CHAPTER 3 NEW HOME

2 2 0
                                    

Chapter 3 New Home

Naglakad ako papunta sa hideout namin para doon na muna magpalipas ng araw. Kasi parang lahat ng problema ng mga tao ako ang nagdala sobrang sakit ng naranasan ko. Sana matagal ko nalang sinabihan si ate non para mas maaga kung nalaman ang totoo.

Mga ilang minuto narating ko na yung hideout. May nagbabantay sa gate dahil inutusan ko silang magbantay baka may aatake nalang bigla saamin. Agad kung sinuot yung mask ko para di nila makilala ang pagkatao ko. Ilan lang kasi ang nakakaalam ng pagkatao ko dito yung mga una kong kasamahan lang .Pagkarating ko ng gate agad nila akong sinalubong para tulongan sa mga dala kung gamit.

"Magandang araw po Yunah"
Bait ni Tiger yan yung code name nya. Tumango nalang ako nalang pagbati sa kanya. Pumunta agad ako sa kwarto ko kasi pagod na pagod naako sa lahat ng pangyayari ngayong araw nato.

Pagkapasok ko sa kwarto humiga na agad ako para makapag pahinga. Di ko na malayan na nakatulog na pala ako. Mga anim na oras di akong nakatulog pagising ko gabi na pala kaya bumango na ako. Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko yung mga tauhan ko na kumakain kaya umupo na rin ako. Nagutom ata ako sa kakaiyak kaya marami yung nakain ko. Pagkatapos naming kumain pinapapunta ko sila sa red field dahil may sasabihin ako sa kanila.

Red field jan Kami nagpractice na makipaglaban o kaya naghahanda sa mga gamit namin

Nag-antay muna ako sa kanilang lahat para masabi ko na yung sasabihin ko. Ng nakarating na silang lahat di na ako nagpapaligoy. "May magaganap na laban bukas ng gabi" pagbalita ko sa kanila at mukhang nasiyahan sila sa binalita ko ang laki ng ngiti nilang lahat.

"Yunah sino yung makakalaban narin?" Tanong ni Mikee

"Yung Hot gang" walang ganang sagot ko. Ehh kasi naman yung pangalang ng gang nila napakajeje
Hot daw sila yakss mukha ng silang unggoy.

"Wow Yunah hot pala yung kakalaban natin" natatawang sabi ni Bingo

"Ehh sa gusto nilang hot yung pangalan nila kasi di naman sila hot kaya sa pangalan nalang nilaginamit hahahahaha"singit ni Rinol na halos malupasay na sa kakatawa

"Anong oras ba yan bossing Yunah?"tanong naman ni Ariel

"8pm" maikling sagot ko

"Okay" sagot nilang lahat

"Yun lang dismiss" agad na man silang umalis pero nagpaiwan si Vince "Oh bat nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya

"Yunah bat mo dala yung mga gamit mo?nag alalang tanong nya

"Pinalayas na nila ako kasi di naman talaga nila ako anak ehh" naiiyak na sabi ko sa kanya

"Anong di kanila anak? Ampon ka kalang nila kaya sila ganon sayo? Kinakabahang tanong nya

"Oo Vince huhuhuh"

"Shhh wag kanang umiyak nandito lang naman ako ehh" si Vince lang yung nakakaalam ng totoo kung pagkatao dahil kami naman talaga yung nagbuo ng grupo nato.

"Vince ang sakit akala ko kaya lang sila ganon saakin dahil parati kong sinasagot si ate pero di pala yun yung dahilan" niyakap nalang ako bigla ni Vince para eh comfort ako

"Shhh tahana kalimutan mo nalang sila wag kang mag alala hahanapin natin yung mga magulang mo ok"

"Talaga Vince hahanapin natin sila?" parang batang kong sabi sa kanyan tapos nagpout

"Oo kaya wag kanang magpout jan baka mahalikan pa kita" diko na naintindihan yung last na sinabi niya

"Yehey thank you Vince" masayang sabi ko sa kanya sabay higpit ko sa yakap namin

"Alam mo Selena para ka talaga ng bata" natatawang sabi nya

"Ehh sa Bata pa naman talaga ako ha 20 kalang ako samantalang 23 kana hahaha"

"Mas Bata pa akong tingnan kaysa sayo"

"Ehh sabi nga nila para pa akong 16 tapos ikaw 26"

"Sinong may sabi nyan?"

"Secret bleehh" sabay takbo pa Punta sa kwarto ko kasi alam kong sobrang inis nya na hahaha

Time check 8:42 pm na pala kaya naliligo muna ako dahil mamayang 9 may pupuntahan ako. Pagkatapos kung naligo nagbihis agad ako ng black na croptop,black na jeans,black na sapatos. Nagsuot narin ako ng black cap at yung pinakaimportante yung mask. Umalis agad ako sa hide out namin at syempre di ako nagpakita sa kanila dumaan ako sa bintana ng kwarto ko para di halata na umalis ako. Pagkalabas ko sa bintana dumaan ako sa sikretong lagusan na ako lang yung may alam. Pumunta agad ako sa dapat kong puntahan duhh san pa ba?

Nakita ko na agad yung taong hinahanap ko si Lucky Reyes yung top 6 sa mafia

"Wassup Lucky me" nagulat ata sya sa pagsulpot ko sa harapan nya

" Yunah" gulat nyang sabi at may halo pang kaba tss akala ko ba matapang mukhang bakla ata to eh.




















The Savage Woman Where stories live. Discover now