CHAPTER 8

3.9K 94 4
                                    

Dahan-dahang bumangon ang dalaga sa hinihigaan niya. Medyo makirot parin ang braso niya.

"Oh ineng gising kana pala..." usal ni Tina.

"Opo gising na ho ako..." sagot ng dalaga at ngumiti ng tipid.

"Mga anak hali kayo rito..." usal jg matanda.

Maya-maya ay pumasok ang dalawang bata, isang dalaga at isang bata, tumabi ito sa ina nila.

"Siya si ate Inus ninyo,Inus ineng sila sina Aiko at Ian mga anak ko..." pag papakilala ng matanda.

"Hello ate..." sabay ni wika ng dalawa.

"Oh siya iwan ko muna kayo at ng makahain ako, tiyak pauwi na ang kuya ninyo..." turan ng matanda.

Tumayo ito at nagtungo sa kusina upang makapaghanda na. Tumabi naman si Aiko sa dalaga at pinagmasdan siya nito.

"Ate Inus ang ganda-ganda mo pala, ang kinis-kinis ng kutis mo, anung sabon po ang gamit ninyo?" tanung ng dalagita.

"Si ate ambisyosa, wala ka ng pag-asa ate ganyan na talaga ang balat mo.." saad ni Ian na nang-aasar.

Napangiti naman ang dalaga sa narinig niya. Parang may puwang sa puso niya na napunan pero may kulang pa.

"Oky naman ang balat mo ah, mag gusto ko nga ang ganyang kulay eh.." sagot ng dalaga.

"Naku ate mas gusto ko ang kulay ng balat mo na iyan, gusto ko ang ganyan ka puti para hindi na nila ako tawagin na negra..." sagot ni Aiko

"Si ate nag-aasam pa talagang pumuti, doon ka kay Belo at tiyak puputi ka niyan..." pang-aasar ni Ian.

Natawa siya sa dalawa para itong aso't pusa pero nakikila niya na magkasundo ito.

"Inay, narito na ho ako...." wika ng boses sa labas.

Napitlag ang dalaga ng marinig iyon, pamilyar ito sa kanya. Narinig na niya ito pero hindi niya malaman kung saan.

"Si kuya...." panabay ng dalawa na agad tumayo at lumabas.

"Sino kaya iyon bakit parang pamilyar siya..." bulong ng dalaga sa sarili.

Sinalubong si Russel ng dalawa niyang kapatid. Tuwang-tuwa ang mga ito. Agad naman niyang niyakap ang dalawa.

"Kuya, gising na pala si Ate Inus?" wika ni Aiko.

"Inus?" takang sambit ng binata.

"Oo kuya, iyong babaeng niligtas mo kagabi." segunda ni Ian.

"Ah siya pala..." saad ng binata at tumayo ito.

Tinungo niya ang silid na kinaroroonan ng dalaga. Hinawi niya ang kurtina at nakita nito ang babae na naka upo, hindi yata nito napansin ang kanyang presensya.

"Kamusta kana?" tanung nito.

Nagulat ang dalaga ng marinig ito dahil may iniisip pa siya. Kaya umangat nalang ito upang tingnan ang lalaking nagsasalita.

"O-oky la-lang...." nabubulol na sagot ni Venus.

"Mabuti naman kung ganun, teka bakit dumudugo iyan..." nag-aalalang saad ng lalaki.

Napansin ni Russel ang pamumula ng bandage na naka takip kaya nag-alala siya sa dalaga.

"Teka ha at papalitan ko iyan..." wika ng binata at umalis.

Pagbalik nito ay may dala na siyang gamot at panapal dito. May maligamgam rin na tubig upang malinisin bago langyan ng benda.

"Tiisin mo ha, mahapdi ito..." usal ng binata.

Dahan-dahan ng ginawa niyang pagtangal ng bandage at tumambad sa kanya ang malalim na sugat ng dalaga. Dinampian niya ito ng panyo na may tubig.

"Oouch..." bulalas ng dalaga.

Nakaramdam kasi siya ng hapdi ng lumapat ang panyo kaya napa ngiwi ito, nakita naman ito ni Russel kaya hinipan niya.

"Mahapdi pa ba?" tanung ng binata.

"Kaunti nalang..." maigsing turan ng dalaga.

Pagkatapos itong linisin ni Russel ay naglagay siya ng betadine sa bulak at tinapal ito sa sugat tapos ay nilagyan niya ng bandage at tape.

"Hayan oky na, halika na at nag maka kain kana rin..." yaya ng lalaki.

Inalalayan niya na makatayo ang dalaga at inakay niya ito palabas, kung oky lang na buhatin ito ng binata ay ginawa na niya.

Naramdaman na naman ni Venus ang kakaibang init na iyon, ganung-ganun rin ang init na ito nung una silang nagkita ng lalaki na magkahawak ng kamay dahil hinila siya nito.

'Gosh anung pakiramdam ito bakit kakaiba? parang secure ako pag siya ang kasama ako at parang lumulutang ako na iwan....' sa isipan ni Venus

Narating nila ang mesa at dahan-dahan siyang pina-upo ng lalaki doon. Kumuha ito ng plato at nagsalin ng kanin tapos ay susubuan na sana siya nito.

"Huwag kang mahiya ngumanga ka nalang tsaka isa pa hindi pwede na igalaw monang kamay mo dahil dudugo iyan mamaya..." turang ng binata.

Ngumiti ito at lumabas na naman ang dimple niya, para namang na hipnotismo ang dalaga at sumunod nalang siya dito.

"Hayan tapos kana, pwede ka ng magpahinga ulit..." usal ng binata.

Walang nagawa ang dalaga ng buhatin siya nito at dinala sa silid. Napapikit pa siya ng maamoy niya ang scent ng binata. Lalaking-lalaki ito lalo na ang amoy ng pawis niya.

"Dito ka muna hangga't hindi pa magaling iyang sugat mo...." wika ng binata ng mailapag siya.

"Sa-salamat..." ani niya.

"Anu ba ang nangyari sa iyo at sugatan ka?" tanung ni Russel.

"A-anu kase ganito.........." panimula ng dalaga.

Sinalaysay niya ang buong nangyari, walang labis at walang kulang, napa kuyom naman ng kamao ang binata sa narinig.

"Pasalamat ka at hindi ka nila natuluyan, ang nakabangga mo ang ay mga bunggo-bunggo gang, modus na nila ang kunwari'y magpasagasa tapos pagbumaba ka doon ka nila titirahin...." salaysay ng binata.

Natahimik ang dalaga alam naman niyang may mali siya, kaya hindi na ito sumagot pa.

"Sige lalabas na ako magpahinga kana jan..." utos ng binata at tumayo.

Napangiti siya ng tumalikod, dininig ng diyos ang panalangin niya, nagkita ng sila ulit pero sa hindi magandang pagkakataon, muntik ng mamatay ang dalaga.

VENUS, THE MODEL  (GODDESSES OF BEAUTY BOOK 3) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon