Chapter 4: The One with the 'See you again'

50 0 0
                                    

June 25, 2019

Isang linggo nakalipas simula nung nag inuman kami kila Adi. Isang linggo rin simula nung mag usap kami ni Louie, yun na rin ata yung first and last na pag uusap namin at hindi ko rin s'ya ganoon nakikita sa ngayon, baka siguro busy schedule n'ya.

"Maui you're spacing out." Sabi sakin ni Adi bago s'ya umupo sa tapat ko.

"What's bothering you?" Tanong naman sa akin ni Ellie.

Tinignan ko lang sila bago ako nangalumbaba.

"Iniisip mo si Louie no?" Dagdag ni Ohris. Shuta lakas talaga makapansin ng gago na 'to.

Tinignan ko s'ya bago ko sinamaan ng tingin.

"See, crush mo si Louie." Sabi ni Ohris bago tumawa ng mahina.

"Tanga ka, hindi naman e. Desisyon ka rin e." Bwelta ko agad.

"Ayun si Louie oh." Sabi ni Ohris bago tumuro sa may entrance. Lumingon ako agad baka nga nandun.

Pero pag lingon ko wala naman narinig ko na nag tawanan sila.

"Huli pero di kulong." Sigaw ni Adi bago ako binatukan.

Eh kasi naman e bakit ba ayaw mag pakita saken ni Louie ngayon, saka lang s'ya mag papakita pag super epic ng moment yung halos nakakahiyang makita at nakaka turn off.

Bumalik na kami sa room at hindi ko man lang nakita si Louie talaga kahit anino eh wala, gusto ko lang naman mag Hi eh. hahaha Hi lang talaga.

Klase na namin ngayon Oral Communication, medyo nakakaboring puro discussion lang naman tapos madali lang din naman. Nakita ko na inaantok na si Ellie at Adi habang si Ohris eh tulog na. Tapang amputa.

"Pssstt... Tara mag cr sa amphitheater." Yaya ko sa tatlo. Agad namang nagising si Ohris at tumayo.

"Ma'am excuse po! iihi lang po ako." Sabi ni tanga bago tumayo at lumabas. Narinig kong tumatawa si Adi at Ellie, mahina lang naman, agad din naman kaming sumunod kay Ohris palabas.

Pag labas namin ng pinto dun na tumawa ng malakas ang dalawa.

"HAHAHAHAHAHAH Tanga ampota, nagising nung narinig na lalabas tayo eh." Ani Adi habang nang hahampas pa.

"Tarando ang gago, apaka walang hiya." sabi rin ni Ellie habang hinahampas ako. Hindi naman ako makatawa kasi nga hindi ko pa nakikita si Louie. Hindi ako tatawa hanggang hindi ko nakikita si Louie talaga.

"HAHAHAHA Narinig ko kasing nag yaya si Maui e." pakikitawa rin ni Ohris.

Napangiti naman ako sa kanilang tatlo paka ganda nilang tignan habang tumatawa kahit bago palang kaming mag kakaibigan eh parang yung samahan namin eh pang 10 years na.

"Tahimik ni tanga oh." Sabi ni Ohris habang nakatingin saken. Nag lalakad kami ngayon pa Amphitheater.

"Wala kasi ang bebe n'yang si Louie boy." Sabi naman ni Ellie. Sabay huminto sa may Bookstore kung saan kami nakatambay ngayon.

Agad akong napatingin sa kanilang dalawa bago umirap.

"Nako be alam mo ba yung last na umirap saken tinanggalan ko ng panga." Sabi saken ni Ellie.

"HAHAHAHAHAHA GAGO AMPUTA TAWANG TAWA AKO." Sigaw ni Adi habang hinahampas ako.

"Babaw ng happiness mo be, siguro kung mag kaka boyfriend kang may 3 inches na tite masaya kana." Sabi ko agad naman nag tawanan ang tatlo dahil sa sinabi ko.

Agad din akong napatahimik ng biglang may umubo sa likuran ko.

"Ehem."

Biglang nanlaki ang mata ko at napatahimik nalang dahil sa hiya.

One Night Stand at Empire StateWhere stories live. Discover now