Chapter 7

1K 44 7
                                    

Time passed by, sa pananatili ko sa lugar na ito ay unti-unti na akong nawawalan ng pagasa na makabalik sa dati kong buhay or mundo. Ni hindi pa nga klaro kung paano ako napunta dito. Siguro totoo nga ang parallel universe, tapos isang akong espesyal na nilalang kaya nagawa kong tumawid dito- charrr! Pero kung ano man ang katotohanan, aba di ko na proproblemahin yun. Alangan naman sa buong storya yun lang proproblemahin ko diba?

Hindi ba pweding problemahin ko naman na kung dito na talaga ako forever ay isipin ko naman na may chance na madededo ako ng maaga? As in madededs na walang jowa o kafling man lang at hindi puro crush sa kupal na tanders na hot- este yummy- este... basta prof. Kilala niyo na yun!

So, yun nga, I don't know what to do anymore. Paano ko nga ba mapipigilan ang isang storya na memoryado ko ang bawat sulok?

Uunahin ko bang baguhin ang simula? Pero pano yun, nakalimutan kong magulo na pala takbo ng istorya... lalo na sa parte ni Mr. Zamora at Blaire.

Paano na? Oh! What if try ko paring pigilan ang pangyayari sa ibang mga parte na storya? Katulad nalang nung pagpapass ng research paper, kung di naman nareject yung research paper namin ay walang dahilan para mas humanga si Mr. Zamora kay Blaire, diba? Need ko lang naman na mapaglayo sila- ng lowkey. Lowkey talaga at hindi yung parang kontrabida talaga na kailangang ipahamak yung bida. Play safe din tayo noh.

Basta mabait na tayo. Hindi tayo kontrabida. Like duh, ang unfair naman kung hindi ko itugma yung mukang toh (na magandaaa) sa ugali ko diba? Ryt?

At dahil doon ay hinanap ko agad si Blaire sa buong school. Pero di ko alam kung saan siya nagsusuot at di ko siya mahanap talaga. Pero okay lang dahil pwede ko naman siyang tawagan sa cellphone. Like duhhh, sana naisip ko yun sa una palang.

Agad ko namang tinawagan si Blaire. Thankfully she picked up.

"Hey Blaire. I know-"

I heard a moaning sound on the other line.

May pusa?

"Yes?" she said, almost breathless.

"So, I was saying. I know it's too late, but I'd like to help in finishing the paper?" I said awkwardly.

I know by this time ay patapos na yung ibang parts ng research paper- and that paper is doomed to fail. Tapos isasalba ni Blaire yun ng last minute and doon mamamangha si Mr. Hell kay Blaire- and I should just prevent that right? Easy.

"But... umhhh... you don't have to," she said on the other line.

Tired from walking around the campus, dinala ako ng mga paa ko sa likod ng building namin para pumunta sa tambayan ko.

"OMG, Blaire you're are so kind talaga! But I insist. We're friends, right? I sooo much wanted to help. Pleaseee, let me help." I don't wanna die. "So, tell me-"

"Stop!" rinig kong inis niyang sabi.

"What?" gulat kong sabi.

"Tsk."

Nani? Napatingin naman ako sa cellphone ko.

Si Blaire ba talaga yung narinig ko? Did she just snapped on me? Excuse me?!

Binalik ko naman ang cellphone sa tenga ko. Baka mali lang ang pagkakarinig ko. "Hello?"

"Sorry about that. I mean- you don't have to. I've taken care of it," tahimik niyang sabi.

Nagtaka naman ako. What does she mean? Masyado ba akong tamad or bobo sa tingin niya para isipin niyang di kailangan ang tulong ko? I mean, di naman ako brainy, pero I can pay for someone to do the paper.

I'm The VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon