Chapter 5: The One with Lunch out

44 0 0
                                    

June 28, 2019

"Tanginang ulo yan paharang harang." Sigaw ko habang nakapila sa canteen, lunch break na kasi tapos siksikan mga studyante para makabili ng pagkain nila.

Nakapila kaming apat nila Adi, nakikipag unahan na rin sila, nung chance ko na para bumili ng pagkain wala ng laman yung mga shelf ng ulam.

"Wala na neng, pahuli huli ka kasi naubusan ka tuloy." Sabi sakin ng tindera sa canteen.

Aba bakit parang kasalanan ko pa na naubusan ako ng pagkain.

Cup noodles na naman.

"Tara sa lumabas." Aya samin Ohris.

"Samgyup." Sabi naman ni Ellie.

"G!" Sigaw naman ni Adi.

Agad kaming nag tungo sa kotse ko sa may parking lot. Since na ako lang may dalang sasakyan saming tatlo, though may car din naman yung tatlo pero hindi nila dala. Sumasabay lang kasi sakin pag papasok si Adi since mag ka village nga kami. Tas yung dalawa malapit lang yung house nila dito sa school kaya nilalakad nalang.

Nung pasakay na kami ay bigla kong nakita ang group of friend nila Louie nasa parking ren, nag tatawanan sila as usual pero s'ya eh wala naka poker face lang. Nakita kong sumakay s'ya sa may driver seat habang umupo si Trina sa shot gun seat at si Axel at Nico sa likuran.

"San kau pupunta?" Sigaw ni Adi habang kumakaway sa direksyon nila Louie.

Si Louie ang driver nila. Ohh he's driving BMW.

Habang ako.. Mercedes-Benz.

Nakitang kong tumingin si Louie sa direksyon ko bago ako umupo sa driver seat.

"SamG!! Kayo???" Sagot ni Nico kay Adi.

"SamG ren!!" Sagot ni Adi bago sumakay sa shot gun seat ko.

Nakita ko na bumaba pa sa sasakyan ni Louie si Nico bago kumatok sa bintana ko.

"Sama kami sa inyo, kung saan kayo dun na rin kami." Pumalakpak naman si Adi dahil sa tuwa.

"Unahan mo na Maui, susundan ka namin." Sabi ni Nico tumango naman bago ko inistart ang sasakyan ko.

Lumabas na kami ng Campus at nakita kong sumunod na saken si Louie at tinapatan nito ang sasakyan ko.

Agad binaba Trina ang window n'ya bago tumingin saken.

"Saan ba?" Tanong ni Trina. Nakitang kong lumingon din sa gawi ko si Louie.

"Anywhere. Just follow my car, okay?" Sagot ko bago ko tinaas ang window at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko.

Nakita ko na binilisan din ni Louie ang patakbo n'ya ng sasakyan para sundan ako.

"Hahaha, see you there bitch." Bulong ko sa sarili ko habang binabagtas ang kahabaan ng Tagaytay.

Pag dating namin sa may parking ng Resto, sinabi ko sa tatlo na pumasok na kasi hahanap pa ako ng parking kaya binaba ko sila sa may entrance, nakita ko sa side mirror ko na ni drop na rin ni Louie ang tatlo n'yang kasama para humanap ng parking.

Nakahanap naman ako agad ng space at sakto mag 2 bakante may parking na rin si Louie. Agad akong pumarada ng maayos, nakita ko rin na nag park na si Louie sa tabi ng sasakyan ko. Inaalis pa n'ya ang seat belt n'ya ng bigla itong tumingin sa akin.

Ngumiti naman ako ng bahagya saka kumaway at lumabas na sa sasakyan ko.

Lumapit ako sa sasakyan n'ya habang iniintay s'ya bumaba.

"Bagal mo naman mag drive." Sabi ko habang tinitignan ang relo ko.

Bumaba na rin ito bago sinarado ang kotse n'ya at lumakad sa harapan ko.

One Night Stand at Empire StateWhere stories live. Discover now