hindi mo na talaga ako matandaan. Oh s'ya, ako si Timothy ako 'yung kababata mo" Malungkot na sabi nito. Napahawak naman ako sa bibig ko. Ito na si Timoy? Ang laki at ang gwapo gwapo na n'ya.

"Oh my god, Timoy!" Masayang tawag ko sa kanya. Super happy ako kase nagkita ulit kami. Ilang years din kaming hindi nagkita.

FLASHBAK

"Timoy, promise mo babalik ka ah" Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Oo naman, Ezy. Magkikita ulit tayo at babalik ako dito sa lugar natin" Nakangiting sabi n'ya sa'kin.

Bago s'ya pumasok sa sasakyan nila lumpit ito sa'kin at hinalikan ako sa pisnge. Tumakbo na ito pabalik sa kotse nila at nagpaalam na sa'kin.

END OF FLASHBACK

"Long time no see, Ezy. Ilang years din tayo hindi nagkita. Tas dito lang tayo pagtatagpuin ng tadhana" Sabi nito. Hindi talaga ako makapaniwala na nasa harapan ko s'ya.

"Mukhang natutupad na 'yung pangako ko sa'yong na magpapakasal tayo" Dagdag pa nito. 'Di ako makapaniwala sa sinabi n'ya. Naaalala n'ya pa rin 'yun, samantalang ako wala na sa isip ko 'yun.

"Ano ka ba, Timoy. 'Di mo naman kailangan tumaparin 'yun. Tsaka mga bata pa lang tayo nung mga araw na 'yun" Sabi ko sa kanya habang nakakamot sa batok ko.

"Seryoso ako sa'yo, Ezy. Bata pa lang tayo may gusto na ako sa'yo, sinabi ko na sa'yo 'yun" Seryosong sabi naman n'ya. 'Di ko alam kung bakit gan'to ang tibok ng puso ko.

"Liligawan na kita ngayon, buti na lang talaga pinagtagpo ulit tayo ng tadhana" Dagdag n'ya pa. Hindi ko ma-explain 'yung nararamdaman ko ngayon. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon ko.

"Kumain na tayo, malapit na matapos ang lunch break" Sabi ko rito, ngumiti naman s'ya at inumpisahan n'ya nang kainin ang pagkain n'ya.

Matapos kaming kumain saktong kakatapos lang din ng lunch break. Hahatid n'ya daw ako sa opisina ko which is sa opisina rin ni Sir Malibog.

BS 1: Babysitting The Billionaire | BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon