54

4 0 0
                                    

"Hi Jimin. Available pa ba yung seat diyan sa tabi mo?"


Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch break. Inaya ko talaga ang girls makitable sa boys para mapakita sakanilang may improvement talaga kami ni Jimin.


"Sorry hindi na eh" pag hila ni Jimin sa braso ni Jin na kakarating lang para maupo don. Nalaglag naman ang panga ko non


"Pero nauna ako sakanya!"


"Nauna naman siyang umupo" giit niya na may halong pang aasar pa. Agad naman akong napasinghap sa inis


"Oh? Akala ko ba close na kayo?" bulong ni Jennie

"Argh! Kainis!" padabog akong umupo sa tabi ni Jungkook. Sa pwesto na lang kasi niya ang may bakante


"Huy easy lang Roseanne" pag pakalma nito sakin


"Naiinis na talaga ako sa lalaking yan" apaka gulo niya. Akala ko pa naman okay na kami. Akala ko lang pala yon


"Wag mo na lang isipin. Oh eto sayo na lang 'to" pag abot niya sakin ng plastic ng strawberries


"Huy totoo ba?" nakangiti naman siyang tumango non "Wah! Thank you!" pag akap ko sakanya. Ang saya saya talaga pag nakakakuha ng libreng pagkain.


"Una na ko"


Napatingin kaming lahat sa biglaang pag tayo ni Jimin. Ni hindi man nga lang niya natatapos pa yung pagkain niya tapos aalis na siya agad? Anong problema non? Tinawag pa siya nina Taehyung pero di niya sila nilingon at nag diretso sa pag lalakad. May mood swings nanaman ata.

Dɾҽαɱ σϝ ɱҽ | JiroseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon