SZTLS: FINAL ENDING

707 27 14
                                    

MITCH

Malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong sa akin pagkalabas ko palang ng bahay.

Napahawak sa makapal na jacket na suot ko. December 24 na at talaga naman nagkakapalan ang puting-puti na snow sa paligid.

"Yes? napatawag ka?" sagot ko sa tawag ni Denji.

"Malapit na ako sa bahay niyo, hintayin mo ako." saad niya sa kabilang linya.

"Ha? e paalis na ako Denji. Ano bang gagawin mo rito?" Takang tanong ko.

"Sasama ako sayo mamili." malalim ang  boses na sagot niya, napakunot naman ang noo ko.

"Kaya ko naman magisa, anong akala mo sa akin baldado?" sagot ko narinig ko naman na bahagya itong natawa sa sinabi ko.

"Mamimili rin ako, kaya sasabay na ako sayo." mahinahong sagot niya.

Sasagot pa sana ako ng may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay namin. Bumaba ang glass window nito at sumenyas si Denji na pumasok na ako.

Nagkibit balikat lang ako bago binalik sa bulsa ang susi ng sasakyan bago pumasok sa sasakyan niya.

"Palagi kang nangbibigla 'no?" taas ang kilay na saad ko pagpasok ng sasakyan.

"What?" maang-maangan pa nito habang nakangisi. Inirapan ko lang siya bago kami nagtungo papuntang mall.

-

Naglibot kami sa mga store rito para sa  ipangre-regalo namin ngayong pasko. Last minute na kami makakabili dahil sobrang busy talaga sa school.

Inuna ko muna ang mga regalo ko para sa mga loka-loka kong kaibigan.

"E this one, what do you think? ayos na ba ito?" tanong ko kay Denji dahil ang pinamimili ko ay para sa mga boys.

"Yeah, sigurado naman na kahit anong ibigay mo tatanggapin nila." sagot niya tumango-tango naman ako at inilagay ang pinamili sa shopping basket. Napalingon ako sakanya ulit.

"E ikaw? ano pinamili mo para sakanila?" tanong ko. Ngumisi naman siya.

"Wag mo ng tanungin." aniya napakunot naman ang noo ko bago sinilip ang nasa basket niya. Napapantastikuhan na napatingin ako sakanya ulit.

"Really? a boxer?" hindi makapaniwalang tanong ko. Natawa naman ito sa reaksyon ko.

"What? I don't know what the best gift for them, so ito nalang at least magagamit nila everyday." nakangising sagot niya. Minsan hindi ko malaman ano pinagiisip nitong si Denji.

"Ewan ko sayo Denji." ani ko natawa lang siya bago kami maglibot pa.

"How about me? anong regalo mo sa akin?" Bigla niyang tanong. Nilingon ko ito at mukhang hinihintay ang sagot ko.

Napaiwas ako ng tingin sa naalalang ireregalo ko sakanya. Tsk.

"Wala." Sagot ko na ikinabusangot niya.

"What? bakit wala?" Parang bata ito na hindi mabilhan ng gusto, natawa nalang ako sakanya. Bahala ka nga diyan.

Nagpunta  na kami sa counter at nagbayad. Pagkatapos ay kumain muna kami sa restaurant dito dahil maaga pa naman  noong umalis kami sa bahay.

JELYN

Nagaasikaso na kami dahil mamayang tanghali ay magsasara na ang shop namin. Half day lang ngayon ang shop dahil Christmas.

Pati ang mga natirang orders ay inasikaso na namin para wala ng gagawin mamaya at makauwi na sa kanya-kanyang bahay.

Christmas na christmas na talaga rito sa shop namin dahil sa mga design ng gamit at lalo na sa foods.

Sports Z: The Last Survivors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon