Chapter 7
Faye's PoV: ChanceNaka-upo ako sa gilid ng kapatid ko na tuliro pa rin at nalilito. Naguguluhan ako sapagkat wala pa rin akong nakitang bagong trabaho matapos ang araw na ako ay natanggal sa trabaho. Napatingin ako sa kapatid ko na payapa pa ring natutulog habang nakahawak sa kamay ko. Nararamdaman niya siguro ang presensya ko sa panaginip niya dahil hindi niya alam na nandito ako ng matagal.
Habang nag-aalala ako, may biglang kumatok saka binuksan ang pinto, aba't napabisita pa a ng mga kaibigan ko. Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko mula sa kapatid kong si Tan at dali-daling iniyakap ang mga kaibigan kong sina Jessy at Hana.
"Oh Jessy, Hana, bakit kayo naparito?" masigla kong tanong sa kanila.
"Well naramdaman lang namin na binisita mo ang kapatid mo ngayon so we figured we'd come by." sabi ni Jessy at napatulala ako. Hindi ako makapaniwala na mayroon silang ilang malakas na pandama.
"Ah ganun ba?"
"Yep, so musta trabaho mo don?" tanong naman ni Hana sa akin.
Nakasimangot ako at sinabi ang lahat ng mga nangyari. Matiyaga silang nakikinig, ngunit halata din na hindi sila makapaniwala sa sinasabi ko sa kanila. Sa sandaling natapos ko ang pakikipag-usap, hinintay ko ang reaksyon nila. Naiwan silang walang imik ngunit nagsimula nang magsalita si Jessy.
"Gosh, anlakas-lakas mo naman Faye para gawin yon, I've never known that side of you."
"Eh kasi nga napilitan ako, everything was agaist my will." pagtanggol ko sa sarili ko at kinomfort nila ako.
"Sige Faye, since wala ka pang nahanap na trabaho, maghanap ka nalang kaya muna ngayon?" suhestyon ni Hana at nagulat ako, "Huh? Eh pa'no na si Tan?"
"Kaya nga kami nandito noh para kami nang bahala sa kaniya. Tsaka kulang pa yang sahod na binigay sayo, kailangan mo pa ng marami."
Oo nga, hindi pa ito sapat para sa kalagayan ni Tan. Siya nalang ang naiwan sa akin eh simula nung iniwan na rin kami nila nanay at tatay, kailangan kong magtrabaho para maalagaan ko si Tan.
Napaukit ako ng ngiti sa kanila Hana at Jessy sabay tulo ng luha, "Maraming salamat, napakaswerte ko naman to have you guys."
"Syempre naman Faye, You should go na." tumango na ako at dali-daling lumabas sa kwarto.
Nang makakalabas na ako sa ospital, kukunin ko na sana ang wallet ko sa bag pero pati ang bag ko naiwan sa loob. Napadaing ako sa pagod at galit.
Ang tanga ko naman, pati pa talaga bag ko naiwan.
Wala na akong nagawa pa kundi ay bumalik. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ni Tan at pagbukas ko palang nito, nagulat ako sa nakita ko.
"So this is your little brother? I'd say I'm impressed kasi kamukhang-kamukha talaga kayo." saad niya.
"Teka... pa'no..."
Humarap siya sa'kin with a smirk, "I missed you Faye."
"Y-young master??"
Bigla na rin akong niyakap ni Mey-mey nang makita niya ako. "Aba't ito pala ang halimaw na pinag-usapan natin bago ka nagsimulang magtrabaho don." saad ni Jessy at agad namang nagreact ang bata, "What in the world are you talking about?!"
I was still shocked, I hugged mey tapos pumunta agad ako sa bata at niyakap rin siya leaving him shocked, "H-hey!"
"Patawad, young master hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Yon ba ang dahilan kung bakit kayo nandito?? Para marinig akong magpaalam ng maayos??" I admitted at somehow I made him pissed.
BINABASA MO ANG
𝐀 𝐌𝐨𝐧𝐬𝐭𝐞𝐫'𝐬 𝐅𝐚𝐢𝐭𝐡𝐟𝐮𝐥 𝐌𝐚𝐢𝐝 | ONGOING
RomansFaye Gonzalez started her 18 year old life bilang personal maid sa kaisa-isang anak ng Vilanor family, ang isa sa pinakamayamang pamilya sa Pinas. Sadly, nagkaroon ng matinding sakit ang nag-iisang 13 year old na anak nilang si Ian Villanor. Everys...