"Girl yung totoo natulog ka ba?" tanong ni Lisa
Napalumbaba ako sa upaan ko nang makarating ako sa room. Buti nga nag ka will pa kong pumasok eh.
"Anong series nanaman pinanuod mo?" di ako sumagot dahil bigla pa rin ako sa napaginipan ko kagabi
Namatay si Mama nung pinanganak ako kaya never ko siyang nakita. Puro pictures lang niya nung bata pa siya at nung pinag bubuntis niya ako ang nakita ko. Pero sa panaginip ko hawak hawak ko ang kamay niya at kitang kita ko kung pano siya binawian ng buhay. Kahit panaginip lang yon sobrang bigat pa rin ng puso ko dahil iba pa rin pag nakita mong mismong mawala yung taong importante sa harap mo. Isa pa nakita ko siya at naramdaman kong hawakan ang kamay niya kahit isang beses lang.
"Sorry I'm late. Pinatawag kasi ako ni Dean sa office niya" nagsiupuan naman na ang mga kaklase ko nang dumating ang prof namin "By the way may late enrollee pala kayo nakasalubong ko siya kanina. Halika dito iho"
Walang gana akong tumingin sa may pinto at may lalaking pamilyar na pumasok. Holy shit!
"Hello I'm Jimin Park nice meeting you all" At bigla na lang bumuhos ang luha ko
BINABASA MO ANG
Dɾҽαɱ σϝ ɱҽ | Jirose
FanfictionA guy keeps appearing on her dreams She doesn't know him nor his name And one day he suddenly shows up Narration x Epistolary Rosé x Jimin ❀