"Line up! The boss is coming!" Sigaw ng supervisor ng finance department, nagkukumahog ang mga empleyadong babae kasisipat ng tingin sa mga mukha nila sa salamin habang ang mga kalalakihan naman ay mabilis pa sa machine na nilinis ang mga lamesa nila.
Habang si Samantha ay inayos ang malaking salamin niya at sumama sa mga nakalinya.
Hindi na niya kailangan magpaganda at baka mabisto pa siya sa tunay niyang katauhan. Parang gusto niyang mainis sa sarili niya sa naging outfit niya ngayong araw, bulaklakin na cardigan, polo shirt na eninsert niya sa palda na suot na hanggang taas ng tuhod niya at one inches black sandals. Naka ponytail ang straight niyang buhok at nakasuot siya ng malaking salamin.
Natural na mapula na ang labi niya kaya lip gloss na lang ang nilagay niya kanina, matangos rin ang ilong niya at tama lang rin ang kapal ng mga kilay niya saka powder lang ang nilagay niya sa mukha niya, enough to disguise.
Damit niya lang talaga ang nag-iba, hindi naman siya papayag na pangit na nga ang damit niya, pa-pa-pangitin niya pa ang mukha niya.
Kung hindi lang siya natalo sa pustahan nila ay hindi siya magsusuot ng damit na ganito at magtratrabaho sa lugar na ito, na mi-miss na niya ang sarili niyang style, halter dress, stilleto matured make up and prada bag hindi iyong napsack bag na binili ni Chelsea sa Divisoria para sa parusa niyang 'to.
Kainis!
Isang Sikat na Fashion Designer at Boutique Owner, empleyado na lang ngayon at nagsusuot ng mga nakakalokang damit.
Babawi talaga ako kina Amber at Chelsea. Promise 'yan! Hindi na ako magpapatalo pustahan! Tiis tiis lang Andrea, six months lang naman back to normal na ulit.
Habang nakalinya ay todo parin sa pagpapaganda ang iba kulang na lang ay ubusin ng mga ito ang blush on kakalagay sa mga mukha ng mga ito, para magpaganda sa harap ng Big Boss.
Tsked! Kulang na lang maging drawing book na ang mga mukha nila.
Sino nga ba ang Big Boss?
Well, hindi niya pa ito nakikita at kahapon lang siya natanggap sa trabaho at ngayon ang first day niya bilang isang Credit Analyst.
Palapit ng palapit ang tunog ng sapatos pabilis ng pabilis rin ang tibok ng puso niya, kabadong kabado siya dahil hindi niya pa kilala ang Big Boss at basi sa mga naririnig niya sa kapwa mga empleyado rin ay masama raw ang ugali nito, na pag nagkamali ka ng kunti ay tatanggalin kana sa trabaho.
Hindi siya pwedeng matanggal sa trabaho ng hindi niya na kumpleto ang anim na buwan. No!
Wala man lang second chance?
Hindi naman importante sa kanya kung matanggal siya sa trabahong 'to, kahit matulog siya at hindi magtrabaho sa loob ilang taon ay mabubuhay siya. Iyon nga lang pagpumalpak siya sa mission niyang 'to, tiyak hindi na ibabalik ni Amber sa kanya ang alaga niya.
"Good Morning, Big Boss!" Bati ng mga empleyado at nagsi-tunguan ang mga ito kaya nakigaya na rin siya.
Ang lakas ng aura nito, ramdam niya ang kaba ng mga kasamahan niya sa loob ng finance department dahil sa Bigboss.
Nanlaki ang mga mata niya ng makitang huminto ang sapatos sa harap niya. Nakayuko lang siya at hindi nagtangkang mag-angat ng tingin. She gulp and it's to painful na parang may matulis na bagay sa bunganga niya na paglunok niya ay gumuhit ang sakit nito.
"Good morning, big boss." Bati ng malditang supervisor ng finance department sa Bigboss.
Kaya pala ito huminto dahil katabi niya ang supervisor, hindi dahil nakita siya nito o para pangaralan.

YOU ARE READING
The Insensitive Jerk [Unhold]
Ficción GeneralWARNING| MATURED CONTENT R-18| SPG READ AT YOUR OWN RISK PHOTO NOT MINE CREDIT TO THE OWNER ^_^