CHAPTER 14

3.5K 73 0
                                    

Kinaumagahan masayang gumising ang dalaga, excited ito sa kanyang pag-alis. Handa na rin ang kanyang kaunting gamit na dadalhin.

"Manang aalis ho muna ako ha, mawawala ako ng isang linggo..." paalam ng dalaga.

"Isang linggo ho..." gulat na usal ng matanda.

"Opo magbabakasyon lang ho ako..." wika ng dalaga.

Umalis na agad siya lulan ng sasakyan niya. Pupunta siya sa bahay ng binata para daanan ang mga ito.

"Sana makasama sila..." usal ng dalaga habang nagmamaneho.

Dumaan muna ito sa isang agency kung saan isasama niya ang mga automotive na kinuha nito para magtrabaho sa shop ng binata.

"Oky ang bilin ko sa inyo huwag ninyo kalimutan ha..." wika ng dalaga sa mga ito.

"Yes ma'am..." sagot ng lima.

Narating niya ang bahay ng lalaki at masaya siyang kumatok dito. Positibo ang pananaw niya.

"Inay Tina..." usal ng dalaga.

Bumukas ang pinto at sinalubong siya ng malungkot na mukha ng matanda, niluwagan rin nito ang pintuan.

"Bakit malungkot kayo inay?" tanung ng dalaga.

Naupo sa upuang kahoy ang matanda at nakita rin nito si Aiko na mahinang humihikbi, pati si Ian.

"Anu ho ang nangyari?" takang tanung nang dalaga.

"Ate...." wika ni Aiko at tumayo palapit sa kanya.

Niyakap niya ang bata at hinagod-hagod ang likod nito. Maging ang matanda ay yumuko na rin.

"A-ate.... hi-hindi ...da-daw...pa-payag si ku-kuya na su-sumama ka-kami...." usal ni Aiko.

Maga ang mata ng bata at halata na ang tagal na nitong umiiyak. Maging siya ay nalungkot.

"Anu ba ang nais mo Venus? nagadala ka pa ng tauhan anung akala mo sa akin hindi marunong magtrabaho..." galit na wika ni Russel.

Halos hindi naka galaw ang dalaga sa sobrang pagkabigla. Maging ang ina ng binata at dalawang kapatid ay ganun rin.

"At pwede ba huwag mung silawin ang inay ko at mga kapatid sa pera mo..." asik pa ng binata dito.

Mahal ng binata ang dalaga pero ito lang ang paraan na alam niya para lumayo ito sa kanila. Ayaw niyang masaktan siya kaya habang maaga ay gagawin na niya ang dapat gawin.

"Umalis ka dito at hindi ka namin kailangan at huwag mo na kaming guluhin pa..." sigaw ni Russel sa dalaga.

Nagulat ang dalaga sa mga pangyayari hindi niya alam kung anu ang pagkakamali na nagawa niya at biglang nagkaganito ang binata.

"Ru-Rus-sel....." nauutal na wika ni Venus.

Naguilty ang binata dahil kita niya sa mata ng dalaga ang gulat at lungkot nito.

"Umalis kana huwag ka ng bumalik..." asik ng binata at tinapangan ang tingin.

Nanginginig man sa takot ang dalaga ay pilit siyang tumayo at taas-noong hinarap ang binata.

"Akala ko mabuting tao ka, akala ko ikaw na ang lalaking nakalaan sa akin, alam mo kung bakit ko ginagawa ang mga ito, dahil mahal kita, dahil gusto kung mapalapit sa iyo, gusto kong ipakita kung anu ka dito..." wika ng dalaga sabay turo ng dibdib.

".... pero manhid ka ni hindi mo man lang ako binibigyan ng pansin, mahal kita Russel at tanggap kita kung sino at anu ka...." wika ng dalaga na umagos na ang mga luha.

Napa tiim-bagang naman si Russel sa nakita, nasasaktan ito sa loob-loob niya pero ito lang ang paraan. Parang pinapatay siya na makitang luhaan ang dalaga.

"Huwag kang mag-alala, aalis ako at hindi na muling manggugulo sa iyo at ito ang tandaan mo na minsan may isang Venus Smith na nagpakatanga at nagmahal sa isang manhid na katulad mo...." wika ng dalaga.

Agad itong tumalikod at tumakbo palabas ng bahay at agad na tinungo ang sasakyan at donn umiyak ng umiyak.

"Bakit? Bakit ikaw pa..." umiiyak na usal ng dalaga.

Sinariwa niya ang pag-uusap nila ng binata noong nakaraan gabi.

------Flashback------

"Anu ang gusto mo sa isang babae?" tanung ng dalaga.

"Hmmm ang gusto ko iyong simply, mabait, mapagmahal, sweet at higit sa lahat tatanggapin ako at ajg buo kung pagkatao." tugon ng binata.

"Ah, ganun ba..." usal ng dalaga.

'Yes may chance..' sa utak niya.

"Ikaw anu naman ang gusto mo sa isang lalaki..." tanung ng binata.

"Ako, hmmm gusto ko mapagmahal, simply, mabait, kahit hindi mayaman basta mamahalin ako at mahal ko rin." sagot ng dalaga.

"Ang swerte ng magiging boyfriend mo Inus bukod sa maganda ka mabait pa at napaka down to earth..." usal ng binata.

"Siguro, pero may mahal na ako eh..." saad ng dalaga.

"Wow, talaga ang swerte naman niya at minahal mo siya..." tugon ng binata.

"Oo pero hindi ko pa masabi sa kanya na mahal ko siya eh, natatakot ako at baka umayaw sa akin.." tugon ng babae.

"Kung mahal mo sabihin mo at ng malaman niya ng sa ganun ay malaman mo rin kung anu ang sagot niya sa iyo...." wika ng lalaki.

"Tsaka na siguro pag handa na akung magsalita..." sagot ng dalaga.

----End of flashback----

Sinubsob ng dalaga ang kanyang ulo sa manibela ng kotse at doon humagulgol ng iyak. Guho na ang mundo niya at hindi na ito maaayos pa. Wala namang pakialam ang kanyang mga magulang dahil laging busy ang mga ito.

"Bakit, bakit sa kabila ng lahat ng meron ako ay may kulang parin at kung kailan napunan pa saka nawala ulit..." wika ng dalaga na umiiyak.

Dahil sa sama ng loob ay mag-isa siyang nagtungo sa yatch club at tinungo ang yate na gagamitin sana. Pero nagbago ang kanyang isip at nagtungo nalang ito sa bar at doon naglasing.

"Anu pa ba ang kulang sa ginawa ko, lahat naman ginawa ko ah..." usal ng dalaga at naparami na rin ng inom.

Nang malasing na ay ipinasya niyang umalis at magtungo sa malayong lugar. Lugar na walang makakakilala sa kanya.

"Paalam Russel hanggad ko ang ika liligaya mo.." usal ng dalaga.

Sa bilis ng pagtakbo ng sasakyan ay hindi namalayan ng dalaga na may bangin pala doon.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon