Kabanata 2 - Bawal

125 11 5
                                    

HINDI maintindtihan ni Serafin kung bakit ayaw ng kuya niya mapalapit siya kay Brylle. Crush lang naman niya ang lalaki at sobrang cool pa ng lalaki dahil may kapanyarihan ito. Pero ang sabi sa kaniya ni Khrystell, huwag niyang ipasabi sa kahit kanino kundi malalagay sa peligro ang buhay ni Althdolfer at Brylle.

Kaya tulad ngayon, imbes na layuan ang binata hindi niya iyon ginawa. Pakialam niya sa kaniyang kuya? Napangisi siya sa bahaging iyon. Tahimik siyang nakasunod kay Brylle na naglalakad patungo sa likod ng 4th year building. Hindi siya sumama sa graduation practice nila. Wala naman siyang katungkulan kaya okay lang na tumakas siya. Iniwan niya si Khrystell at Althdolfer.

"Serafin."

"Ha?" Napahinto siya. Nasa likod niya na ang binatang kanina lang ay nasa unahan.

"Sinusundan mo na naman ako."

Namula siya at pilit na ngumiti. "Tinamad ako mag-practice."

Tumango naman ito at nilahad nito ang kamay sa harapan niya. "Sama ka?"

Kumislap ang kaniyang mata at para hindi kiligin nang tuluyan, tinanggap niya ang kamay ng binata at sabay silang naglakad. Ang kaninang kakahuyan na likuran ng building, naging isang magandang lugar na naman ito. Nalaman niyang dinala siya nito sa isang lugar na paborito nitong tambayan na hindi alam ng kaibigan nitong si Althdolfer.

"Alam mo tama ang sabi ng kuya mo laban sa'kin, Sera."

Parang nakagat niya ang labi nang muling magsalita ang binata. Kapag sila ang magkasama, seryuso ito lagi at pormal. Nalilito siya tuloy kung magiging malandi mode ba siya 'pag kasama ito o anghel mode.

"Huwag nga si kuya ang pag-usapan natin. Paki niya ba na crush kita—ay shit!" mabilis niyang tinakpan ang bibig. "Huwag mo ng pansinin ang huling sinabi ko. Tayo na nga! Dami mo tanong." Siya na mismo ang naghila sa kamay ng binata at huminto sila sa isang magandang tanawin sa unahan.

"Sa ginagawa mo, napapahamak ka. Matuto kang makinig sa sinabi ng mga nakakatanda."

Inismiran niya lang ang lalaki nang sulyapan niya ito. Ang KJ nito ngayon. "Eh matanda na rin ako saka gusto ko sumama sa'yo! Nagiging magical ang lahat ng paligid sa tuwing kasama kita." Saka niya sinundan niya ng hagikhik iyon.

Naiiling na lamang ito sa kaniya at sinamahan siya nitong maglibot. Para itong bodyguard niya ngayon na sinusundan siya kung saan niya gusto magpunta. Naging alalay niya ito at dahil sa kagustuhan niyang malaman kung anong pagkatao nito kaya naglakas na siya ng loob na magtanong.

"Ano ka ba talaga? Bampira? Engkanto? Myembro ng Avatar?" saglit siyang huminto sa naisip na Avatar at biglang natawa. Malabo ang naisip niya. Posible pa ang engkanto. "Sabihin mo sa'kin!"

"Isa akong Nephillim."

"Nephillim? Iyan din 'yong sinabi ni Khrystell sa'kin, eh. Pero hindi ko pa rin gets. Pinagloloko mo yata ako, eh. Meron bang gano'n? Sure kang hindi ka engkanto?"

Natawa ito sa kaniyang tanong at hindi siya pinansin. Nauna itong humakbang at mabibilis pa ng ang mga hakbang nito kaya napilitan siyang tumakbo para masabayan ang lalaki.

"Ang salbahe mo talaga! Hiningal tuloy ako,' ismid niya rito.

"Akala ko ba gusto mong malaman kung anong klaseng nilalang ako?"

"Oo."

'Halika."

Nang hawakan nito ang kaniyang kamay, ibang kapaligiran ang kaniyang nakita ulit at wala na sila sa magandang paraiso na kaniyang nakikita. Nasa lugar sila kung saan mula sa malayo, isang city na gawa sa glass at nagkikinang na mga bato. Naalala niya na, dinala siya ng binata rito dati.

Guardian Series 2: SERAFIN (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon