"Bakit mo kasi kami agad iniwan, Amiah?"
Ito ang ilang beses ng tanong ni Ice sa sarili tuwing nakikita niya ang picture frame na nakadisplay sa kanyang opisina sa Olivares Group of Companies. Dalawang litrato ang makikita dito, ang nasa kanan ay ang picture ni Aliyah at sa kaliwa naman ay si Amiah. Nalulungkot si Ice kapag nakikita niya ito dahil alam niyang imposibleng magkasama sa iisang litrato ang dalawang babaeng nasa picture frame.
And it was his fault why his wife died.
4 years ago
"Hon, this is our chance. If hindi natin nigrab ito, there is no other way para magkaroon pa tayo ng baby. This is our dream. Your dream."
"Masaya ako dahil after how many years, nagkaroon tayo ng chance para magkaanak pero I don't want to risk. I don't want to risk you. Hindi ko kakayanin na mawala ka."
Hinawakan ni Amiah ang magkabilang pisngi ni Ice at binigyan ng matamis na ngiti.
"Sino bang may sabi na mawawala ako? We will make it, promise."
"How about your parents?"
"Hon, matagal na silang walang karapatan sa mga desisyon ko. Kaya their opinion or comment will not be matter anymore."
"Ok, if that's what you want. Basta don't forget your promise."
"Yes, hon."
Nagdecide silang dalawa na ituloy ang operasyon para kay Amiah para magkaanak sila. Wala pang tawag sa operasyon na ito dahil tanging kay Amiah pa lang gagawin ito. Isa ito sa matagal ng research ni Amiah para magkaroon sila ng anak dahil na rin sa komplikasyon na meron siya sa katawan niya.
Lumipas ang siyam na buwan, naging maayos ang pagbubuntis ni Amiah at walang naging problem ito.
Ngunit...
Dumating ang araw kung kailan manganganak na si Amiah.
"Hon, ilalabas mo na si Aliyah."
"Yes, hon. Lalabas na ang little princess natin. Wait ka lang dito at hintayin mo kami."
"Hihintayin ko kayong dalawa dito. I love you so much, Hon."
"I love you more."
Makalipas ang isang oras, nagulat na lang si Ice dahil sunod-sunod na doctor at nurse ang pumasok sa delivery room ni Amiah na tila may emergency na nangyayari sa loob.
"Miss, anong nangyayari sa loob? May nangyari ba sa asawa ko?"
"Sir, nawalan ng heartbeat po si Mrs. Olivares at ang baby niyo."
At doon halos gumuho ang mundo ni Ice.
"What happened to our daughter?!"
Dumagdag pa na dumating ang magulang ni Amiah. Tutol ang magulang ni Amiah sa relasyon nilang dalawa ni Ice pero dahil mahal na mahal ni Amiah si Ice, nagpakasal siya dito kaya tinakwil siya ng kanyang magulang.
"This is your entire fault! Kung hindi mo pinakasalan ang anak namin, hindi mangyayari ito kay Amiah!"
Wala na rin nasabi si Ice o naisagot sa Mommy ni Amiah dahil na rin sa gulong gulo na rin ang utak niya. Gusto niyang makita ang kanyang mag-ina pero paano?
At dahil na rin mayari ng ospital na iyon ang magulang ni Amiah, pumasok silang dalawa sa delivery room.
Gusto man sumunod ni Ice pero alam niyang hindi papayag ang mga iyon. Pero pinagdadasal niyang may magawa ang magulang ni Amiah para mabuhay ang magina niya lalo na isa sila sa mga magagaling na doctor.
Hindi nagtagal, lumabas na ang doctor ni Amiah.
"Doc, kamusta na po ang mag-ina ko?"
"Your daughter is already out of danger."
"How about my wife?"
"I'm sorry, but your wife didn't make it."
Doon na gumuho ang mundo ni Ice. Pinilit niyang makapasok sa delivery room para makita ang asawa niya pero hindi siya pinayagan ng magulang ni Amiah.
At ang malala pa, itinago ng magulang ni Amiah ang bangkay niya kay Ice at pati na rin ang burol nito. Hindi pumayag ang magulang ni Amiah na makita man lang ni Ice ang asawa niya kahit sa huling sandali.
Tanging libingan na lang ni Amiah ang nakita ni Ice.
"I miss you so much, Hon."
"Na-miss ka na rin ng mga pipirmahan mong mga papeles."
Hindi namalayan ni Ice na nasa harapan na pala niya si Eunice, ang kanyang secretary. Pero bago pa niya naging secretary ito, siya ang naging Manager niya noon artista pa siya. Pero higit sa lahat, si Eunice ang bestfriend ni Amiah.
"May meeting ba ko ngayon?"
"10 am meeting with Mr. Gotiangco and 3:00 pm meeting with Mr. Jerk."
Natawa na lang si Ice sa huling tao na binanggit ni Eunice. Iisang tao lang naman tinatawag niya ng ganyan.
"Ano na naman ginawa sayo ni Cleo at mainit na naman ulo mo?" Si Cleo ang long time boyfriend ni Eunice na kabusiness partner ng kapatid ni Ice.
"Paanong hindi iinit ang ulo ko?! Tinatawagan ko ang cellphone niya para iremind yung meeting niyo pero aba binababaan niya lang ako ng tawag! Sira-ulong kalbo yun! Tapos malalaman ko sa secretary niya, naglalaro lang ng Mobile Legend ang dalawang kumag! Minsan hindi ko maintindihan kung paano kumikita yung company ng kapatid mo at ng kumag na yun!"
"Kumalma ka na diyan. May mas importante kang gagawin ngayon."
"So inuutusan mo ko?"
"Well, oo kasi ako ang Boss mo."
"Boss my ass."
Natawa lalo si Ice dahil sa reaksyon ni Eunice. Hindi naman kasi talaga sila sanay na tratuhin ang isa't isa bilang magboss. Mas boss pa nga tratuhin ni Ice si Eunice lalo na rin sa ugali nito.
"Ok sige. Malulungkot ang Aliyah ko kapag nalaman niyang hindi pumayag ang Ninang niya."
Pero si Aliyah din ang nakakapampalambot sa amazonang si Eunice.
"Ano?! Anong kailangan ng little princess ko"
"She wants a grand birthday party."
"Grand birthday party? Aba, leave it to me. Hindi lang grand birthday party ang gagawin ng Ninang niya. Bobonggahan ko pa ng tondo."
Biglang nagring ang cellphone ni Ice.
Pero hindi pa tapos ang nagsasalita sa linya napasigaw agad si Ice.
"ANO?! SI ALIYAH?!!!"
BINABASA MO ANG
Two Worlds Collide
RomansaCreation Date: 08/22/2018 (Pero un english version nito, naisulat ko na nun 2011 pa) Ice Olivares is a famous actor in the Philippines. Pero dati iyon, noong buhay pa ang asawa niya. Sa ngayon, isa na siyang CEO-President ng Olivares Group of Compan...