Chapter 1: The One with the I.D lace

89 1 0
                                    

June 17, 2019

"Putanginang yan, umuulan na naman." Bulong ko sa sarili ko habang pinag mamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan may waiting sched malapit sa entrance ng School namin.

Sabi kasi sa balita kanina nung papasok ako uulan daw ngayong hapon, eh tanghali pa lang naman, scam ka gago.

"Maui!" Tawag sakin ni Adi. Agad ko naman s'yang nilingon, swerte may payong si tanga.

"Tara sukob ka saken may payong ako." Sabi n'ya habang pinapakita sa akin ang payong n'ya.

"Halata nga, naks girlscout yan?" Pag bibiro ko pa.

"Tanga ka, mahal kasi ako ng nanay ko kaya n'ya pinadala sa akin itong payong na'to." Sabi n'ya sabay sumukob saken at tumakbo kami papasok sa entrance.

Pag dating namin ng entrance naka pila lahat ng studyante, siksikan na naman bago makapasok, malas naulan pa naman. Chinecheck kasi nila kung may suot na I.D ang mga student at kung complete uniform.

"I.D mo neng nasan?" Sabi saken ng school guard.

Oo nga I.D ko nasan?

"Nasa bag ko ata kuya." Sabi ko sabay binuksan ang bag ko at hinalungkat ang para mahanap ang I.D ko.

"Bilisan mo daming studyante naka pila oh, cause of delay ka." Sabi saken ni kuyang guard, wala naman akong pake kahit abutin pa kami ng ala una dito.

"Eto oh, kala mo ha. hahaha" Sabi ko sa guard habang pinapakita sa muka n'ya ang I.D na nakabaliktad ang front ang nasa back at ang back ang nasa front na hawak ko bago ito sinuot. Uso kasi yon eh.

Agad naman akong nakapasok at inintay ko dito sa Adi sa may lobby. Parehas kaming GAS student, pero gusto namin mag Nursing sa college. Nung nag enroll kasi kami eh wala na raw slot na natira para sa STEM kaya GAS nalang kinuha ko. Ewan ko rin ba kung bakit GAS.

"Beh hindi mo ba nakita may pogi, katapat ata natin ng room." Bulong sa akin ni Adi habang nag lalakad kami papunta sa room namin.

"116 Chrysolite." Bulong ko habang papasok sa room namin.

"Beh hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Bulong ule sakin ni Adi.

"Yan basta pag pogi, sigeng sige eh." Sabi ko habang umupo sa bakanteng upuan. Wala pa naman kaming seating arrangement kaya ayos lang kahit saan.

"Hi, GAS ka rin right?" Omg may pontential ung sinabi niya. Obvious ba? Kasi nandito ako sa room ng GAS student kasi ABM ako?

"Omayghad i bet magiging mag kaclose tau." Sabi ko sa kanya bago s'ya niyapos.

Agad naman siyang bumitaw sa yakap ko. Choosy pa amputa.

"Maui!" Sabi ko bago ko nilahad ang kamay ko para makipag shake hands.

"Ellie, and this is my friend Ohris." Sabi n'ya bago n'ya rin nilahad ang kamay n'ya.

Magkakatabi kaming apat sa upuan ng biglang dumating ang aming adviser.

"For todays classes, wala muna. Mag kakaroon tayo ng orientation sa may Amphitheater. Any question?" Ika ng aming adviser sa aming lahat.

"Ako ma'am may tanong." Pakikisali ng isa kong kaklase hindi ko pa alam ang pangalan.

"Sino po ang kasabay namin?" Tanong nito.

Agad naman ako napatingin sa labas, ABM pala ang katapat namin. Dun ata section ng isa kong kaibigan, si Chester.

"GAS at HUMSS na PM session ang mag kasabay." Sagot ng adviser namin.

HUMSS huh? Tunog maraming gwapo.

Agad agad naman kaming nag tayuan para pumila na sa labas ng room namin papuntang Amphitheater para manuod ng orientation.

"Boring." Bulong ni Adi habang nakapangalumbaba at nakatulala sa mga studyanteng nag papasukan sa Amphitheater.

"Tara Canteen." Yaya ko sa kanya kaya agad naman siyang tumayo at kinuha wallet n'ya.

