Chapter 3: Maxine Lincoln

121 3 5
                                    

Ms.A - Hello Ayers! Sorry tagal ng update ko dito. Sana isupport niyo pa rin ito.

****************************************************

"Anong nangyari kay Aliyah?!" ito agad ang binungad ni Ice pagdating sa principal office ng Xavier University.

Pagkareceive ng tawag nila Ice at Eunice galing sa school ng mga anak nila, nagmadali silang pumunta dito.

"Daddy!" tumakbo agad si Aliyah pagkakita sa Daddy niya at niyakap agad ni Ice ito. At doon din nakita ni Ice na andito din ang mga kaibigan niya.

Si Cleo. Long-time fiancée ni Eunice pero kahit hindi pa sila kasal, meron na silang anak na si Janna kung saan kasing edad din ni Aliyah.

Si Ash. Younger brother ni Ice. May adopted son siya pero mas matanda ito kay Aliyah ng isang taon, si Liam. Siya ang business partner ni Cleo ng isang car company.

Si Dion. Best friend ni Ice na isang sikat na artista kasama ang kanyang secret girlfriend na si Hannah. Andito rin sa school na ito ang pamangkin niya na si Red.

"What happened my princess?" Tanong ni Ice kay Aliyah.

"Those evil kids. They are teasing us." alam ni Ice na hindi ito simpleng tuksuhan lang ng mga bata dahil alam niyang hindi ganito magrereact ang mga anak nila. Kaya napantingin siya sa Director ng school na ito para malaman ang buong kwento.

"Mr. Olivares." Panimula ng Director ng Xavier University na si Carmela Tiu. Tumango lang si Ice para sign na ipagpatuloy lang niya ang sasabihin niya.

"Based sa kwento ng mga teachers nila, habang naglalaro sila sa playground, there is a group of kids na lumapit kay Aliyah. I think they are teasing her because her Mom is always not around and she doesn't love her." Hindi napagpatuloy ni Directore Tiu ang kanyang kwento dahil sumingit si Aliyah.

"Daddy! They are lying right?! My mom really loves me, it's just that she's busy helping the other kids."

Galit na galit si Ice sa sarili niya dahil sana kung alam lang ni Aliyah ang totoo simula pa lang, sana hindi niya nararamdaman ito. Paano ba niya maitatama ang lahat?

"Of course, pretty Aliyah. Your mom really loves you." Si Eunice na ang kumausap kay Aliyah dahil ramdam na rin niya na wala maisip na sagot si Ice sa anak niya.

"Teka, pano nadamay ang ibang bata?" Tanong ni Cleo.

"Ng marinig ni Liam ang pang-aasar ng mga bata kay Aliyah, inawat niya ang mga ito. Pero si Liam naman ang inasar ng mga ito." Tumigil sa pagsasalita si Director Carmela dahil hindi niya alam kung dapat pa ba sabihin ang sinabi ng mga bata. Pero hindi rin nagtagal, nagsalita si Liam.

"They told that I am just an adopted and I don't have a mother. As if, it was not true." Walang reaksyon na sinabi ni Liam sa father niya.

Napatingin na lang si Ash kay Liam dahil kilala niya ito. Kahit ganito ang reaksyon niya, nasasaktan pa rin ito. Alam ni Liam na ampon lang siya at ang mother niya ay wala na.

"Then sila Janna and Red, sumali na rin sa pagawat dahil pinagtutulungan ng mga bata sila Liam at Aliyah. Pero sad to say, pati sila nadamay din."

"So Carmela, what would be your resolution for this problem? Hindi naman siguro ako bumibili ng stocks sa school na ito para lang pagtulungan ng mga estudyante dito ang mga anak namin." Malapit na kaibigan ni Ice ang pamilya Gotiangco pero sa ganitong pagkakataon kayang kaya niyang ipull out ang stocks niya sa school na ito.

"Don't worry Mr. Olivares, napagusapan na namin dito na ihihiwalay nalang namin sila ng room. I know, you won't want us to give them a special treatment pero this is the best way as of now. We also transfer our children on that room para naman medyo marami sa classroom." Pagaassure ni Director Carmela.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon