CHAPTER 29

4.5K 90 0
                                    

Nang makarating ng ospital ay agad nilagay nila sa strecher ang dalaga habang naka hawak naman sa kanyang kamay ang binata.

"Hold on mahal malapit na tayo.." wika ni Russel.

"Aahhh ang sakit..." sigaw ng dalaga.

Naglalabor na kasi ito kaya lagi siyang napapadaing sa sakit. Ipinasok siya sa emergency room.

"Maari ho ba akong sumama sa loob?" wika ng binata.

"Kayo ba ang asawa sir?" tanung ng nurse.

"Opo." sagot ni Russel.

Pinapasok naman ang binata sa loob, at agad niyang tinabihan ang dalaga. Lumapit ang nurse, tiningnan at sinuri ang dalaga.

"Manganganak kana misis kaya ready ha." wika ng babae.

Hinawakan ng binata ang kamay ni Venus at hinalikan ito.

"Dito lang ako sa tabi mo mahal ko, kaya mo yan." bulong ng binata.

"Hindi, hindi ko kaya ang sakit.." sagot ng dalaga.

"Oky misis umire lang kayo ha sabayan mo ako." wika ng nurse.

"One... two.... ire." dagdag pa nito.

"Aaaaaahhhhhhh...." sigaw naman ng dalaga.

"isa pa misis..." saad ng nurse.

"Aaaaaaahhhhh..." sigaw ulit nito.

Halos kasing lakk na ng butil ng mais ang pawis ng dalaga kaya pinunasan ito ni Russel.

"Mahal ko, kaya mo pa ba?" tanung ng binata.

"Hindi ang sakit eh." sagot ng dalaga na dumadaing parin.

"Mahal kung galit ka sa akin, ilabas mo oky, isabay mo sa pag-ire." wika ng binata.

"May point si Mr. Misis, pwede mong gawin iyon." saad ng nurse.

Huminga muna ng malalim ang dalaga, may takot man ay naglakas loob ito sa pagkakataong iyon.

"Oky misis, one..... two..... push..." wika ng nurse.

"Ruuuusssseeeeellllll......" sigaw ng dalaga sabay ire.

"Uhaaa...... uhaaaaa...." iyak ng bata.

Lumabas ito at isang napaka lusog at gwapong batang lalaki. Agad itong pinunasan ng nurse, pinutol ang pusod at ibinigay kay Russel.

"Ang gwapo naman ng baby ko." sambit ng binata.

"Ang baby ko." mahinang wika ni Venus.

Inilapit ni Russel ang bata sa dalaga. Sa labas agad namang tinawagan ni Hercules ang mga magulang ag kaibigan ng dalaga kaya sunod-sunod ang dating ng mga ito sakay ang chopper na nirentahan nila.

"Nasaan na ang anak ko iho?" tanung ng ina ni Venus.

"Sa loob pa ng emergency room tita." sagot ng binata.

Halos hindi mapakali ang mga naghihintay sa labas. Lahat at nag-aabang kung anu na ang kaganapan sa delivery room.

"Doc, bakit nawalan ng malay ang asawa ko?" nag-aalalang tanung ni Russel.

"Natural lang ho iyan mister malamang ay napagod ang inyong asawa." saad ng doctora.

Dinala na sa silid ang dalaga na inilaan sa kanya pagkatapos manganak. At ang mga bisita ay tuwang tuwa sa bagong anghel ng pamilya lalo na ang mga magulang ng dalaga.

"Ang cute-cute naman ng apo natin hon." wika ng ginang habang karga ito.

"Oo nga parang ang unica iha nating noong maliit." sabad rin ng don.

Dahil sa ingay ay nagising si Venus, agad naman siyang napangiti sapagkat naroon na ang mga magulang niya pati ang mga kaibigan rin nito. Nakita siya ni Russel na noo'y kakapasok lang at may bitbit na tray.

"Mahal ko gising kana pala, nagugutom ka ba? may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanung ng binata.

"Nagugutom ako.." turan niya.

Dahan-dahan siyang bumanggon pero inalalayan siya ng binata hanggang sa maka sandal ito. Pagkatapos ay inasikaso niya ang kakainin ng dalaga. Tinolang manok na native ito at si nanay Pasing ang gumawa dahil tama lang daw ito sa bagong panganak.

"Aahh, nganga ka mahal susubuan kita." wika ng lalaki.

Naiilang man ang dalaga ay ngumanga rin ito dahil talagang guton na siya.

"Ang sweet naman nakakainggit." wika ni Diana.

"Na-iinggit ka eh di mag-asawa kana rin girl." usal ni Athena.

"Oo nga nariti naman si Hercules oh." segunda ni Hena.

Tiningnan lang ni Diana ang binata na naka ngiti at inirapan ito. Dahil sa ginawa ng dalaga ay mas napangiti si Hercules.

"Mukhang gutom ka talaga girl ah, halos ubusin mo na ang isang mangkok ah." turan ni Diana ng makita na kaunti nalang ang laman ng mangkok.

"Oo nga bunso dinaig mo pa ang kain ko ah." saad rin ni Hercules.

"Kuya naman eh...." naka simangot na wika ni Venus.

Talaga kasing nagutom siya ng sobra, ikaw ba naman ang agahan pang ang kinain tapos lagpas na sa hapunan ang kasunod at nanganak pa siya.

"Hayaan mo na sila mahal ko, ang mahalaga makabawi ka agad ng lakas mo." sambit no Russel.

"At ng masundan na agad ang baby ninyo." singgit ni Diana.

Namula si Venus sa narinig kaya yumuko ito upang maitago. Napangiti naman si Russel sa nakita.

"Ang ganda mo pag namumula ka mahal ko." pabulong na wika nito.

Like ·

Pagkalipas ng tatlong araw ay agad na nakalabas ang mag-ina doon. Pinangalanan nilang Aries Leon ang bata. Doon muna sila nanatili ng isang linggo sa bahay ni Pasing at hindi siya iniwan ng binata.

"Mahal ko matulog kana ako na ang bahala kay baby AL bawal kapa magpuyat." utos ni Russel sa kanya.

"Sigurado ka?" paniniguro ng dalaga.

Isang tipid lang na ngiti ang sinagot ng binata sa kanya at nagpatuloy sa paghele kay baby AL.

'Siguro pagkakataon na rin ang nagbigay daan at gumawa ng paraan para magkasama tayo ulit kaya handa na akong magsimula kasama ka mahal ko.' sa isip ng dalaga.

Sa maigsing panahon lang ay napatunayan ni Venus sa sarili na mahal pa talaga niya ang binata lalo pa itong nadagdagan ngayon.

"Baby matulog kana huwag kana umiyak narito lang ang daddy.." wika ni Russel.

Para naman naka intindi ang bata at pumikit rin ito kaya natuwa si Russel pero nang ilapag niya ito ay umiyak na naman ang bata kaya kinarga ulit niya.

"Sige baby dito ka nalang sa dibdib ni daddy matulog ha, inaantok na rin ako eh." saad niya.

Nahiga ang lalaki at ipinatong ang bata sa kanyang dibdib at sabay silang natulog. Nagising si Venus dahil nakagawian na talaga niya ang magising ng maaga.

"Nasaan kaya ang lalaki na iyon?" nagtatakang tanung niya ng makita na wala sa tabi ang lalaki.

Tinungo niya ang kabilang silid at siya ay napangiti sa nadatnan.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon