Chapter 1: Meet Aliyah Nicole Olivares

1K 28 11
                                    

Ayers! Please support my new story. I'm not sure if magugustuhan niyo siya katulad ng binigay niyong pagmamahal sa Class 4-6. But I will try my best to make this story interesting. Meet Ice and Aliyah (see photo above). 

See you on MIBF! :) 

- Ms. A

**********************************

"Aliyah Nicole! Where are you my beautiful granddaughter?"

"Lola Mama, you can't find me." Natawa na lang si Lola Maria dahil alam naman talaga niya kung saan nagtatago ang kanyang apo na si Aliyah. Pero hindi niya pinapahalata ito sa kanyang apo dahil alam niyang iiyak ito kapag alam natalo ito sa laro nilang hide and seek.

"Jusko! 9:00 am na pala! Malalate na si Aliyah sa school niya." Iyan ang nasabi ni Lola Maria sa sarili ng napatingin siya sa orasan nila. At nakaisip na siya ng isang bagay para lumabas si Aliyah sa kanyang pinatataguan.

"Yaya Beth! Nasaan nga pala yung padalang sulat ni Amiah?"

"Ito po, Senyora." Dali-daling binigay ni Yaya Beth ang sulat na hinihingi ni Lola Maria.

"May sulat ulit si Mommy?!!!" tumakbo papalapit si Aliyah sa kanyang Lola ng may malalapad na ngiti. Hindi niya akalain na mayroon na naman siyang sulat galing sa kanyang Mommy.

"Lola Mama, can I read now my Mommy's letter?"

"You need to take a bath first, apo. Malalate ka na sa school mo."

"Lolaaaaaaaaa....." Ginamit na naman ni Aliyah ang kanyang pagpapacute sa kanyang Lola para payagan siya nito.

Um-oo na lang si Lola Maria dahil alam naman niyang hindi siya mananalo sa kanyang apo.

"Yehey!" Kinuha agad ni Amiyah ang sulat ng kanyang Mommy para sa kanya at binasa ito ng mabilis. At dahil na rin isa siyang gifted child, nakakapagbasa na siya kahit siya ay mag-4 years old pa lang.

"Lola Mama! Mommy said that she's in Korea! Malapit lang naman dito ang Korea diba Lola?"

"Hmmm... Maybe 3 hours away, apo."

"Then tell Mommy to go here! Ang lapit na niya Lola Mama!" Hindi maintindihan ni Lola Maria kung anong expresyon ang ipapakita niya sa kanyang apo dahil sa sinabi nito. Hindi niya napaghandaan ang ganitong salita galing sa kanyang apo. Ito ang unang beses na hiniling ito ni Aliyah.

"Aliyah, go to your bathroom now."

Napatingin silang lahat sa ma-awtoridad na boses na pag mamay-ari ng Daddy ni Aliyah. Masama ang tingin nito sa kanyang ina at alam ni Lola Maria kung bakit.

"But Daddy, I'm telling Lola Mama to let Mommy –"

"Aliyah. NOW." Alam ni Aliyah na kapag ganito na ang boses ng kanyang Daddy kailangan na niyang sundin ito. Kaya napasimangot siyang hilahin ang kamay ng kanyang Yaya para pumunta sa bathroom niya para maligo.

At ng naramdaman na ni Ice na hindi na sila maririnig ni Aliyah, hinarap na niya ang kanyang ina.

"MA! ILANG BESES KO BANG SINABI NA ITIGIL NIYO NA ITO?!" galit na galit na sigaw ni Ice.

"Son, alam mo naman na nahihirapan pa kong sabihin sa apo ko ang totoo. Nakita mo ba mga ngiti niya kanina ng binanggit ko ang Mommy niya?"

"Sige Mama, hanggang kailan niyo balik gagawin ito? Kapag mismong si Aliyah na ang makaalam ng totoo."

"Pero..."

"Hindi mo nga nasagot ang sinabi ni Aliyah kanina. Paano mo pa masasagot ang ibang katungan ni Aliyah tungkol sa Mommy niya? Mama naman, we all know wala na si Amiah."

