Chapter 47

500 14 0
                                    

Napansin siguro nang pulis ang inis ko kaya wala siyang nagawa.

Napabuga siya ng hangin kinuha ang ipad sa akin. Magrereklamo sana ako pero sinenyasan niya akong maghintay. Kaya naman nagabang nalang ako sa gagawin niya.

Hinarap niya muli sakin ang video at pinlay iyon sa bandang kalagitnaan nito. "Panoorin mo. Sana ay matahimik ka na," sabi ng pulis.

Kinunutan ko naman siya ng noo dahil ayaw ko ang itinuring niya sakin. Pero kesa magreklamo ay pinagpatuloy ko nalang ang panonood.

"Tell me kung para saan ang gamot na ginamit mo sa biktima at saan mo ito nakuha?" tanong ng tiga-NBI.

"Nakuha ko sa isang drug dealer na nageexport galing ibang bansa. Bagong gamot lang ito at doon lang yung makukuha. It's a recreational drugs that increases lucid dreaming-"

Kumunot naman ang noo ng nagiinteroga. "Ano yun? Lucid dreaming? Pwedeng pakipaliwanag?"

Tumikhim naman si Nicolo. "Nakakatulong ang gamot na yun para magkaroon ng panaginip na parang totoo ang uminom nito. At sa panaginip ay kontrolado ng tao ang mundong gawa ng imahinasyon niya para magawa lahat ng gusto niya." Nagpause naman si Nicolo para masiguradong naiintindihan nito ang paliwanag niya.

Muka naman gets ng kausap niya base sa pagtango-tango nito kaya nagpatuloy siya. "Meron din itong potent sedating effect na kayang pahabain ang tulog ng isang tao para mas umepekto ang gamot," dagdag pa nito.

"And it's addicting, tama ba? And addiction could lead to death kapag ginamit sa mahabang panahon?" sabi ng inspector habang binabasa ang papel sa harap niya.

Alangan namang tumango si Nicolo.

Napangisi ang nagiinteroga sa kanya at sumandal sa upuan na parang may interesting siyang narealize.

"Planadong planado mo ang lahat," siguradong sabi ng inspector. "You sell marijuana to purchase this drug and the necessities na kailangan ng biktima to stay alive while sedated, katulad ng IVF, hospital bed at kung ano-ano pa."

Bigla naman nagsulubong ang kilay nito. "Pero ginigiit mo na hindi mo nirape or sinaktan ang biktima? In fact ay pinigilan mo ito sa suicide attempt nito at inalagaan mo siya. Ginamit mo din ang napag-aralan mo sa nursing school para hindi siya maoverdose sa gamot."

Sumulyap naman ito sa papel na hawak bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nagawa mo ding paunti-unting bawasan ang gamot na binibigay mo bago iyon matigil ng sumureder ka... para maiwasan ang withdrawal symptom ng biktima ayon sa salaysay ng doktor. Hindi ko ito naiintindihan pero kahit siguro intindihin ko- ay hindi ko maiintindihan kung bakit mo ginawa ang krimen na ito."

Tahimik lang si Nicolo sa sermon na ginawa ng pulis. Nakayuko lang ito kaya hindi ko maaninag ang muka nito.

Anong tinatago mo Nicolo?

"Yung totoo, bakit mo iyon nagawa? Ano ang motibo mo?" tanong ng tiga-NBI.

Hindi parin kumibo si Nicolo. Napahigpit naman ang hawak ko sa Ipad dahil doon.

Tumikhim naman ang inspector. "I know you surrendered on your own accord Mr. Coronel pero kailangan namin ng pormal na pahayag mo sa nangyari lalo na't special case ka. Kidnapping, drug trafficking, and use of illegal drug to your victim is not a simple case na kaya mong takasan. Life imprisonment ang aabutin mo."

"Hindi ko tatakasan ang kaso ko. I surrendered to pay for it," tahimik na sabi ni Nicolo.

Napasandal naman and inspector. "I know. Pero kailangan muna namin malaman kung anong motibo mo sa krimen? Bakit mo nagawa ang krimen... or ang pagdukot sa biktima na ang lumalabas na rason kung bakit nagawa mo pa ang iba mo pang kaso. Sabihin mo na ng matapos na tayo dito," may pagsindak na sabi ng nagiinteroga, marahil ay nauubusan na ito ng pasensya.

I'm The VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon