Time flies when you're enjoying it.
Pwede bang wag nalang matapos to? Pwede bang dito nalang ako? Para kasing ayoko ng iwan si Yoseob. Parang gusto ko dito nalang ako sa tabi nya palagi. Kung pwede lang sana...
"Minna? Any problem?" Narinig kong tanong ni Yoseob sakin. Nakatingin siya sakin na parang nag aalala.
"N-nothing" Pinilit kong ngumiti para hindi na sya magtanong pa. Pero nagulat ako sa isinagot nya. Bigla niya kong hinila palapit sakanya at saka niyakap. Hindi siya nagsasalita basta nakayakap lang sya sakin. At habang tumatagal, nararamdaman kong humihigpit yung yakap nya.
Andito kami ngayon sa rooftop ng building ng Cube. Dinala nya ko dito ng matapos yung event nila this day. Hindi ko alam pero I find it romantic. Or sadyang kinikilig lang talaga ako pag kasama ko sya kaya lahat ng bagay na ginagawa nya para sakin, romantic na.
"It's cold here right? S-so just let me hug you for awhile." Naramdaman kong yumuko sya sa may balikat ko. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, nakuryente nanaman ang buong katawan ko. Siya lang talaga nakakagawa ng ganito sakin.
After ilang minutes, bumitaw narin sya at saka umupo sa sahig. Itinuro nya yung tabi nya at pinaupo ako dun. Pagkaupo ko, naramdaman ko yung ulo nya sa balikat ko. Hindi ko alam pero sobrang skinship na ang nangyayari. Hindi sya energetic tulad kanina. Hindi sya masyadong nagsasalita. May problema kaya sya?
"Minna"
"Hmm?"
"좋아 [I like you]"
Minna Joha... Minna Joha... Minna Joha...
Ayy hala? Totoo? Totoo ba yung narinig ko? He likes me? Dahil sa sobrang kaba ko, hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot ko, kung tama ba yung pagkakarinig ko, at kung tama ba pagkakaintindi ko. Baka mamaya, iba naman pala ang ibig niyang sabihn tapos nag-assume lang ako.
"A-aahh.. A-aahhh.. A-are you just kidding? Y-You know you just can't easily like me. I-It's like you only know my name.."
Pabo Minna! Pabo!! Ano bang pinagsasasabi mo? Pwede namang manahimik ka nalang di ba?
Pero hindi ko inaasahang walang sasagot sa sinabi ko. Tinignan ko siya at nakita kong tulog na sya habang nakasandal sa balikat ko. *sigh* Buti nalang at nakatulog na siya. Siguro hindi na niya narinig yung sinabi ko.
Hinayaan ko lang siyang matulog habang nakasandal sa balikat ko. Sigurado akong sobrang napagod siya ngayon. 4 days narin akong nandito at halos wala silang pahinga sa kabi-kabilang event. Ang hirap sigurong maging idol. Sikat ka nga, pero may mga bagay kang hindi pwedeng gawin kasi mapapansin agad ng tao.
BINABASA MO ANG
B2uty meets her B2st [ Beast Fanfic | Series | On Hold ]
FanfictionSi Minna ay isang tipikal na KPOP fan na nangangarap makita ng personal ang mga pinapantasya niyang KPOP Stars. 21 years old, fresh graduate sa kursong wag na nating alamin. At isa sa mga goals niya matapos grumaduate ay makatuntong sa lupang tinata...