"Ellie, paki save ang upuan namin ah, true friend ka e." Sabi ko kay Ellie at tumango naman ito bago ko iniwan rin ang bag ko sa upuan.

Tumakbo kami palabas ng Amphitheater patungong canteen, mahirap na baka bigla naming makasalubong ang aming adviser kaya nag suot kami ng face mask. Habang tumatakbo ay nararamdaman ko na parang mahuhubad ang aking sapatos kaya agad akong huminto at inayos muna ito.

"Adi saglit!!" Sigaw ko sa may Lobby.

Agad naman tumingin sa akin si Adi at huminto rin sa pag takbo.

Nung naayos ko na ang sapatos ko ay akmang tatayo na ulit ako ng biglang sumigaw si Adi.

"Maui! mababangga ka!" Kaya naman tumingin ako sa bandang likod ko ng biglang may grupo ng mga lalaki na tumatakbo rin ng mabilis.

Agad nang laki ang mata ko ng may lalaking tatakbo sa gawi ko at sure ako 100% na mababangga n'ya ako.

Tatabi sana ako ng biglang may humila sa akin ng malakas sa gilid dahilan para matumba ako sa kanya.

Akala ko ay magkakasugat ako sa lakas ng pag kakabagsak ko kaya pumikit nalang ako ng mariin, pero hindi naman ako nasaktan. Ang lambot ng binagsakan ko e.

Agad akong sumigaw ng malakas dahil feeling ko nasaktan ako. Minulat ko ang aking mga mata, laking gulat ko na nakapatong na ako sa isang 'di ko kilalang lalaki. Naamoy ko ang bango masyadong manly yung amoy, gusto ko nalang ilagay ung muka ko sa may leeg n'ya at amuyin siya araw-araw.

"You okay?" Tanong sa akin ng lalaki. Ghad yung boses n'ya parang manlalamon sa sobrang lalim. Kaya agad kong tinignan ang muka n'ya.

"Omayghad!" Sigaw ko at bigla naman akong umalis sa pag kakapatong sa kanya at tinulungan s'yang tumayo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito habang pinapagpaggan ang likod n'ya.

"Nasaktan kaba?" Sunod-sunod kong tanong dito.

Tumayo naman siya bago n'ya pinulot ang salamin n'ya at inayos ang pagkaka sukbit ng bag n'ya. Mukang nasira ata ung salamin.

"Nasira ba ang salamin mo? I'm sorry ha." Sobrang dami ko ng tanong pero kahit isang sagot walang imik.

"No, I'm okay." Sagot lang nito sa akin. Bago ako tinalikuran at umalis.

"Huh?" Sabi ko sa sarili ko bago ako nilapitan ni Adi.

"Are you okay Maui?" Tanong n'ya saken. Bago ako tumango at nag lakad na ulit kami papuntang canteen.

Pag pasok naming canteen nakita ko na nakaupo s'ya sa isang gilid, seryoso lang yung muka n'ya mukang may iniisip. May kasama na s'ya ngayon, isang babae at dalawang lalaki, nagtatawanan sila ganon ata ang bonding, pero hindi s'ya nakikitawa.

Nakita ko rin sa I.D lace n'ya na isa s'yang HUMSS student, kasi color yellow yung lace n'ya. I wonder kung bakit sila nandito imbis na umattend din ng orientation.

"Ayun s'ya oh!" Mahinang bulong ko kay Adi habang nakatingin doon sa gawi nung lalaki.

"Sino ba?" Tanong ni Adi habang nakapila sa cashier.

Hindi na ako sumagot at nag order nalang. Umorder ako ng kanin at ulam since tanghali na at hindi pa ako kumakain.

Nung paupo na kami ni Adi sa table ay bigla n'ya hinila ang I.D. lace ko.

"I.D mo neng nasan ha?" Tanong nito sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita na lace lang ang suot ko at wala yung I.D.

Agad akong tumayo at nag tatakbo papuntang lobby para hanapin ang I.D ko. Nako hindi pwedeng mawala yun, i swear to God.

Nung nasa lobby na ako at hinahanap ang I.D ko biglang may humila sa akin sa braso at dinala ako sa may gilid kung saan kakaunti lang ang nadaan na studyante.

"I think you drop this."

Mahinang bulong sa akin nung lalaki bago inabot ang aking I.D.

One Night Stand at Empire StateWhere stories live. Discover now