FLARE'S POV
"Ano? Nagulat ka... Hindi mo ba inaasahan na sasabihin ko yun?! Oo Kenjie!! Minsan mo ng nakita ang kapatid mo pero hindi mo sya tinulungan!! Hindi mo sya niligtas!! Kase ano?"
Nilibot ko ang mata ko at nakita kong umiwas sya ng tingin sa akin..
"Kase mas pinili mong iligtas ang taong iyon na natamaan ng bala ng baril sa tagiliran..."
"Kase inisip mo na mas may pag-asa syang mabuhay?!"
Nakatungo pa din si Kenjie habang ang iba ay napatingin sa direksyon na tinitingnan ko...
Sa taong iniligtas nila ng mga panahong iyon..
"Nakakalungkot na nakakatuwang isipin na kahit papaano ay may puso pa rin naman pala kayo.. nailigtas nyo nga ang isa sa nga tauhan ko eh.."
Nangunot nanaman ang mga noo nila..
"Bakit hindi mo ako samahan dito ngayon sa gitna at sabay nating ikwento sa mga yan kung paano at anong nangyare noong mga panahong iyon... Huh Stephen?"
Tama .. si Stephen ang taong iniligtas nila sa bingit ng kamatayan... Si Stephen din ang nakakita saaking naghihingalo habang unti unting naaalala ko ang mga pangyayareng iyon sa pavilion na aming tinutuluyan..
"Wag ka nang mahiya sakin. Ngayon pa ba na napatawad na kita sa pang-iiwan saamin.. ngayon pa ba? Na patay na LORAINE!!"
"Flare—"
"Wag na.. tama na!! Hindi ko kailangan ng baluktot mong paliwanag at kung paano nabahag yang buntut mo nung makita mo kong tinamaan ng bala ng baril at kung paano mo nakita na patayin si Loraine... Ang saya no? Na makita ang babaeng kinaiinisan mo na matamaan ng baril habang umiiyak na yakap yakap ang katawan ng kaibigan nyang wala ng buhay?"
"Maililigtas pa sana naten sya Stephen!! Kung hindi ka natakot at nagduda?! Buhay pa sana sya!!—"
"Wag mong sisihin ang anak ko Flare!!! Unang una sa lahat ikaw naman talaga ang may kasalanan kung bakit patay na ngayon ang tinuturing mong kaibigan—"
"Mom!!—"
"Walang kasalanan ang anak ko Flare!! Kung hindi ka lang nagpumilit noon edi sana buhay pa ang batang yon!!—"
"FLARE!!!!"
Lahat sila ay napatingin saakin... Nakatutok ang baril ko sa direksyon ni Sam—ang nanay ni Stephen— nanggigigil akong kalabitin ang gatilyo ng baril dangan nga lang at nakaharang na si Stephen sa kaniya.
"Wag mo syang idamay Flare!!"
"Wag Idamay!! Lahat tayo damay dito!!!"
"Kung hindi dahil sa ginawa nyo sa kaibigan ko!!! Hindi ko sana mararanasan ang mga bagay na iyon?!! Napalayo ako sa pamilya ko at hindi ko sila nakasama hanggang sa namalayan ko nalang na wala na pala ang mahal kong Ina!!!"
"Dahil sa inyo!! Mas lalo kong piniling manatili dito sa bansang ito... Para maghiganti..."
"Nagawa kong gumawa ng mga bagay na iligal!! Nagawa kong pumatay at baliwalain ang sakit ng katawan na iniinda ko!! Nagawa kong gamitin ang pangalan ng kaibigan ko para lang maitago ang tunay na ako!!"
"Paghihiganti na hindi ko pa nakamit agad kase napalapit ako sa inyo na hindi naman dapat!!! Lahat yun!! Oo lahat yun planado na... Ang pagiging babysitter ko sa inyo at pagtira sa iisang bubong kung nasaan kayo ay matagal ng nasa plano..."
" Syempre... Hindi ko magagawa ang lahat ng iyon kung hindi dahil sa taong yun... Sa taong nagsilbi kong mata sa loob ng kampo ng mga kalaban ko.. tsked.. isa sya sa mga tapat kong tauhan at kahit kailan... Hindi siya bumaluktot tulad mo... Stephen."
Sakto naman na dumating ang mga tauhan ko at syempre... Kasama nila ang taong kasama sa parteng ito.
"TITA MOMMY!!!! YOUNG MASTER FLAME!!!"
Sumisigaw na tawag saamin ni Top habang tumatakbo palapit saakin...Agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko pero halata sa mukha ni Top na nakita nya iyon kaya naman isang mahigpit na yakap ang agad nyang ibinigay saakin...
"You've been through a lot of things just for my Moma... Don't cry tita mommy..."
Pinunasan nya ang isang takas na luha saaking mga mata saka ngumiti saakin..."I'll handle the rest okay.. Tita Mommy..."
Hindi pa sana ako papayag pero kinuha na ni Top ang baril sa aking kamay at humarap sa lahat...Pero mas nakatitig sya kay Kenjie...
"Hey... Ahm, I'm Topper... You see I'm mad to all of you for making my tita Mommy cry... But mostly you Mister Kenjie..."
Naglakad si Top at pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw nya..."Hmm.. nung una ko kayong makita noon sa auction house na iyon may duda na agad ako sa inyo.... Hindi basta basta pupunta ng ganoong lugar si Young Master Flame—"
"Huh?"
Nagtatakang tanong ni Flame kaya naman napaiwas ako ng tingin ng pumaling sya saakin...Fine, aaminin ko na... I disguise myself as him in order to retrieve the crown of my cousin... So what??!!
"That day pinangako ko na mamanmanan ko kayo at sisiguraduhin ko na walang masamang mangyayare sa Tita Mommy ko kaya pinadala ko ang pinaka pinagkakatiwalaang tauhan nya..."
Pumaling si Top sa kanang bahagi kung saan nandodoon ang mga tauhan kong nakasuot ng itim...
Hanggang sa naglakad ang isa sa kanila paharap at dahan dahang tinanggal ang kanyang balabal na nagsisilbing takip nya...
"K-Kim..."
Napangiti ako... Kahit kailan ay si Kimberly ang pinaka pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
"Surprise huh? Well... Greetings my dearest friend!!"
Lumakad sa tabi ko si Kim at niyakap ako..."Sorry I'm late.."
Marahan akong tumango saka saka sya kumalas sa pagkakayakap saakin."Alam nyo ba?— oh wait!! Of coarse not... Hindi nyo alam na gabi gabi umiiyak ang Tita Mommy ko kase sinisisi nya ang sarili nya sa pagkamatay ng kaibigan nya... Sinisisi nya ang sarili nya sa puntong hiniling nya na sana sya nalang ang namatay at hindi ang kaibigan nya..."
Matapang na saad nito sa lahat habang isa isang tinitingnan ang lahat sa kanilang mga mata..
"Sinisisi nya ang sarili nya sa puntong halos sa kanya na ako lumaki at binuhos ang buong oras nya mapalaki lang ako ng tama at puno ng kabutihan...t-tulad ng aking M-Moma..."
"Si-Sinisisi niya ang sa-sarili nya.... N-Na ilang beses syang n-nagtangkang b-bawiin ang buhay nya... Pe-Pero lagi din naman syang nakikita ni Papa at Ate Kim..."
"Si-Sinisisi nya ang sarili nya na hindi naman dapat... Ka-Kase pinanood mo lang m-mamatay ang M-Moma ko habang nakatitig ka sa kanya na puno ng disgusto ang mukha..."
Galit ang sinisigaw ng mga mata ni Topper habang pinipigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata..
"Hindi si Tita Mommy ang pumatay kay Moma kundi ikaw KENJIE DAMON MILLER!!! Nandidiri ako sayo dahil naging kadugo kita at naturingan ka pang kapatid ng Moma ko pero pinabayaan mo lang syang mamatay!!"
Napatakip ng bibig ang mga nanay ng pito... Habang nagsimulang tumulo ang luha ng nanay ni Kenjie...
"Nagkaanak si... KZ??? "
"Tsked..."
—KUTINGTINGERA—
BINABASA MO ANG
The Gangster Queen is Babysitting the Seven Young Master
Teen FictionTHE GANGSTER QUEEN IS BABYSITTING THE SEVEN YOUNG MASTERS ( TGQBTSYM ) Author: msKUTINGTINGERA Pasilip sa istorya Paano mo masasakatuparan ang plano mo kung maraming sagabal... Kung maraming sekreto ang kagimbal gimbal na nabubunyag.... Kung napapa...