CHAPTER 1 MY WORLD

2 2 0
                                    

CHAPTER 1 MY WORLD

Gabi na kaya andito na ako sa pwesto sa pinakamagandang tulugan sa labas ng bahay. Oo tama ang iniisip niyo dito na naman ako pinatulog ng pamilya ko dahil daw sinasagot ko daw yung beloved ate ko kaya ito daw ang parusa ko. Pero di nila alam na kapag sa labas nila ako pinapatulog umalis ako para puntahan yung mga member ko.

May grupo akong binuo pero niisa sa membre ko walang nakakaalam ng totoong pangalan ko,syempre gumamit ako ng ibang pangala para di nila ako mabuko. Ako ang tinatawag nilang leader dito kaya mas favor saakin yun para mas katakutanan nila ako.

Naglakad lakad ako ng ilang minuto para marating ko ang aming teritoryo at syempre para safe ako naglagay ako ng face mask at face shield haha di joke lang yung face shield.

Pagkapasok ko palang sa gate marami ng bumati sa akin at nagbigay galang. Unang lumapit saakin yung alalay ko si Vincent pero ang tawag sa kanya ng lahat ay black demon kasi ang lupit niyang lumaban pero mas malupit ako duh.

"Magandang gabi sa iyo Yunah"

"Walang maganda sa gabi Vince" walang ganang sabi ko.

Napakamot naman sya sa ulo nya dahil sa sinabi ko alam naman niyang ayaw ko sa lahat yung may pasabi pang maganda dahil lahat ng dinaranas ko sa pamilya ko ay hindi maganda.

"Yunah may mga taong naglakas loob na hamunin tayo sa isang laban kapalit po non ay kalahating milyon kapag natalo natin sila" pagbalita nya saakin, sino na naman kaya yung putangina na yun ang lakas ng loob na kalabanin ako,pero ok na yon atleast mabawas bawas yung galit ko ngayon.

"At sino na naman yan Vince?" Directang tanong ko ayaw ko kasi ng paligoy ligoy nakakairita.

"Yung top 6 po sa mafia world" magalang na sabi nya

"At ako patalaga ang hinahamon nya na mas mataas pa yung ranggo ko sa mafia world"  natatawang sabi ko

"Yun na nga po yung dahil nya kasi babae ka raw at ikaw pa talaga yung naging top 1 sa lahat" sabay kamot ng ulo nya na parang may kuto

"Ahh ganon ba? Natapakan ko ata yung pride nya hahahaha"

"Tinatangap mo po ba Yunah ?"nag alalang tanong nya

"Hmmmm syempre sayang yung kalahating milyon pandagdag na nating yun sa pundo natin" proud na sabi ko. Anong akala nila matatalo nila ako tss. Mga ungas talaga

"Sure kana ba jan Yunah?" Tanong nya na parang matatalo ako sa magaganap na laban.

"Wala kabang tiwala saakin Vincent?" Inis na sabi ko sa kanya, para naman tong ulol

"Meron na man Yunah baka kasi man daya yung gagong yun" nag alala talaga sya para saakin bugok dapat don sya sa kalaban mag alala dahil panigurado di na sila makilala ng mga mahal nila sa buhay.

"Tsss ako na ang bahala ron subukan lang nya kung ayaw niyang matulog panghabang buhay" lumiwanag naman yung mukha nya dahil sa sinabi ko.

"Basta Yunah wag kang magpapatalo masasayang yung kalahating milyon"

Abahh hanip din tong lalaking to akala ko pa naman na concern sya saakin sa pera lang pala nakakagagii tong tipaklong nato

"Vincent gusto mong ikaw yung ipalaban ko don mag isa total mukha ka namang pera" sarkastikong sabi ko sa kanya. Ang sarap lagang bugbugin nitong tipaklong na'to kung dilang to kakilala ko kanina pa'to nasa sementeryo

"Peace na po tayo Yunah ayaw ko na pong mabugbug" nababahalang sabi nya may pa peace sign pa ang tipaklong

"Tss pwede bang pumunta nalang tayo sa office kanina pa tayo nakatayo,kung ayaw mo dito ka nalang forever" nababagot na sabi ko kanina paako gustong umupo at matulog dahil nakakapagod yung trabaho sa bahay tapos may facemask pa akong halos dina ako makahinga.

"Hehehe sabi ko nga po pupunta na tayo don, Yunah kumain na po ba kayo?" Naglalakad na kami papuntang office ko diba sosyal may office pa ako slash kwarto ko

"Anong sa tingin mo Vincent kumain na ba ako?" Pilosopo kung sabi sa tanong nya

"Sabi ko ng pong hindi pa, bibili muna ako ng pagkain mo Yunah" tango lang yung binigay ko dahil inaantok na talaga ako haysst nakaka stress talaga sa bahay ako lahat yung gumagawa,di man lang sila naawa saakin charr nag d-drama na naman si ako.

Mga ilang oras din akong nakatulog pag gising ko may mga pagkain na sa lamesa kay kumain nalang ako kay sa iwanan ko lang to rito sayang naman yung pera ni Vince.

Pagkatos kung kumain ay umuwi muna ako baka di na talaga nila ako papasukin sa bahay iba pa naman magalit si papa.

Naramdaman kung may sumusunod saakin kay lumiko ako para maligaw kung sino man yung sumusunod. Nag tago muna ako sa isang sasakyan para alamin kung sino yung sumusunod.Nong malaman kung si Bryan mas lalong tinago ko ang sarili ko dahil alam kung na cucurious tong isang to kung sino talaga ako? Parang araw araw na nya akong sinusundan para malaman lang talaga ang totoo kong pagkatao.


















The Savage Woman Where stories live. Discover now