Chapter 14

21K 326 18
                                    

"Demoniese"

=====
Venice POV

Two weeks na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik sina Reese at Seanny. Wala kaming kahit anong balita sa kanila.

Noon, nawawala bigla si Reese for business or what pero hindi naman iyun umaabot nang ganito ka tagal. At isa pa, Midterm is approaching kaya nag-aalala na kami.

Lalo na ang 'fiance' kuno niya. Palagi nalang nagtatanong samin kung may balita ba kami sa kanya.
Duhh! Ni-ha ni-ho wala nga eh.

Paanong hindi iyun magtatanong ng whereabouts ng fiancee niya, eh hindi natuloy ang engagement nila dahil nga two weeks ng walang balita sa supposed to be fiancee nito. Pati nga si Tito Clark walang balita sa anak pero after one week may nakapagsabi dito na nasa Japan daw si Reese dahil may problema sa isa sa business ni bitch.

The engagement was moved at the end of the month for grand preparation na rin daw.

"Ven, okay lang kaya si Reese?" alam ko nag-aalala na rin tong si Nique.

"We can't do anything now. She's strong Nique. She's fine. Isa pa kasama niya si Seanny."

"Tama ka. Pero sana may pasalubong tayo noh?"

"Lukaret, yan lang pala inaalala mo. Tayo na nga, may klase pa tayo."

===

Nakakabored talaga nitong mga nakalipas na araw.

Tss, walang show.

Tambay lang kami rito sa field. Vacant time kasi.

"Hey, baby Ven." pagkarinig ko palang nun alam ko na kung sino yun.

"Oi Ven, tawag ka ng ka MU mo." asar niya sakin.

"Tss, wag ka nga." bulaskador na gaga. "Oh?" nakataas pa ang kilay ko nang tingnan ko siya. Naiinis talaga ako sa pagmumukha ng taong 'to. Nakaka-high siya huh.

"Sungit mo na naman. Gusto ko lang naman magsorry about the other night--"

"I don't need your sorry, at isa pa, leave me alone, will ya!"

"Ayoko, baka mawala ka pa sakin eh." bulong niya pero hindi ko naman maintindihan. Pero sigurado akong narinig ni Nique yun kasi, tumawa ang gaga.

"Anong binubulong bulong mo dyan ha?"

"Sabi ko ang ganda mo."

"Matagal ko nang alam yan."

"Concieted ka rin pala baby Ven?" Natatawa pa siya.

"Naku Mark, mahilig yan magbuhat ng sariling bangko eh. Hahahah." singit nang bruha. Sabay pa talaga silang natawa.

Nakakairita talaga ang pagmumukha ng lalaking 'to. Gwapo naman siya, kaya nga habulin ng mga babaeng fakes to eh. Kaya lalong nakakairita siya. Ay ewan.

"Wag mo ko masyado titigan baby Ven, baka mainlove ka na sakin ng sobra."

"Gago. Hindi mangyayari yun."

"Wanna bet baby?"

"No, dahil alam ko na ang resulta niyan."

"Talaga? Ano naman?"

"You'll fall...deeply." Amuse lang na nakamasid samin si Nique.

"Hu-adsfgahdgh" bulong na naman niya na naging dahilan para mapasinghap si Nique. Siya kasi ang katabi ng lalaking to at ako sa harap nila. At kung tinatanong niyo, nasa gilid ng field kami nakatambay, may mga chairs at tables kasi sa gilid nito.

Pleasuring The Hottest JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon