Chapter 29

15.8K 301 12
                                    


"Demoniese"
=====

BOOOHGZ!!

BOOOHGZ!!

Nagwala si Zylex matapos kong maikwento lahat, nilimas niya ang mga gamit na nakapatong sa cabinet niya.

"Putang-ina! Papatayin ko sila! Fvck!" sigaw niya. Pinagsusuntok niya ang pader kaya hindi na ako nagtakang dumugo ang kamay niya. The whole duration of the story, nakakuyom na ang mga kamao niya, halatang pinipigilan ang galit.

"AHHHHH!!!" sigaw niya ulit. Kung titingnan siya ng kahit sino, makikitang nasasaktan ito. At alam kong umiiyak siya habang pinagsusuntok niya ang pader. "I'll fvcking kill them. I trusted them. Kaibigan ko sila, pero anong ginawa nila?" Nakaharap lang siya sa pader at ako naman ay nakatingin lang sa kanya. I praise myself for not shedding tears while talking. I must have surpassed my PTSD, but not totally dahil andoon pa rin yung konting takot kapag nakakaharap ko ang mga taong yun.

But seeing Zylex raging with anger, nasasaktan ako. Gusto kong umiyak dahil sobrang emosyon ang nilalabas niya para sakin. Mali pala ang akala ko, dahil una palang walang kakayahan si Zylex na gawin sakin yun. He has a heart for me.

"N-nahihiya ako..." Zylex..why are we suffering like this? "Nahihiya ako sa kagaguhang ginawa ng mga tarantadong kaibigan ko." Hilam na mukha niya ang humarap sakin. "I-I'm sorry Clareese, I'm sorry. Hiyang hiya ako sayo, naranasan mong ang mga yun nang dahil sakin." He was crying for Goodness' sake. This is the first time I saw this man so weak.

P-paano pa kaya pag nalam mo Zy...na nandoon ka?

You're watching me suffering.

Nanood ka lang na parang wala kang pakialam sakin. Ano kaya ang magagawa mo?

Nangilid ang mga luha ko. I can't bear to see him suffer too, if I'll tell him the truth. But I need to. I need to tell him all the truth.

"Y-you...were...there." mahinang anas ko, pero umabot yun sa kanya dahil bigla siyang natigilan. Namumutlang napatingin siya sakin.

"W-what?" he looked at me. Yung tinging nangungusap na sana hindi totoo ang narinig niya.

Inangat ko ag mukha ko at sinalubong ang mga mata niya. "You were there, Zylex."

"W-what? How?"

"Ikaw ang kasama ni Porshia. Nandun ka Zy..." Tumawa ako ng mapakla. "Nandun ka pero para manood lang, pinanood niyo lang ako sa kahayupang pinaggagawa ng mga kaibigan niyo."

"N-NO!!" inilang hakbang niya lang ang pagitan namin at mahigpit na hinawakan ang mga balikat ko. "Tell me Clareese, nagkamali ka lang, sabihin mong namamalikmata ka lang noon. Na kamukha ko lang ang nakita mo, na akala mo andoon ako, na ng dahil sa kaiisip mo sakin, akala mo ako yung naki--" Umiling ako. Nanghihinang napabitaw siya sakin.

"P-panong nandoon ako? Nakita mong umuwi na ako, diba? At wala akong matandaan na ganoong eksena. Tayo ang magkasama noon, hindi sila, hindi ko sila kasa--" Bigla'y natigilan siya at-- "Fvck!Fvck! They set me up?"

"Bakit nila nagawang paglaruan ako---tayo?"

"S-saan ka pupunta?"

"I'm going to kill them, kahit kaibigan ko sila, walang kapatawaran ang kagaguhang ginawa nila." And he slammed the door hard leaving me behind.

I hurriedly pick my phone. "H-hello Drake? Please follow Zylex, baka mapatay niya ang mga kaibigan niyo. Papunta siya kina Brent. Please."

Nanghihinang napasandal ako sa couch. This is one hell of a day. Alam na niya lahat. I just hope...things are going to be fine for me...for all of us.

Pleasuring The Hottest JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon