Chapter 28

550 21 8
                                    

Sa taon na lumipas, ngayon ko lang narealize kung gaano ako ka naive para magsulat ng istorya about BDSM. I do remember writing a bed scene sa istoryang ito pero... I left it in the reader's imagination kasi I didn't continue my research for bdsm after watching p*rn for the first time. And yes, I did watch porn once- accidentally?! Kasi... ano... yung mga kaklase kong lalaki nung highschool nagkumpulan tapos nung sinilip ko kung anong ginagawa nila- yorn! Nanonood pala ng BDSM play.

Like Oh my ghad! Nadivirginize mata ko mare! Pero ewan ko, nagsulat nalang ako ng ganung istorya kasi nauso- anyway, basta pinagsisisihan ko na.

Natrauma ako sa nakita- I mean sa narinig ko kay Mr. Zamora at Blaire nung sinundan ko sila sa condo. Kasi naman! Why would they talk about me as they do those stuff? Do they always do that o nagkataon lang? Kaloka, my virgin heart can't take it talaga! Huhuhu.

So, ayorn yung pagkuha ko ng ebidensiya puro pics nalang ng laplapan nila sa likod ng building. Dami nga nilang pics sa galery ko eh, kasi halos araw-arawin na nila pagkikita doon ngayon.

At kung tatanungin niyo ako kung nakausap ko na ba si Blaire... syempre hindi pa. Kaistress eh. Pero dahil special day ngayon ay itataon kong ngayon siya kausapin.

"I'll leave early para makapag prepare pa kayo para sa defense niyo next week. Refrain from going outside of the room and wait for our time to end bago kayo lumabas," sabi ni Mr. Zamora.

"Happy birthday po, sir!"

"Thank po, sir. Happy birthday."

"Good bye, sir. Happy birthday! Sana masarap ulam niyo."

"Yes, free time. Back to sleep."

Bati ng mga kaklase ko. Ngumiti naman si Mr. Zamora at nagpasalamat. Humarap naman siya kay Blaire. "Ms. David, sunod ka sa office, may papakuha lang ako," sabi ni Mr. Zamora.

Hindi naman yun pinansin ng kaklase namin pero nakita kong napataas kilay ni Jenna at Denice.

"Sir, ako nalang kukuha. May dadaanan din po ako sa faculty mamaya-" sabi nung president namin.

"Ako nalang. Mabilis lang naman yun," pagpuputol ni Blaire sa sinasabi ng president namin. Nginitian naman ni Blaire yung lalaki naming president. Oh, ayan nanaman ang rose petals na hindi mo alam kung saan galing. Forda saboy everywhere sa isang ngiti lang ni Blaire. "Kung gusto mo sakin mo nalang din pagawa nung dadaanan mo sa faculty, para mabawasan naman yung ginagawa mo."

Napakamot naman sa batok ang president namin na parang nahihiya. "Ang bait mo talaga, Blaire."

Napataas naman ang kilay ko ng makita ang pagkabusangot ng muka ni Mr. Zamora.

"Sige, kayo nang bahalang magusap. Alis na ako," masungit na sabi ni Mr. Zamora at nagwalkout bigla.

"Nagmamadali ata si sir, may date ata," pabirong sabi ng president namin habang tinitignan ang pagsara ng pintong nilabasan ni Mr. Zamora. Humarap naman siya ulit kay Blaire at ngumiti ng pagkalaki-laki. "Ako nalang ang pupunta Blaire, nakakahiya kasi-"

"Kami nalang ni Blaire ang pupunta," sabi ko at tumayo na para lapitan si Blaire.

Napasimangot naman ang president namin. "Pero-"

Nginitian ko naman siya ng pagkatamis-tamis. "Pero?"

Namutla naman siya at humakbang palayo. "Ay, hindi wala. Marami pa pala akong gagawin kaya salamat. Paiwan nalang nito sa unang table ng faculty," sabi niya at inabot ang envelope na brown.

Kinuha naman yun ni Blaire at niyaya ko na siyang lumabas. Pumunta naman kami agad ng elevator dahil fourth floor room namin.

"Hmmm... sure ka bang sasama ka?" nahihiyang sabi ni Blaire.

I'm The VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon