SZTLS: BONUS CHAPTER

297 9 2
                                    


Hi! This is the bonus chapter! Enjoy muah!^w^

CHARVI

"Bye Captain Serrano!" Paalam sa akin ng mga attendant. Ngumiti lang ako at nagpaalam din.

Holding my small luggage I walked out of the runway area. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko ng magvibrate iyon.

I smiled when I saw Lexa's name on my phone, agad kong sinagot ang tawag.

"Love? I'm on my way there, wait for me." I said while walking to where she was.

"Nagugutom na ako," sagot niya na ikinangiti ko. Oh, this big hungry baby.

"Sorry, papunta na," nakangiting sagot ko. After the call I immediately went to the waiting area.

Inilibot ko ang paningin at hinanap kung nasaan siya. I smiled when I saw the familiar brown hair girl, I immediately walked towards her direction. I stopped behind where she was sitting, hindi niya siguro napansin dahil busy ito sa headphones niya sa ulo.

I'm too tall so I bent down a bit, I slowly held her waist so she could feel my presence behind her. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagkagulat bago mabilis na lumingon sa likod niya.

"Ang tagal mo." Bungad niya habang nakabusangot bago humalukipkip sa harap ko.

"I'm sorry, natagalan. Kanina ka pa dito?"  Malambing kong tanong before planting a soft kiss on her forehead.

"Oo kaya. Muntik na akong amagin dito!" Singhal niya. Natawa naman ako sa napaka-OA niyang pagsabi.

Look at this, she insisted on waiting for me here at the airport even though I told her that I would go to her office after I landed here. Ngayon ay binubusangutan na ako dahil nagiintay siya ng matagal.

"Tanghaling-tanghali nakabusangot ka diyan, sige ka baka pumangit ka na." Saad ko na ikinataas ng kilay niya, ang taray talaga oh.

"Edi pumangit, pakialam ko naman!" She said, I just grinned. Lumalabas nanaman ang dragon kapag gutom 'to e.

"Let's go, we will eat to your favorite restaurant. After that let's head over to Jelyn's Cafe for your dessert, okay?" Saad ko, agad naman nagningning ang mata nito ng magbanggit ako ng pagkain. Masiba talaga.

"Seryoso? Tara na kung gano'n!" She replied with a smile before taking her bag. I turned around in the chair and held her hand before we left the airport.

Pagkarating namin sa restaurant ay umorder agad kami, I just let her pick what she wants. Tinitigan ko ito habang namimili sa menu.

God, I really can't believe I'm dating her for almost seven months. My best friend, since we're kids. I think I deserve this after the hardships I--we went through in the middle of the zombie apocalypse.

"Bakit?" Tanong niya, napansin ang matagal na pagtitig ko sakanya. Umiling lang ako.

"Ang ganda mo lang ngayon, bagay sayo ang wavy hair." Sagot ko bago tinupi ang long sleeves hanggang siko.

"Nainlove ka nanaman sa kagandahan ko, sabagay ako na 'to e." Aniya bago hinila ang braso ko at siya na ang nagtupi. I just grinned and watched her do it, sweet naman ng baby ko. hay fuck!

Pagkatapos iserve ang pagkain ay agad namin 'yong tinapos. Dumiretsyo agad kami kila Jelyn gamit ang sasakyan ko.

"Hi!" Masiglang bati ni Lexa kay Zyron na kasalukuyang nasa counter. Ngumiti naman ito sa amin bago ko binati.

"Kagagaling mo lang sa flight?" Tanong nito sa akin. I just nodded as an answer.

"Isang cappuccino and Iced Americano," order agad nitong katabi kong masiba, hindi pa ata natutunawan ito kakain ulit. "Paadd nalang ng dalawang cheesecake at isang blue berry pie, thanks Zyron!" Daldal niya pa. Agad naman nakuha nito ang order niya.

Sports Z: The Last Survivors (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon