"Kuha lang ako ng meryenda natin" tumango naman ako
Pinagmasdan ko ang buong unit niya. Isang single bedroom unit ang meron siya at sobrang linis nito. Halata naman dahil sobrang organize niyang tao.
Onting revise na lang din ng paper namin ay matatapos na kami. Nakakalungkot nga dahil wala na kong dahilan kitain siya pero hayst bahala na. Gagawan ko na lang ng paraan mapansin niya lang ulit ako.
"Ayos lang ba 'to sayo?" pag lapag niya ng egg sandwhich at juice saka umupo sa tabi ko
"Oo ayos lang. Thank you. Mukang masarap 'to ah" masaya kong sabi at nilantakan na agad ang pagkain "Uy ang sarap nga!"
"Bolero" rinig kong bulong niya
"Masarap naman talaga. Ikaw talaga tingin mo lahat ng sinasabi ko sayo kalokohan. Honest kaya ako lagi"
"Sige nga ano mas gusto mo necklace or roses?"
"Ha?" kunot noo kong tanong. Bat ang random nito? Anong connect sa usapan namin non?
"Wala" pag iwas niya ng tingin at kumain na ng sandwhich
"Hmm roses. Mas gusto ko roses kasi kapangalan ko" pag ngiti ko sakanya. Nahintuan naman siya non "Bakit mo natanong?"
"Wala naman"
"Siguro bibigyan mo ko ulit ng bulaklak 'no?" pag halakhak ko
"Bakit? Gusto mo ba bigyan kita ulit?"
"Hmm siguro chocolates naman. Para naman makain ko diba?" pag biro ko
"Okay" diretsang sagot niya. Nanlaki naman ang bata ko
"Hala seryoso ka ba diyan? Akala ko nag bibiruan lang tayo?"
"Muka ba kong nag bibiro?" parang tumalon naman ang puso ko sa sinabi niya
"Gago ka! Lakas mo talaga magpakilig!" napahawak na lang ako sa puso kong sobrang bilis ng tibok ngayon. Napangisi na lang siya
"Pagkatapos ng paper natin hatid na kita sainyo"
"O-okay" gago na speechless ako. Grabe pala epekto pag in person siya nag papakilig. Di ko nga lang maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to? Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin?
BINABASA MO ANG
Dɾҽαɱ σϝ ɱҽ | Jirose
FanficA guy keeps appearing on her dreams She doesn't know him nor his name And one day he suddenly shows up Narration x Epistolary Rosé x Jimin ❀