Masakit na masakit para kay Ice ang huli niyang sinabi. Halos 4 years ng wala ang kanyang asawa na si Amiah. Namatay ito ng pinanganak niya ang kanilang unica hija na si Aliyah. Nagsisisi siya dahil pumayag siya sa plano ng kanyang Mama noon na huwag sabihin ang totoo kay Aliyah tungkol sa pagkamatay ng kanyang Mommy dahil noong nasa edad isang taon si Aliyah, lagi niyang hinanap ang kanyang Mommy. Wala silang magawa noon para patigilin ang bata sa pag-iyak kaya naisipan nilang gawan ng kwento na ang kanyang Mommy ay nagttrabaho sa ibang bansa at tumutulong sa mga medical mission dahil isa itong doktora. At iyon lang ang tanging bagay na nagpahinahon sa kanyang anak na si Aliyah at pagpapakita nila iba't ibang picture ng kanyang Mommy na kunwari ay nasa medical mission. Salamat sa modern technology.

Pero hindi akalain ni Ice aabot ito ng halos apat na taon at hindi pa rin nila sinasabi ang totoo kay Aliyah. Lalo na ngayon habang lumalaki si Aliyah mas nagiging sabik siya sa kanyang Mommy at ito lang ang laging nagpapahinahon kapag sinusumpong siya ng kanyang tantrums.

Nalulungkot din si Lola Maria dahil alam niyang kasalanan niya lahat ito pero hindi niya kanyang makita ang malungkot na mukha ng kanyang apo kaya nagawa niya ang bagay na iyon na para sa kaligayahan ng kanyang apo.

"Ice, tama na iyan. Gusto niyo bang marinig kayo ni Aliyah?" pag-awat ni Lolo Marco sa kanyang anak at kanyang asawa.

"Lolo Papa!"

Pero laking gulat nila ng marinig nila ang boses ni Aliyah.

"What are you hiding from me? Tell me your secret! Pleaseeeeeee..." laking pasasalamat ng nila Ice, Lola Maria at Lolo Marco dahil hindi narinig ni Aliyah ang kanilang pag-aaway.

Nakaisip agad ng sasabihin si Lola Maria sa kanyang apo.

"Baby Aliyah, actually, we are planning to prepare a surprise birthday party for you."

"Really Lola Mama?!!!"

"Of course, our baby Aliyah will celebrate her 4th birthday."

"Aliyah, I told you to take a bath now."

"Opps." Humagikgik ng tawa si Aliyah at tumakbo ito pabalik sa kanyang bathroom.

Napailing na lang si Ice dahil habang tumatagal parami ng parami ang kasinungalingan ang sinasabi ng kanyang Mama.

Lumabas na lang siya sa kanilang mansyon para hintayin doon si Aliyah dahil siya ang maghahatid dito sa kanyang school.

**********************************

"Daddy!"

"Yes my princess?" Kahit masama ang kanyang umaga kanina, hindi niya mapigilan hindi maging sweet pa din sa kanyang unica hija lalo na nakikita niya ang ngiti nito na abot hanggang tenga. Oo, cold siya sa ibang tao simula noon nawala ang kanyang asawa pero hindi niya kayang maging cold sa kanyang unica hija at tanging bagay na may ala-ala siya ng kanyang asawa.

"Can I ask you a favor?"

"Anything for my princess."

"I want to have a BIG birthday celebration this year. Can I Daddy?" Napangiti na lang si Ice dahil sa hiling ng kanyang anak dahil simpleng simple lang itong hinihingi niyang favor sa kanya.

"Of course, Princess. We will tell your Lola Mama about that."

"Yehey! I love you so much Daddy!" hinawakan ni Aliyah ang kanyang necklace. "I love you too Mommy."

Doon nawala ang ngiti ni Ice. Nakita niyang hawak-hawak ng kanyang anak ang necklace kung saan ang may-ari nito ay ang kanyang yumaong asawa. Pinalabas na lang kanyang ina na ito'y bigay ng kanyang asawa kay Aliyah.

Kaya ayaw na ayaw ni Ice ang ganitong set-up nila kahit alam niyang ito ang nagpapasaya sa kanyang anak dahil bawat pagbanggit ni Aliyah ng "Mommy" o "Mommy Amiah" hindi maiwasan ni Ice na masaktan at mangulila. Alam niyang maga-apat na taon na nakakalipas simula noon nawala ang kanyang asawa pero andoon pa rin ang sakit sa puso niya.

"Amiah,bakit mo kasi kami iniwan? Please come back to us." 

*sorry for the short update. bawi ako sa next update.* 

Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon