CHAPTER 23

450 24 0
                                    

JELYN

"Sigurado ba kayong maiiwan kami rito? gusto rin naming tumulong." Nagaalalang saad ni Theresa. Tinapik ko naman ang balikat niya.

"Mas okay ng may maiwang mapagkakatiwalaan rito." Sagot ko sabay ngiti, ngumiti nalang rin ito bilang pagsangayon.

"Ready na ba kayo? Lahat na ba ng kailangan ay nakahanda na?" Tanong ni Mitch. Lahat naman dito ay abala sa pagaasikaso para sa pagsugod namin.

Malapit ng dumilim, nagpasya kaming sila Owen ,Rozen ,Theresa at Marylyn ang nga maiiwan rito sa bahay, habang ang ibang natira ay sasama sa amin.

"Sigurado kabang sasama ka sa amin Shilae?" Tanong ni Mikylla. Abala naman sa pagaayos si Shilae. Hindi dapat sila sasama ni Vhiel dahil hindi naman sila nakalabas kahit kailan o nakalaban.

"Sigurado na ako." seryosong saad nito. Nagkatinginan naman kami ni Mikylla at sumenyas ako na hayaan nalang sa gusto nito.

"Pumasok na kayo aalis na tayo." Ani Mitch. isa isa naman silang nagsipasok sa loob ng Sports Z bus. Twenty plus kami sa loob at kasiya naman kami kahit papano, si Mitch ang magdadrive habang si Kyro naman ang magle-lead papunta sa tinutukoy na lugar ni Cooper.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa gagawin namin na ito, pero mas nangingibabaw pa rin ang pagaalala ko sa kalagayan ng mga lalaking naiwan at kasalukuyang bihag ngayon. Habang na sa daan ay nagdadasal ako na sana makuha namin sila ng ligtas.

-

"Ito na 'yun." Saad ni Kyro napalingon naman kami sa nasa gilid namin.

Isang madilim at malaking tunnel iyon, kita mula rito ang dilim ng daan. sigurado akong panibagong daan ulit ang nasa kabila ng tunnel na ito kagaya ng kwento ni Cooper.

"Kailangan may maiwan dito. Mahahati muna tayo. ang iba ay maglo-look out dito, ang iba naman ay sasama sa amin sa loob." Saad ni Mitch at nilingon kami mula rito sa likod.

"Maiiwan nalang kami rito, like duh! gusto niyo bang mag suicide? kagaya nga ng sinabi niyo, baka malakas ang mga bumihag sa kanila paano kayo lalaban doon" mataray na saad ni Maegan bago pinagkrus ang mga hita.  Napailing nalang ako, hindi na talaga magbabago ang mga ito.

"Sasama kayo sa amin sa loob dahil diyan. Tayo na!" Mautoridad na saad ni Mitch. Inis na napatingin naman sa amin sila Maegan.

"What?! hoy hindi niyo kami pwedeng utusan rito!" Sigaw nito. napapikit naman ako sa inis dahil baka maagaw namin ang atensiyon ng mga zombie sa paligid. Mahirap na.

"Ano ba? panay kayo reklamo ah? kung ayaw niyong tumulong, hala sige! bukas ang pinto ng bus para bumaba na kayo at maghanap ng matutuluyan niyo!" inis na saad ko. wala naman na silang nasabi dahil no choice sila. Padabog silang nagsibabang apat.

"Maiistress ang anit ko sa apat na 'yan." Saad ni Lexa bago inayos ang mga gamit nadadalhin namin.

Maglalakad kami papasok sa loob ng tunnel habang ang bus naman ay rito lang sa bukanan. Ang natira lang sa loob ay sila Mikylla, kristal, Sheryn, Angel, Vella, Vhiel at ang kalahati sa mga lalaking  kasama namin.

"Wait." saad ni Lexa bago Isinukbit sa balikat niya ang Mahabang baril niya. Inilabas niya ang Night Vision Binocular at chineck ang loob ng tunnel.

"Malinis." Bigkas niya bago sumenyas na pumasok na kami.

Agad nilang sinindihan ang flashlight at maingat na naglakad. Napatakip naman ako sa ilong dahil masang-sang ang amoy rito sa dinaraanan namin.

Panay ang reklamo ng apat sa likod habang naglalakad kami. "Mitch, tama bang sinama natin iyang apat na 'yan? mamaya maginarte lang iyan maging pabigat pa sila sa atin." Bulong ni Rhykzel pero rinig namin.

Sports Z: The Last Survivors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon