CHAPTER 10 THAT GUY

1 1 0
                                    

CHAPTER 10 THAT GUY

Maaga akong gumising para makapunta na ako sa magiging apartment ko. Ginawa ko muna yung morning routine ko, yung pagligo,pagtoothbrush at pagbihis. Pagkatapos non ay bumaba na ako sa dining room para makakain na ako,syempre ayokong magpalipas ng gutom baka mabaliw pa ako nya hahaha char. Nakita ko naman sina Ariel at Andro na nagkakape kaya naman sumabay na rin ako sa kanila para naman mas ganahan akong kumain,diba mas masaya kumain kapag may kasama ka kaysa ikaw lang isa dimo kasi mafefeel yung sarap ng pagkain.

"Good morning Yunah" bati nila saakin

"Morning" natigilan naman sila sa paghigop ng kape nila na para bang may narinig silang nakakamangha.

"Shit pre,ako lang ba yung nakarinig non o pati ikaw" bulong ni Ariel kay Andro, tss nagbubulongan pa sila kung naririnig ko rin naman sila.

"Narinig mo rin pre shit parang gugunaw na yung mundo" bulong pabalik ni Andro na ang mata ay nakatingin saakin na para bang mamamangha sya tss.

"Tapos na ba kayong magbulongan na naririnig ko naman" singit ko sa kanila napa kamot nalang sila ng batok nila dahil sa sinabi ko.

"Ahhh hehehehe totoo ba yung narinig namin kanina?" tanong ni Andro

"Tss narinig nyo na nga tapos magtatanong pa kayo, ano kayo sira?" Nabibwesit na sabi ko

"Umay totoo nga, lord patawarin nyo na po kamong lahat sa mga kasalanan namin wag nyo pa pp sanang gunawin yung mundo diko pa po nahanap yung babaeng pakakasalan ko"pagdadasal ni Ariel. Ano ba yan nakakainis na silang dalawa ahh na mumuro sila at malapit na rin silang mabingo sa akin.

"Titigil ba kayo o gusto ninyong mamatay" banta ko sa dalawang ogag kaya ayon parang tutang umamo na tss nanakakabanas talaga kapag kasama ko tong dalawang to. Tumigil na rin sila hanggang na tapos ako sa pag aalmusal. Pagkaakyat ko papunta sa Office/kwarto ko ay nakasalubong ko si kuya Egieboy.

"Maaga ka ata ngayon Yunah?"tanong nya saakin at mayroong nakakatakang ekspresyon akong nakita sa mga mata nya. Alam kasi nila kapag pinalayas ako ng bahay ay nandito ako sa hide out matutulog at matagal akong gumising kung isang araw akong pinalayas saamin maliban nalang kung gabi  lang ako pinalayas maaga talaga akong nagigising. Tss naiisip ko na naman yung ginawa ng mga tinuturing kong pamilya saakin, yung pangmamaltrato nila saakin.

"Kasi kuya nakahanap na po kasi ako ng apartment don muna ako para naman po makahinga ako ng maluwag kasi naman po nahihirapan na ako sa facemask na'to" paliwanag ko sa kanya at napatango nalang sya sa sinabi ko.

"Mag ingat ka nalang don"paalala nya saakin tss para naman ang hinahina ko dapata sila yung mag ingat sa akin hindi ako.

"Kuya sila dapat yung mag ingat saakin hindi ako"sabay irap sa kanya napakamot naman siya ng ulo nya dahil sa pangbabara ko sa kanya

"May tama ka don ah" tss tamaan ko na kayo to hahaha joke

"Ganyan po talaga kapag matalino ka"mahangin kong sabi napatawa naman sya don bago nagpaalam na baba na daw sya para makakape na daw sya.

Nandito na ako sa kwarto at nagbihis na ng panglakad. Pagkatapos non ay lumabas na ako ng hide out para makasakay na ako ng tricycle pa punta sa sakayan ng jeep. Nandito na ako sa jeep at sa kamalasan naman oh na flat pa yung dibdib mo ay este yung gulong pala hehehe peace. Naghinatay pa kami ng ilang minuto para maayos yun at sa wakas na tapos rin pakainit pa naman ngayon kahit 9:45 am palang. Pinunasan ko na yung makapawis ko kasi naman kung makatulo wagas. Nandito na ako sa tapat ng magiging apartment ko, ang malas ko talagang ngayong araw akalain nyo ba naman naka sabay ko ring dumating yung lalaking nakaitim na cup noong una kong punta dito. Nakita ko namang lumabas si aling mataba tss ang taba taba nya talaga tapos yung kilay nya parang ginuhitan ng uling sa sobrang kapal at itim.

"Oh nandito na pala kayong dalawa tamang tama kasi kakatapos ko lang linisan yung magiging kwarto ninyo" tss ang sarap niyang barahin pano ba naman obvious namang nandito na kami tapos sasabihin pa Haysst ang buhay parang life talaga.

"Halina kayo para makapagpahinga na kayo" mabuti at naisip nya yun akala ko pa naman wala syang isip hehehe wag nyong ipagkalat yung sinabi ko ah kung gusto nyo pang mabuhay.

Naglalakad na kami papunta sa magiging kwarto namin at tama nga yung sinabi ni aling mataba na magkatabi yung kwarto namin ni mister black cup oh diba english na yun atleast sosyal na yung tawag ko sa kanya.

Papasok na dapat ako ng kwarto ko pero may biglang humawak sa braso ko at napakunot noo ako sa taong may hawak noon ano na naman yung problema ng ogag nato

"Bakit mo ako hinawakan?" Taas kilay na tanong ko

"May tagos ka" sabay bitaw ng braso ko at pumasok ng kwarto nya. Napatingin ako sa pantalon ko at may tagos nga shit nakakahiya at bakit ngayon lang nya sinabi shit that guy his getting into my nerve ahhh. Madali akong pumasok sa kwarto ko para wala ng makakita na may tagos ako shit nakakahiya talaga. Naghanap naman ako ng pwedeng pamalit at nakita ko yung isang short shorts na itim kaya yun yung kinuha ko,kumuha na rin ako ng napkin para di na ako tagusan pa. Pumasok ako sa banyo yes may banyo dito sa loob ng kwarto ko,hindi naman ito gaano kalaki pero kasya yung limang tao dito at yung cr naman medyo maliit lang sya yung inidor at shower ay kasya na don kay ok nato. Pagkatapos kung magpalit ay ina arrange ko na yung mga damit ko sa may dorabox. Sabi ni aling mataba free daw yung dorabox pero yung kuryente at tubig kasama daw yun sa babayaran ko. Mukhang magiging mahaba ata yung magiging araw ko ngayon. Marami pa akong kailangang gawin bibisitahin ko naman sila lola para maikwento yung laban namin kahapon,alam kong magiging proud si lola kasi isa yun sa mga gusto kung gawin yung labanan yung mga masasama at yung mga hambog. Namimiss ko na si lola sana masaya sya kung sana sya ngayon haysst lola i miss you so much sana buhay ka pa ngayon para naman po di ako gaanong kalungkot dito.



























The Savage Woman Where stories live. Discover now