CHAPTER 3

4.4K 100 2
                                    

Hinila ni Russel ang kamay ng dalaga upang ilayo ito doon para hindi pagkaguluhan.

"Halika ka dito bilis...." usal ng binata.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang magpatianod nalang. Nagulat siya ng may humila pero hindi niya ito pinansin.

"Sumunod ka bilisan mo..." wika pa ng binata

Naglakad sila hanggang sa makarating ng kusina. Naka sunod parin ang mga paparatsi sa kanila.

"Tol, dito dali..." sigaw ng isang kasama ni Russel.

Binuksan nito ang pinto sa likod at doon sila dumaan ng babae. Magkahawak kamay parin silang dalawa.

"Bilisan mo at baka maabutan nila tayo..." usal nito.

Hila-hila parin niya ang kamay ng dalaga, lakad-takbo ang ginagawa nila upang makalayo lang. Nakaramdam ng kakaibang init ang binata pero hindi niya ito pinansin.

"Ang bagal mo naman, bilis...." turan ng binata.

Pero busy ang dalaga nagpatianod lang ito. Ang isang kamay niya ay hawak ang prawns at busy kakasubo sa bibig niya. Napalingon ang binata dito.

"Anung ginagawa mo?" tanung ng lalaki sa kanya.

"Kumakain, gutom ako eh..." sagot ng babae.

Malayo narin ang narating nila kaya naupo ang binata sa isang tabi. Pagod siya dahil kanina pa sila lakad-takbo.

"Burrrrpppp..... aaahhhh sarap...." usal ni Venus.

Napatinggin ang binata dahil dito, nagulat siya dahil parang hindi ito ang Venus na kilala ng lahat. Hindi ito kimi at at sosyal.

"Patay ako nito...." usal ng binata.

Sapo niya ang kanyang noo dahil may naalala ito. Umalis lang sila na walang paalam.

"Tiyak charge na naman iyon sa akin at wala akung sasahorin buong buwan...." wika niya.

Nang marinig ito ni Venus ay naupo narin siya sa tabi nito.

"Bakit may problema ba?" tanung ng dalaga.

Napayuko ang binata, nahihiya siya na magsalita. Naalala naman ni Venus na umalis lang pala sila at hindi pa ito nakaka bayad.

"Huwag ka mag-alala babayaran ko iyon..." usal niya.

Lumiwanag naman ang mukha ng lalaki. Napangiti naman ito sa narinig niya kaya lumabas ang biloy niya sa kanang pisngi.

'Ang gwapo naman niya, ang ganda ng dimple niya bumagay.' sa isip ni Venus.

Ngayon niya lang napansin ang kulay chocolate na balat ng binata, kahit brown ito ay bumagay sa kanya.

"Pwede na siguro tayong bumalik doon at baka wala na sila...." usal ng lalaki.

Tumayo ito at doon napansin ni Venus na matangkad rin ang binata. Napa ngiti siya ng lihim.

"Tara balik na tayo..." yaya niya sabay lahad ng kamay.

Tinanggap naman ito ng dalaga at hinila siya upang makatayo na. Nang makatayo ay pinagpag ni Venus ang sarili.

"Tara na....." yaya niya at naunang maglakad.

Sumunod naman ang binata sa dalaga at naglakad na sila pabalik ng restaurant.

"Dito na tayo...." usal ni Russel.

Dahan-dahan silang naglakad sa likod at kumatok sa pintuan. Naka ilang katok sila bago bumukas ang pinto.

"Ikaw pala tol...." usal ng isa niyang kasama.

"Oo tol, nanjan pa ba sila?" tanung ng binata.

"Umalis na tol, pasok kana..." sagot ng lalaki.

"Sige tol, aahmmm ma'am wala na daw sila..." saad ng binata.

Nang marinig ito ni Venus ay humakbang siya palapit ng pintuan. Nagulat naman ang kasama ni Russel.

"Pasok po kayo ma'am...." wika ng binata.

"Nasaan ang manager ninyo gusto ko siyang makausap...." wika ng dalaga.

"Sa taas po ma'am, hali po kayo dito..." wika ni Russel.

Umakyat sila sa hagdanan papuntang second floor. Hanggang narating nila ang isang pintuan.

"Dito po ma'am..." wika nito at kumatok ng tatlong beses.

"Come in...." wika ng manager.

"Sir may gustong kuma-usap sa inyo..." wika ni Russel.

"Sige papasukin mo at iwan mo kami..." saad ng boss niya.

Pumasok ang dalagaat umalis na rin si Russel. Bumalik na siya sa kanyang trabaho.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon